Chapter 1

592 8 0
                                    

Guiliaña's POV

Nagising ako sa pagriring ng cellphone ko. Tinignan ko ang orasan sa bedside table ko at nakitang 7:30 palang ng umaga.

Sino ang tatawag sakin ng ganitong oras? Ang aga aga pa. Gusto ko pa matulog.

At dahil hindi humihinto ang cellphone ko, kinuha ko nalang ito

Sophia Nicole Smith calling.....

Dahil gusto ko ng matulog ulit, sinagot ko ito upang mabilis ang usapan namin.

G: Ano nanaman ba yun Sophiaaa?
S: Fren! Gising ka naaa! May laro mamaya ang GA!!!

I groaned.

G: Mamaya pa naman yun eh! Gusto ko pang matulooog!
S: Gumising ka na at maligo ka na jan! Susunduin kita mayang 8:30. Daliiii!

Pagkatapos non pinatayan nya na ako.

Sya nga pala yung isa ko pang best friend bukod kay Andrea and syempre bukod kay Ricci.

Bumangon ako at dumeretso sa cr at naligo at nagbihis. Ginawa ko na din ang iba ko pang morning routines. Exact 8:30 may kumatok sa pintuan ng dorm ko. Siguro si Sophia na yun. Tumayo ako at pinagbukasan ng pintuan si Sophia.

"Ano gurl? Tapos ka na?" Sabi ni Sophia. "Patapos na ako. Kunin ko lang yung bag ko at yung cap ko tapos alis na tayo." Sabi ko naman sakanya.

Kinuha ko na yung gamit ko at umalis na kami ni Sophia. "San ba tayo pupunta? Mamayang 3 pa naman yung laro ng GA ah?" Tanong ko kay Sophia. "Susunduin lang natin si Andrea tapos punta na tayo sa Razons. Pinapapunta kasi tayo dun nila Ricci." Sagot nya sa tanong ko. Tumango lang ako bilang sagot.

Pagkatapos namin masundo si Andrea, papunta na kami sa Razons pero bigla kong naramdaman ang gutom ko.

"Uy Sophia. Daan nga tayo ng drive thru ng Mcdo. Gutom na ako eh." Sabi ko kay Sophia dahil sya ang nagd-drive. Tumango lang sya at lumiko dahil sakto nandun na kami sa drive thru.

Pagkatapos namin magorder, umalis na din kami agad. Naramdaman ko naman ang phone ko na nag vibrate sa bulsa ko. Tinignan ko ito at nakitang nagtext si Ricci sakin.

Ricci Rivero
Uy Giulia. Asan na kayo?

Sya lang ang nagtatawag sakin ng Giulia dahil most of my friends call me Niña.

Me
Malapit na kami. 5 minutes.

Sinend ko na yan at. Binulsa nalang ulit ang phone ko.

Nakarating na kami dito sa Razons at kinukulit na ako ni Ricci ngayon.

"Support mo ako mamaya ah?"

"Hindi lang ikaw isusupport ko mamaya. Ang dami nyo kaya!"

"Ah basta isusupport mo ako mamaya, okay?"

"Oo na! Para tumigil ka na. Kanina ka pa maingay e!"

"Yieee. Thank you Giuls! Love youuuu!"

"Yuck!"

"Ay grabe sya sakin oh! Hahahahahaha"

"Hahahahahaha joke lang Cci! Love you too"

Ganyan talaga kami ni Ricci.

Maya maya ay narinig namin na inaasar kami ng ibang GA

"Yieee!"

"Uy! Iba na yan ah!"

"May mapupuntahan din yan! Pinapatagal nyo lang eh!"

Tinawanan nalang namin sila dahil alam namin sa sarili namin na best friends lang kami ni Ricci. At hindi na hihigit pa dun.

~·~·~·~·~·~·~·~·~·~·~·~·~·~·~·~·~·~·~·~·~·~·~·

Hey guys! Wish you guys enjoy the first chapter! Please wait for more. Don't forget to vote if you like it and comment stuff that can help me improve my writing skills. Beginner po kasi ako hahahaha. Have a Happy New year guys! :)

My Best Friend to My  Fake Girlfriend [Ricci Rivero]Where stories live. Discover now