36- The father

574 32 2
                                    

Abid's PoV




I run to Troy's office at pumasok ng walang pahintulot, wala naman siyang kasama.

"TROYYYY!", I shouted happily.

"Wag ka ngang sumigaw. What's wrong?", Simula ng magkatrabaho kami nito, we became friends. Naging close kami more than you can imagine. Kaya nga tinutulungan niya na ako kay Charrie e. Hindi na niya ko tinuturing bilang mas matanda sa kanya o siya bilang boss ko.

"Ok na kami", nakangiting sabi ko.

"Really? That's nice. I deserve a treat. Let's drink?", he said. Ang lalaking to talaga, sobrang yaman pero mahilig magpalibre. Tsk.

"Sige na nga. Tara", sabi ko at nauna ng lumabas ng office niya.

"Nasa *** bar daw si Kuya. Puntahan nalang natin.", sabi niya and I nodded habang kasunod ko siyang naglalakad papunta sa elevator.

"Kuya mo talaga, suki na ng bar e.", natatawang sabi ko.

"Well, that's him.", pagsang ayon naman niya.

Dumiretso kami sa kotse ko na dala ko ngayon. Tamad din kasi yang magdala ng kotse, maluluma daw.

"So anong plano mo sa inyong dalawa ni Sheila?", tanong niya. Alam ko na bukod sa kaibigan niya ko kaya niya ako tinulungan kay Charrie ay may isa pa siyang dahilan, at yun ay gusto niya si Sheila.

"Alam mo naman na simula palang, hindi ko nagustuhan si Sheila. Sa ngayon, wala akong plano sa kanya dahil si Klea lang naman ang konektado sakin at hindi siya.", I honestly said.

"Pero may anak kayo.", sabi niya.

"Wala naman akong planong itakwil si Klea o pabayaan siya, she's still my daughter. I can do everything for her. She's my princess.", I said.

"Everything? What if she asks you to marry her mom? Will you?", natigilan ako sa tanong niya.

"I... still don't know. I just hope na hindi dumating ang oras na yun ang hingin niya sakin.", yan lang ang kaya kong isagot sa kanya.

"But you should be prepared. Nagmamature na din ang isip ni Klea, darating ang araw na magtatanong na yan kung ba---", I cut him off.

"I don't want to think about that.", ayoko talaga dahil pag dumating ang oras na hilingin sakin yan ni Klea at kailangan kong pumili kung sino ang mas mahalaga kay Klea at Charrie, hindi ko alam kung sino ang pipiliin ko. I love them both.

Nakarating na kami sa *** bar. Kilala kami dito dahil madalas naming sunduin si JL na lasing. Ewan ko ba sa g*gong yun, parang ang laki ng problema niya pero never siyang nagsabi samin.

"Nasaan si Kuya?", tanong ni Troy dun sa bartender na kaibigan din ni JL.

"VIP Room Number 6", sagot naman nung bartender kaya pumunta na kami doon. Mula sa tapat ng VIP room number 2 ay rinig namin ang boses ni JL na parang may kausap----pero sigawan talaga ang naririnig namin. Boses niya at ng isang babaeng pamilyar din ang boses. Dumiretso lang kami sa paglalakad ni Troy hanggang sa nakita naming bukas ng kaunti ang pinto ng VIP room Number 6.

"BAKIT BA AYAW MO PANG SABIHIN KAY TROY? KARAPATAN NIYANG MALAMAN ANG TOTOO!", we heard jl's voice.

"ano'ng pinag-uusapan nila? bakit nadawit ang pangalan ko?", curious na tanong ni Troy. Nagkibit balikat lang ako at hindi muna kami pumasok.

"ALAM MONG SI KLEA LANG ANG DAHILAN KUNG BAKIT NAKAKASAMA KO SI ABID TAPOS SASABIHIN KO NA HINDI NIYA TALAGA ANAK SI KLEA? SA TINGIN MO MAKAKASAMA'T MAKAKAUSAP KO PA SIYA? DIBA HINDI NA? PLEASE LET ME BE HAPPY! SI ABID AT KLEA NALANG ANG KASIYAHAN KO.", naiyak na sigaw ni--- SHEILA?

A-anong sabi niya? Hindi ko anak si Klea?

"HAYAAN KANG MAGING MASAYA HABANG YUNG KAPATID KO PARANG NAWALAN NG KARAPATAN SA SARILI NIYANG ANAK? WALONG TAON KA NG NAGPAPAKASASA KAY ABID AT KLEA. WALA KANG PAKIALAM SA NARARAMDAMAN NI ABID, NI CHARRIE LALONG LALO NA NI TROY. TAMA NA SHEILA, NGAYON KUNG WALA KA PANG BALAK SABIHIN KAY TROY, AKO NA MISMO ANG MAGSASABI SA KANYA NA SIYA ANG AMA NI KLEA.", napalingon ako kay Troy ng dahil sa narinig ko.

Si Klea... hindi ko siya anak?

Sii Troy... siya ang ama ni Klea?

Walang pakundangang pumasok si Troy kaya pumasok nadin ako.

"T-troy.", nasambit ni Sheila na gulat na gulat.

"A-abid.", nasambit niya din ang pangalan ko ng makita ako sa likod ni Troy.

"Ulitin mo ang sinabi mo.", madiing sabi ni Troy habang matalim na nakatingin kay JL.

"Troy...", yan lang ang nasabi ni JL.

"FVCK! JUST TELL US THE TRUTH!", napasigaw nadin ako sa galit. This is too much to take!

"Abid.. I- I can explain.", naiiyak na sabi ni Sheila habang hinahawakan ang kamay ko pero iwinaksi ko lang iyon.

"How dare you do that to me? to us? PINAGMUKHA MO KAMING TANGA. WALONG TAON SHEILA! WALONG TAON MO KONG PINANIWALA NA ANAK KO SI KLEA!", hindi ko na napigilan ang sarili ko. Hindi biro ang ginawa niya!

"Alam mo? ALAM MO PERO HINDI MO SINABI SA AKIN? ANONG KLASE KANG KAPATID?", Troy asked JL.

"I've tried pero sa tuwing susubukan ko, sinasabi niya na ilalayo niya si Klea. Pamangkin ko rin si Klea kaya ayokong malayo sa kanya. I'm sorry Troy.", JL sincerely said.

"Sheila. Why didn't you tell me?", malamig na tanong ni Troy kay Sheila.

"Troy.. I'm sorry.. I just--", he cut her off.

"Hindi ka karapat dapat na tawaging ina. Ang isang ina ay hindi makasarili, ang isang ina ay inuuna ang kapakanan ng anak. Wala kang kwenta.", mariing sabi ni Troy na nakapagpatikom ng bibig ni Sheila pero patuloy itong umiyak.

"Hindi ako hihingi ng tawad sa gagawin ko ngayon dahil hindi mo deserve yon. Pag-uwi mo, wala ka ng anak na madadatnan.", ang huling sinabi ni Troy bago tumakbo palabas ng kwarto.

"Troy! No! Not my daughter please!", pahabol pa ni Sheila pero nakaalis na si Troy habang pigil pigil naman ni JL si Sheila na makaalis.

"Simula sa araw na ito, kalimutan mo ng nagkakilala tayo.", sabi ko bago lumabas ng kwarto.

"Abid... no.. ABIIIIIIID!", rinig ko pang sigaw niya pero hindi ako lumingon.

...

AN: One secret revealed. Phew. Hahaha. Wawang Sheila 😂😂

Try ko ulit mag UD later. :)

Heartbeats Series #1: Heartbeats For Sir [Completed- Self published]Where stories live. Discover now