Forty Two

24K 475 18
                                    

Chapter Forty Two

Arkisha's POV

Kinabukasan, bumalik ako sa hospital dahil may kailangan akong ayusin matapos madischarge si Papa. Hindi ko na pinasama si Adam dahil walang magbabantay sa kambal. Sinabi ko sa kanya na hindi naman ako magtatagal dito sa hospital.

Nang pauwi na ako ay nakita ko si Anika na nakaupo sa lobby. May kausap siyang lalaki at tawa siya ng tawa.

Nang mahagip ako ng mga mata niya ay kumaway siya sa akin and I waved back. Lumapit ako at nagulat nang makita kung sino ang lalaking kausap niya.

"Nick?! Anong ginagawa mo dito?"

"Hinihintay kita," sagot niya.

"Kung ganon, si Arkisha ang tinutukoy mong--."

Hindi na natapos ni Anika ang sinasabi niya nang tabihan ko siya at yayaing lumayo mula kay Nick.

"Paano mo siya nakilala?" tanong ni Anika habang sakay kami sa kotse. I offered na ihatid siya. Mabuti na lang kina Venice siya tumitigil.

"Long story. Anong mga sinabi niya sayo?"

"He told me na kaibigan siya ni Adam."

Napailing ako at hinigpitan ang hawak sa manibela.

"That's not true. Pamilya nila ang mortal na kaaway ng mga Castrences pagdating sa negosyo."

"Right. No wonder Adam never mentioned about him to me. Kung ganon, anong kailangan niya sa akin? Bakit niya ako nilapitan? Alam ba niyang kapatid ko si Adam?"

"Don't worry. I will find out."

Nagulat si Venice na ako ang naghatid kay Anika pauwi sa kanila. I told her kung paano ko nakita si Anika and I mentioned Nick. Idinagdag ko pa ang naging pag-uusap namin ni Mr. Norberto Chua ng nakaraang araw.

"Wait. Sorry, I got lost. So nililigawan ka ni Nick?" tanong ni Anika.

"I won't consider that as panliligaw. More like ginagawa niya lang yon para inisin at madistract si Adam noon," sagot ko. "And I admit, minsan hinahayaan ko siya para lang inisin din si Adam when we broke up."

"Eh bakit ngayon ko lang siya nakita?" tanong ni Anika.

Napatingin sa kanya si Venice.

"More like bakit ngayon lang siya sa'yo nagpakita?" sabi niya.

"Baka naman nagkataon lang na nagkita kami sa hospital? Sabi niya si Arkisha talaga ang ipinunta niya," sabi ni Anika.

"No. I doubt it. I know something is off," sabi ni Venice. Tumayo siya and crossed her arms. "Bakit ganun na lang ang mga binitiwang salita ng ama niya sa Papa mo? Kapag nawala ang Papa mo," sabi niya and she knocked on the wood "that doesn't mean na babagsak na ang business nyo and as far as I know iyon ang goal ng Chua dahil CGC at Daily Routine ang pinakamalakas nilang kalaban. And from his words, it sounds like a threat," dagdag niya.

Should I be alarmed?

"Kung kausapin ko kaya si Nick?" I suggested.

"Alone? No. Hindi kita papayagan lalong lalo na ni Adam. And do you really think he will tell you his real intentions?"

**

Nick's POV

"Nagawa mo ba ang ipinagagawa ko?"

"Dad! I already told you. Hindi ko gagawin yon!"

Umuwi ako sa bahay pagkagaling ko sa hospital. If I had known na madadatnan ko dito and Daddy ko, sana sa hotel na lang ako tumuloy.

Pagpasok ko pa lang, naamoy ko na kaagad ang alak. I was about to go inside my room nang pigilan niya ako.

"What happened to you? Ha? Noon naman nakikinig ka sa akin when I asked you to be close with that woman. Niyayaya mo pa nga siyang lumabas noon hindi ba?"

"Because I really like her kaya ko ginawa yon!"

I really like Arkisha ever since the first time I laid my eyes on her. I can still remember that night though that was years ago. She is wearing a dress that fits her well. Ako ang inutusan ni Daddy na dumalo sa party na yon instead of him. Kailangan ko na daw magpakita sa kanila. To be honest, ayoko talagang umattend sa party na yon but he insisted.

All he wanted is for me to distract Adam Castrences. Kung kinakailangan ko daw sirain ang pamilya nito ay gawin ko.

"Bakit mag-isa ka?" I asked her.

When I spotted her na mag-isa, I grabbed the chance. I introduced myself. Mas maganda siya sa malapit. Adam is a hell of a lucky guy!

"Nasa ibang bansa kasi ngayon ang asawa ko kaya hindi ko siya kasama ngayon," sagot niya.

Scratch that.

Adam is a hell of a stupid guy!

If this woman in front of me is my wife, I will never ever leave her. Lalo na at may mga lalaking katulad ko.

"Would you like me to get you a drink?"

She shook her head and refused to my offer.

"No thanks."

"Nick! So you've met Adam's wife."

Lumingon ako. I saw Brent at nawala ang ngiti ko . I know him. Minsan na siyang nakasama ni Adam noon sa isa sa mga meetings.

Ibinalik ko kay Arkisha ang tingin ko at ngumiti ulit ako.

"Right. So you're Adam's wife. What a lucky guy!"

"By the way, Arkisha. Paris is looking for you," sabi ni Brent. "Excuse us," paalam niya.

"Sure, go ahead. But wait, Arkisha. Please don't forget our meeting tomorrow," habol ko bago sila tuluyang makaalis.

"What?"

Naningkit ang mga mata niya but she still looks gorgeous.

"My dad asked me last night na kung pwede ako na lang daw ang umattend ng meeting with the daughter of the owner of Daily Routine. Actually, I answered him no but now I changed my mind, so see you tomorrow," sabi ko at tumalikod na ako para maglakad palayo.

Sinunod ko ang gusto ni Daddy noon dahil gusto ko talaga si Arkisha but things got messed up and complicated.

"Hindi mo ba kayang magustuhan ang kapatid niya?" tanong ng Daddy ko at ininom niya ang alak na hawak niya.

"Dad! Hindi ako robot na susunod sa lahat ng gusto nyo!"

"At ano? Hahayaan mo na lang na maging masaya sila samantalang miserable ang kapatid mo?!"

Nasabunot ko ang buhok ko. Here we go again. Naupo ako sa couch.

"Nick, halos dalawang taon ng miserable ang kapatid mo. Hindi ka ba naaawa sa kanya? Hindi ka ba nasasaktan sa mga gabing naririnig mong umiiyak siya? And your nephew?"

I looked down. Bumilis ang tibok ng puso ko.

"Alam mo ba kung gaano kahirap sa akin ang makitang nagkakaganun ang kapatid mo? Lalong lalo na ang kalagayan ni Claude."

"Pero hindi solusyon ang gusto nyo," bulong ko.

"At ano ang solusyon aber? Alam mong wala tayong laban sa korte. Kaya ang makita ko lang naghihirap ang pamilya nila, ikagagaan ng pakiramdam ko."

EX with Benefits (Secrets & Lies) (EWB #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon