Chapter 25

8K 298 83
                                    


LOVELY, LITTLE, LONELY

Chapter 25

Naramdaman ko ang kamay ni Miss Tessa na humaplos sa pisngi ko at bumaba iyon sa dibdib ko. Ang sa akin naman ay pumaloob sa suot niyang blouse.

Lumapat ang likod niya sa malambot na sofa nang marahan ko siyang iginiya pahiga. Tumigil ako sa paghalik sa kanyang mga labi at tumitig ako sa kanyang mga mata, may kislap sa mga iyon. Namumula rin ang pisngi niya at tila may antisipasyon sa mukha niya.

Muli kong binalikan ang kanyang mga labi. Ang suot kong t -shirt ay pinalipad ko na rin sa kung saang bahagi ng kanyang sala. Ang paghaplos ko sa kanyang balat ay hindi na magkamayaw.

"Hmm, strawberry ..." mahinang bulong ko nang dumako ang aking mga labi sa leeg niya.

"Pipo, wait a sec."

​"Hmm." Nang maramdaman ko na itinutulak niya ako ay tumigil ako sa ginagawa ko at tumingin sa kanya.

"N -Nothing ..." Sabi niya at marahang tumango. Ang puso ko naman ay tila nagwala sa ginawa niyang iyon. Ibig sabihin ba n'on ay pumapayag siya?

Napalunok ako at nag alangan. Okay lang ba? Gagawin ko na ba? Parang hindi tama. Oo, gusto ko pero parang hindi ko siya nirespeto nito. Hindi naman ito lang ang habol ko sa kanya.

Tumayo ako at kinuha ang t -shirt kong natagpuan ko sa sahig at isinuot iyon.

"I'm sorry." Sabi ko sa kanya.

"Why? What's wrong?" Tanong niya sa'kin. Muli akong lumapit sa kanya at inayos ko siya. Ang blouse niyang nakalilis na ay ibinaba ko.

"Hindi ko ito dapat ginawa sa'yo. You deserve more, hindi ganito. I'm sorry, I'll behave myself from now on. Mas gusto kong makuha muna ang puso mo bago ito. Hindi ko sinasabing hindi ko ito gustong mangyari, aaminin ko na talagang gusto ko, pero ayaw ko rin naman na maisip mo sa susunod na init lang ito ng katawan, na pagsisihan mo na ibinigay mo ang iyong sarili sa akin." Paliwanag ko sa kanya.

Ngumiti siya at yumakap sa'kin at dinampian ako ng halik sa pisngi.

"Thank you, Pipo."

Matapos niyang sabihin iyon ay napatitig ako sa kanya dahil sinimulan niyang buksan isa -isa ang butones ng blouse niya at tanggalin iyon. Ramdam ko ang mabilis na reaction ng "ethics" ko. May ilang beses din akong napalunok.

"Tessa ..." Halos hindi na iyon lumabas pa sa mga bibig ko, pero ang kung ano mang kasunod niyon ay hindi na natuloy dahil ang kasunod na nangyari ay ang mga labi ni Tessa sa labi ko.

-

Mula sa sala ay binuhat ko siya papunta sa kwarto. Ang ibang natitirang damit naming dalawa ay ako na ang kusang nag alis. Ang likod niya ay hindi ko hinayaang lumapat sa kama nang hindi ko inaalalayan. Ang bawat paghaplos namin sa bawat isa ay punung -puno ng pag suyo.

Mula sa kanyang mukha ay bumaba ang mga labi ko sa leeg niya hanggang sa dibdib niya at bumaba pa rin. Kasunod niyon ang aking mga kamay. Ang mahinang pag ungol niya ay tila musikang hindi ko pagsasawaang marinig.

Nang pag isahin ko ang aming mga katawan ay hindi ko ininda ang pag kuyapit niya sa akin at ang pag diin ng kanyang kuko sa likuran at balikat ko. Sa bawat pag galaw namin ay hindi ko hinayaang hindi naiiparating sa kanya ang tunay kong nararamdaman hanggang sa pareho kaming bumagsak at nalunod sa sensasyong dala ng masidhing damdamin.

-

Nang magising ako ng umagang iyon ay wala na si Tessa sa tabi ko. Mabilis akong bumangon at tiningnan ang sarili ko. Nang angatin ko ang kumot at makitang hubad -baro ako ay napagtanto ko na hindi ako nananaginip lamang kagabi.

Lovely Little LonelyWhere stories live. Discover now