Chapter 31: Faded Memory

592 26 5
                                    

Chapter 31: Faded Memory
-----------------------------------------------------------
Third Person's Pov

Mabilis na tumatakbo ang isang batang lalaki na may bitbit na sanggol patungon sa kanilang bahay. Marahas niyang binuksan ang pinto at nagulantang ang kanyang mga magulang.

"Ano bang ginagawa mo, Drake? Bakit ka nagmamadali?" Nag aalalang tanong ng kanyang ina. Napansin ng kanyang ina ang kanyang dala.

"Ano iyan? Sanggol?" Nakakunot nitong tanong.

"Nakita ko po siya sa may paanan ng bundok. Dinala ko na po siya dito. Nakakaawa naman" seryosong sabi ng batang si Drake.

"Anong nangyayari dito?" Agad na lumapit ang ama ni Drake sa kanila ng kanyang ina para tignan kung ano ang kanilang ginagawa.

"Kaninong anak iyan?" Nagtatakang tanong ng ama.

"Napulot siya ni Drake sa may paanan ng bundok. Nakakaawang bata. Ang cute pa naman" hinaplos ng ina ang pisngin ng sanggol.

"Lalaki ba yan o babae?" Tanong ulit ng ama.

"Babae po" masiglang sabi ni Drake.

"Mukhang gusto ni Drake ang sanggol na ito" nakangiting sabi ng ina.

"Ayos lang naman siguro kung ampunin natin ang sanggol. Tutal naman, mukhang walang balak alagaan ng ina ng sanggol na iyan ang kanyang anak" sabi ng ama.

"Talaga po? Yehey!" Masayang sabi ni Drake.

Napangiti silang lahat ng marinig na tumawa ang sanggol.

"Ano nga palang ipapangalan natin sa kanya?" Tanong ng ama.

"Cyan!" Agad na sambit ni Drake.

"Ok, Cyan— no, Cyanic na lang" nakangiting sabi ng ama.

"Bakit Cyanic, papa?" Nagtatakang tanong ni Drake.

"Para cool lang" napatawa naman ang ina ni Drake.

"Parang robot ang pangalan niya" seryosong sabi ni Drake.

Napatigil ang ina ni Drake sa pagtawa.

"Sige, Cyan na lang" nakangiting sabi ng kanyang ama.

"Ah hindi, Cyanic na lang po. Para unique" nakangiting sabi ni Drake.

Napangiti ang kanyang ina. Binuhat ng kanyang ina ang sanggol.

"From now on, you're now Cyanic Kryzel. Welcome to Kryzel Family"

-----------------------------------------------------------

"Cyan! Cyan! It will going to hurt a little but its all for the best" umiiyak ang buong pamilyang Kryzel.

Mabilis na dinala si Cyan sa isang kwarto upang gamutin. Napag alaman na may sakit sa utak si Cyan at kailangan ng agapang gamutan.

"Dr. Dezar, we did our best but we cant cure her" seryosong sabi ng isang lalaki sa isang Doktor na kasalukuyang nag aalala.

"I can cure her!" Malakas ng sabi ni Dr. Dezar.

"But, Doc—"

"Where is my son?" Mahinahong sabi ni Dr. Dezar.

"Papa!" May batang lalaki na pumasok sa loob ng kwarto kung saan ginagamot si Cyan.

"Saan ka galing, Ill?" Nakakunot ang noo ni Dr. Dezar habang tinatanong ang anak.

"Dyan lang po sa labas. Narinig ko pong balak ng pamilya ng batang yan na ilipat na siya sa kabilang Asylum" sinulyapan ni Ill ang maamong mukha ni Cyan.

The Innocent Guy In My RoomWhere stories live. Discover now