II : N I G H T

5 0 0
                                    

Cyna's Pov

Totoo ba yun? May nakita akong lumilipad na tao? Totoo si Superman? Siguro kapag vinideo ko iyon sisikat ako pero hindi naman masosolusyun ang problema namin sa pera. Totoo ba yun alien? Yes, I've been searching some extraordinary creatures at ngayon naghahallucunate ako ngayon? Hindi ko alam na nasa harap na pala ako ng bahay namin, nakita ko si tatay na nakikipag-usap kay Mama. Mukhang seryoso ito ah. Wala akong nagawa kundi sa terrace muna ako. Ayoko kasing maistorbo silang dalawa.

Hindi ko sila marinig pero may narinig ako kay Papa na 'Ililigtas natin sya rito.' Anong ililigtas nila ako? Baka iba naman yung sinasabi nila. Kasi araw-araw may mga problema yung mga mangingisda dito kaya wala akong kinalaman dyan.

Nung naramdaman kong wala ng nag-sasalita. Pumasok na ako sa bahay at nag-mano sa kanila.

"Oh bat ngayon ka lang nakauwi?" tanong ni papa ko.

Naalala ko nanaman yung lalaking nakausap ko kanina, napakasungit. "Ano po kasi naglakad-lakad po ako kanina tsaka nag-assisst po kasi ako sa mga turista." sabi ko naman. Tinignan ako ni papa parang sinusuri ako tsaka sya tumango. Ngumiti naman ako.


"Anak matulog kana, gabi na nyan." sabi ni Mama kaya nag-goodnight na ako sa kanila. And I feel tired nadin kasi ako pero naalala ko yung librong ibinigay sa akin ni Anghela yung lumang libro. Kinuha ko sa drawer ko at sinuri ulit. Kulay brown ito at magaspang ang kanyang cover bakit kaya ako bibigyan ni Anghela ng ganito? Ibinuklat ko yung libro at ang nakita ko lamang sa unang pahina ay blangko. Sa susunod na pahina naman ay nakita akong Dark, at hanggang sa susunod na mga pahina ay wala na. So yun lang? Parang diary ang ibibigay sa akin ni Anghela? At Dark lang ang nakalagay?

Ibinalik ko yung Libro sa drawer at humiga sa higaan ko nakaramdam na ako ng antok bago ako makatulog ng tuluyan, narinig kong may isang lalake na nag-pakilala.




"My name is Dark, from South Drafido."







•~• | •~•

Gumisig ako ng umaga at napapaisip nanaman ako. Magluluto ba ako ngayon? o Maglilinis sa labas? Sinampal ko ng mahina yung pisngi ko at umalis ng kwarto. Tahimik ngayon kaya nagpasya kong magluto nalang. Sino si Bark? Bark ba yun? Baka naman barko yung pinag-uusapan nila Papa. North Drafido? Saan kaya yun? Sa ibang bansa? Baka naman North Pole ang sinasabi nya jusme! Pinapahirapan pa sina Mama at Papa eh! -_-#

"Oh anak, ang aga mo atang nagising ngayon ha?"


Nagulat ako nang biglang sumulpot sa gilid si Mama. "A-ah ano mama, usually naman na ganitong oras akong nagigising ha.."




Tumingin sya sa akin at nanliit yung mata nya tsaka nya ako binatukan. "Aray ko Ma!"




"Anong maaga? alas kwatro ng umaga diba alas singko ka nagigising? Bakit may problema ba?" tanong nya. Sasabihin ko ba na yung Bark ba or barko ang pinag-uusapan?





"K-kailangan ko kasing matapos yung assignment mama eh. Hehe." sabi ko at napakamot sa ulo. Sinuri nyang mabuti yung mukha ko at napabuntong hininga sya. "Ako na dyan, tapusin mo na yung assignments mo." sabi nya. Ngumiti ako at niyakap sya.










"Ma? Pwede ba munang pumunta sa tabing dagat?"






I cleared my mind habang tinitignan yung dagat, malakas ang alon at malinis na dagat.
Dito daw ako isinilang ni Mama sa islang ito, hindi sa Manila. Hindi ko nga alam kung anong meron sa Manila, maganda ba doon? Malinis ba doon? Ang mga nakikita ko lang kasi sa picture puro mga malalaking building at ang gaganda! Napaka-laki ni akala mo ay about ulap na!





Umupo muna ako at pinag-laruan ang malinis na buhangin. Napaka-sarap sa feeling. Parang kailan lang na nag-tatampisaw ako dito noong bata ako. Kasama ko pa si Anghela na nag-lalaro dito. Natatawa ako dahil hindi pa din sya marunong lumangoy hanggang ngayon, kailan kaya matututo yung babaeng yun? Madilim pa ngayon pero dahil sa liwanag ng mga poste sa likod ko, nakikita ko ang dagat na kumikislap konti. Napapikit ako at pinapakiramdaman ang hangin na bumabalot sa aking mga balat, feeling ko nga parang may extraordinary akong kapangyarihan parang ganun? Parang si Doctor Stranger lang ang peg? Everytime ko ginagawa ito parang may pumapalibot sa akin na aura na hindi ko ma-explain.





Hay nako Cyna! Tama na nga yang mga sci-fic masyado ka nang adik sa mga binabasa mo at napapanood mo. -_-"







Tumayo na ako at pinagpag yung damit ko ng may nakita akong isang lalake na malayo sa akin at naka-blue nakatingin sa dagat at bigla syang tumingin sa pwesto ko kaya bigla akong umiwas ng tingin at umuwi nalang. Sheteng tuknene! Nakita nya ata akong nakatingin sa kanya! Hindi ba isang multo yun o kaya naman shokoy na gwapo tapos kapag naakit na nya ako... MAGIGING PANGIT SYA! WAAAAA!


Dali-dali akong umuwi dahil natatakot ako pero bigla nawala yung takot ko dahil sa mukha nung lalakeng yun. Infairness, ang gwapo... AY CYNA ERASE! STUDY FIRST AND WALANG BOYFRIEND! Ay boyfriend agad?

The Walang Story TitleWo Geschichten leben. Entdecke jetzt