Tequila

25.8K 308 6
                                    

Author's Note:

Hello, guyz! Marcus, the last among the elusive bachelors of St. Matthew, had finally found his lady match. 😉

Maybe you're wondering why the title of this story is like that. Well, aside from our commitment phobic hero, this story contains a little paranormal thingy in it.

Who among you believes in ghosts and creepy creatures? I do. 😉😉😉

Enjoy reading! 😘😘😘

Book 4 of 4

💗💗💗💗💗💗💗💗💗💗💗💗💗💗

CHAPTER ONE

Three and a half years ago...

“Ma’am, ready na po ang service na maghahatid sa inyo sa Metro Centre,” salubong ng receptionist sa front desk ng isang kilalang resort.

“Salamat, Miss.” Bitbit ang di-kalakihang traveling bag at shoulder bag, tumuloy na si Ivory sa naghihintay na sasakyan.

Mula Cebu ay nagbiyahe siya mag-isa patungong Bohol para sorpresahin ang nobyo na nandirito para umattend sa tatlong araw na convention.  Hindi niya maiwasan ang kaba na nararamdaman sa mga sandaling ito.  This was, so far, the boldest thing na ginawa niya sa loob ng dalawang taong relasyon nila. 

Pagkatapos niyang tanggapin ang marriage proposal nito noong mismong ika-dalawang taong anibersaryo nila last month, nabuo na ang pasya niyang ibigay ang sarili nang buong-buo dito.  At ito na ang katuparan ng plano niyang iyon. 

Alam niya kung gaano siya kamahal ni Arthur, walang duda sa bagay na iyon.  Sa kabila ng pagiging busy nito sa propesyon ay hindi ito nagkulang ng oras at atensyon sa kanya.  At alam niya kung gaano siya nito nirerespeto.  Sa loob ng mga taong iyon ay hindi ito lumampas sa hindi nararapat.   Hindi siya makapaniwala sa self-control nito pagdating sa bagay na iyon. 

Minsan tuloy ay ‘di maiwasang makaramdam siya ng insecurities.  Pakiramdam niya ay hindi siya kaakit-akit para sa nobyo. Lalo na, madaming umaaligid na babae dito, sa loob at labas man ng ospital. 

Sinong babae ba naman ang hindi magkaka-interest sa nobyo niya?  Sa edad nitong thirty-five ay head na ito ng surgery department sa isang malaking private hospital sa Cebu.  Kung sa appearance na lang ay nakapaglalaway ang kagandahang lalaki nito, idagdag pa ang matipuno nitong katawan.  Huwag nang isama pa ang mamanahin nito bilang kaisa-isang anak ng isang business tycoon sa Cebu.  In other words, daig mo pa ang nanalo ng jackpot prize sa lotto kapag napaibig mo ito. At siya iyon, ang pinagpalang babae na siyang nakatakdang maging Mrs. Arthur Dumapig Jr., pagdating ng araw. Hindi pa rin siya makapaniwalang siya ang napili nitong pakasalan.

Pagpasok niya sa hotel ay umalis na ang sinakyan niyang service van ng resort kung saan siya tumuloy kaninang umaga. Nakalangoy na siya sa dagat at natulog doon maghapon.  Hinintay lang niyang mag-text si Arthur para sabihin nitong tapos na ang talk para sa araw na iyon.

Ito ang ikalawang araw ng convention, bukas ay may panahon pa sila ng nobyo para mag-ikot at makapamili ng pasalubong.  Nagtuloy siya sa elevator at pinindot ang ika-labindalawang palapag kung saan naka-book ang nobyo.  Biniro niya ito kagabi na susunod siya sa Bohol, kaya hiningi niya ang room number nito.  Ibinigay naman nito iyon, dahil siguro sa pag-aakalang imposibleng totohanin niya ang birong iyon.  Bago ito umalis ng ospital noong makalawa ay ipinagbilin pa siya nito sa chief medtech nila na huwag siyang hayaang magpaliban ng pagkain.

Pagdating sa harap ng suite room ay huminga muna siya nang malalim, inayos niya ang blouse at skirt at sinuklay ng daliri ang mahaba at tuwid na buhok, bago pinindot ang buzzer.  Ilang sandali pa ang lumipas bago bumukas ang pinto.  Pero hindi ang mukhang inaasahan niya ang bumulaga sa kanya.

Creepy Little Thing Called Love (Revised Version)Where stories live. Discover now