Chapter 9

814 33 3
                                    

"G--gabi na pala..." wika ko ng mapansin na magtatakip silim na kaya naman nilingon ko si Khael na  nagpupunas ng pawis nya.
Lumapit ako dito at kinuha sa kamay nito ang Towel.

"Tulungan na kita..." wika ko dito.
Nagtama ang mga mata namin at ng tumango ito ay buong ingat na pinunasan ko ang puno ng pawis nitong dibdib.

Kumabog ng malakas ang dibdib at tila nanuyo ang lalamunan ko ng dumampi ang kanang palad ko ang dibdib nito habang ang isa pa ay pinupunasan ito.

Nagulat ako ng bigla nitong hawakan ang palad ko at masuyong hinalikan.

"Khael....." tinangka ko na tanggalin ang kamay ko sa pagkakahawak nito pero mas lalo nitong hinigpitan ang pagkakahawak dito at pagkatapos ay hinapit pa nito ang bewang ko at nilapit ang katawan ko sa katawan nya.

"K---khael!" Napasinghap ako saka nag iwas ng tingin at kasabay nun ay itinukod ko ang dalawang palad ko sa malapad na dibdib nito at sinibuka kong lumayo pero katulad kanina tila bakal ang braso nito na nakapulupot sa akin.

"Khael...b---bitawan mo ako please" malakas ang kabog ng dibdib na pakiusap ko dito at tumingala dito para tignan ito pero ang mainit na labi nito ang sumalubong at sumiil sa bahagyang nakaawang na labi ko.

Pinigilan ko ang sarili ko na tumugon dito pero trinaydor ako ng sariling katawan ko.
Napakapit ako sa leeg nya at tinugon ko ang mapusok na halik ni Khael.

Tila gusto ko na maiyak dahil para lamang akong nasa panaginip.
Nandito sa harap ko si Khael at yakap yakap ako at hinahalikan kagaya dati...nung mga panahon na may relasyon pa kaming dalawa....

Walang inhibisyon....

Walang problema...

Walang Antonette?

Antonette? Sukat sa pagkaalala ko sa matalik na kaibigan ko at kasintahan ni Khael ay agad na nilayo ko ang labi ko dito saka tinakpan ang bibig nito gamit ang dalawang palad ko at nagpumiglas dito para makawala sa tila bakal na pagkakahawak nito sa bewang ko.

At nang makawala ako ay mabilis ang mga hakbang na lumayo dito habang sapo ang dibdib na napakalakas ng kabog...

"Laira!" Tawag nito sa akin pero di ko ito nilingon.

How could my own body, myself betrayed me?
Sa simpleng paglalapat ng mga labi namin bumibigay na ako?
Naiiyak na tanong ko sa sarili ko pero alam ko naman ang sagot sa sarili kong tanong....

________________

"Hey,Elaira are you listening to me?" Nagulat ako ng may tumapik sa balikat ko at nang nag angat ako ng tingin ay nakita ko si Gareth na nakangiti sa akin.

Di ko napansin na nakatulog pala ako habang naglalaro kami ng Chess na dalawa.

Napatayo ako bigla mula sa pagkakayukyok ko sa desk ko at inayos ang gulo gulo kong buhok saka humarap sa binata.

Tumawa bigla ito na kinataka ko at bago pa ako magtanong ay pinunasan ng hintuturo nito ang gilid ng labi ko na kinapula ng mukha ko at kinasinghap ko ng malakas.

"Oh my Gosh, sorry, sorry wait lang I will fix myself!" Di magkandatutong kumuha ako ng facial tissue at pinunasan ang natuyong laway sa gilid ng bibig ko.
"Oh my god nakakahiya!" Daing ko na malakas na tinawanan lamang nito.

"Gareth ano ba? Nakakaasar ka!" Asar na sikmat ko dito.

Nakangisi na nagtaas ito ng dalawang kamay.

"Sorry I can't help it nakakatuwa ka kasing mag blush para kang si Kaycee" sagot nito habang pinupunasan nito ang gilid ng mata nito na may luha gawa ng sobrang pagtawa nya.

Nakakainis talaga etong lalaking to!

Napalabi ako at akmang uupo na ulit ng maalala ang pangalan na binanggit nito.

"Kaycee? Who is that kapatid mo?" Nagtatakang usisa ko.

"Nope yun nambasted lang naman sa akin"

"Bakit nanligaw ka ba sa kanya?" Muli ay ganting tanong ko.

Ang alam ko kasi puro palipad hangin lang ang ginawa nito dun sa Kaycee na nabanggit nya.
At nun magkaroon ang dalaga ng Boyfriend ay sumuko na lang bigla.

Parang ikaw lang kay Mikhael? Tukso ng utak ko sa akin.
Pinilig ko ang ulo ko para mapalis yun at hinarap ulit si Gareth na nakasimangot na.

"Oh bakit may feeling ka pa din kay Kaycee?" Tukso ko dito.

"Huh? Di naman agad nawawala ang feelings basta basta pero I know how to cope up and move on on my unrequited love----"

"Thru me?" Nakangising turo ko sa sarili ko.

"Yup! We're friends rights?" mabilis na sagot nito at umupo sa tabi ko at niyakap ako na tinawanan ko lamang.

Yup nagkasundo kami na maging magkaibigan muna kasi pareho pa kaming di handa na sumuong sa isang romantikong relasyon.

Kapwa kami nagulat at awtomatikong naglayo ng makarinig kami ng malakas na pagbagsak ng tila isang paso.

"Pusa again?" Nakangising tanong ni Gareth sa akin na tinanguan ko lamang.....

"Daming pusa naman dito sa bahay nyo" anito na tinawanan ko naman...

SOMEONE'S WICKEDWhere stories live. Discover now