Seafoods

10.3K 268 13
                                    

CHAPTER  NINE

MALAKAS ang ulan dahil sa bagyong paparating.  Pauwi na si Ivory sa townhouse. Inabutan siya ng flash flood sa daan.  Nang ilusong niya ang kotse sa baha, tumirik ito sa gitna ng daan.  Itinulak ito ng mga traffic enforcers papunta sa isang tabi.  Kahit ano’ng gawin niya ay ayaw mag-start ng sasakyan. 

She felt helpless.  Malakas ang ulan.  Wala siyang payong.  Ano ang gagawin niya sa kotse ni Marcus?  Iiwan ba niya ito sa gilid ng daan?  Wala siyang nagawa kundi tawagan ang binata.

“Pasensiya na.  Wala akong alam sa pag-aayos ng sasakyan.”

“Hintayin mo ako diyan.  Huwag kang aalis.”

Maya-maya pa ay dumating si Marcus.  Hindi rin nito mapaandar ang kotse.  Sa tulong ng ilang mga tambay doon ay itinulak ng mga ito ang kotse papunta sa isang mas mataas na lugar.

Basang-basa si Marcus pagkatapos.  Pinalabas siya nito ng kotse at pinasakay siya sa Colorado.  “Hindi na tayo makakatawid sa intersection. Masyado na raw mataas ang tubig sa unahan at tumirik na ang mga sasakyan.”  Ibinuwelta nito ang sasakyan.

“Saan tayo pupunta?”

“My place.  Basang-basa na tayo pareho.”

Inihinto nito ang sasakyan sa isang malaking bahay sa loob ng isang subdivision.  Inalalayan siya nito papasok sa loob.  Itinuro nito ang isang kuwarto.

“Use the guest room.”

Makalipas ang halos kalahating oras ay kinatok siya nito.  “Are you done? Akina ang mga damit mo para maisalang sa washing machine.”

Hinigpitan niya ang tali ng makapal na robe bago niya binuksan ang pinto. “Ako na. Nasaan banda ang wash room?” Pagbalik niya ay nasa kusina na ang binata.

“I’m alone here.  Walang pagkain, only instant food.  Nagluto ako ng noodles.  Humigop ka muna para mapawi ang ginaw mo.”

“Salamat.”

Nang magkaharap na sila sa mesa ay nailang siya sa mga titig nito.

“Eat your food,” utos nito.

Sumubo siya.  Nakaramdam siya ng ginhawa nang magkalaman ng mainit ang sikmura niya.

“Sorry sa nangyari sa kotse mo.  Hindi ko dapat iyon inilusong sa tubig.”

“Don’t worry about the car.  Ipapahila ko na lang papunta sa auto shop ni Ethan.  Ubusin mo ang noodles mo.  Gusto mo ba ng coffee or hot tea?”

“Ako na ang magsasangkap.” Pumunta siya sa kitchen counter.  Nakialam na siya doon.  Nagulat pa siya nang muling magsalita ang binata.

“This reminds me of a night in Bohol.”

Nilingon niya ito.  Kamuntik na siyang mapalundag nang malamang nasa likuran na niya ang binata.

Lumapat ang kamay nito sa basang buhok niya at hinawi iyon mula sa mukha niya.  Tapos ay hinaplos nito ang kanyang pisngi, pababa sa kanyang leeg, at sa tatlong nunal niya sa dibdib. Nang makarating ang mga kamay nito sa suot niyang roba ay napalunok siya.

Saglit na huminto ang binata at tinitigan siya nang matiim. “I can’t fight this anymore,” mahinang bulong nito.

  Umangat ang kamay ni Ivory para haplusin ang mga labi niya. 
He bit her index finger.

“Ah...” hinila niya ang daliri.
Kinabig siya ng binata at walang sabi-sabing inangkin nito ang mga labi niya.

She moaned.Mula pa noong unang araw na makita niya ang mukha ni Marcus ay tuksong pumapasok na sa isip niya kung ano kaya ang pakiramdam ng makulong sa mga yakap nito? Naranasan na niya iyon ng ilang beses, pero may kulang.  Lalo lamang niyong pinukaw ang isang bahagi ng pagkababae niya na nananabik sa hawak at halik nito.

Creepy Little Thing Called Love (Revised Version)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon