Chapter 63 Sleep Over

48 2 0
                                    

Cassey pov's


     Inayus ko na ang mga gamit ko na dadalhin mamaya nang napaupo ako bigla dahil nadulas ako sa sahig napahawak naman ako sa study table ko at natabunan ako nang mga libro ko at nalaglagan pa ako sa ulo pagminamalas ka nga talaga.

" Hey, what happen?" napalingun naman ako saka napakamut sa mukha.



" Grabe nagkalat ka pa." reklamo ni Jeff.


" Ano bang pake mo? Hindi naman ikaw ang naglilinis!" sigaw ko sa kanya. Kumamot naman siya sa ulo at lumabas dahil ipinagtabuyan nina Alice at Jane tumayu naman ako nang maisarado ang pinto.


" Grabe akala ko kung napaano ka na"si Alice habang tinutulungan akong ligpitin 'yong mga libro.


" Nadulas kasi ako bigla." paliwanag ko habang inaayus sa table 'yong mga libro.

" Teka may rose ka pala dito?" napalingun ako kay Jane.


" Ah 'yan ba lumaki na siya kaya ayan 'di ko na maitagu."

" Grabe ayaw mo ba na makita namin 'yan?" tanong ni Alice nagulat ako nang yakapin niya ako kaya naitulak ko siya.


" Huwag mo nga akong yakapin." utos ko saka ako sumimangut sa kanya.


" Sungit meron ka ba ngayon?" tanong pa ni Jane saka umupo sa kama ko.


" Wala." baliwala kong sagot.


" Kanina nga pala anong iniisip mo? Bakit tulala ka na naman?" napabaling ang tingin ko sa kanya.


" Gusto mo ba na tulungan ka na hanapin na na'tin ang kapatid mo?" umiling naman ako.



" Hindi na muna siguro." sagot ko na lang.



" Masyado kayong seryoso na dalawa pero maiba tayo. Kailan pa 'tong rose dito sa kwarto mo?"


" Matagal na 'yan."



" Favorite?" tanong ni Alice.




" Oo at hindi ko alam kung bakit." sagot ko pa.




" Favorite rin ni Dad ang Rose." singit ni Jane.



" Oo nga napansin ko na maraming rose sa garden n'yo." natatawa kung sabi.



     After ko mag ligpit bumaba na kami dala ang gamit ko. Naabutan ko naman si Shayne sa baba na nakaupo habang nanonood ng T.V hanggang sa mabaling ang tingin nito sa amin.
" Paano ako?" mukmuk ni Shayne.

" Hahaha, sama ka na lang sa amin" anyaya naman ni Daryl.

" Ayaw ko. Papupuntahin ko na lang si  Shaki rito." nagtaas na lang ako ng kilay.


" TARA NA! " sigaw naman ni Jane.


" Ma,alis na po kami." paalam ko kay Mama.


" Tita alis na po kami pahiram po muna kay Cassey nang isang gabi." Ulit ni Daryl kaya napatawa naman si  Mama. Umalis na kami at pumunta sa bahay ni Jane. Nakapasok na rin ako sa wakas. Pero andito na naman 'yong pakiramdam na hindi ako komportable sa bahay na 'to una pa lang talaga.


" Hi, Tita Ash." bati naman ni Alice.




" Oh, andito na kayo umupo muna kayu d'yan. " utos naman ni Tita.


" Sige po." umupo ako sa tabi ni Jeff at ni Alice. After naming kumain umakyat na kami sa kwarto na lang daw doon sa kabila ang tulog namin malawak daw doon.

" Sa ginta na lang si Cass."




" Huh?"



" Manood tayk nang Horror." suhensyon ni Daryl.


" Sige 'yong Hunted forest." suhensyon rin ni Jane.



" S-sigurado ba kayo d'yan?" tanong ni Alice.


" Oo naman. Bakit takot ka ba?" sarkastikong tanong ni Jeff.


" Hindi kaya." saka sumukob sa kumot ko.
  After few hours lahat sila antok na pati na rin ako.


" Tulog na tayo guys." akit ni Jane.


" Sige kami na magpapatay nang ilaw este nang T.V" humiga na ako.




    Nagising ako dahil sa tumamang sinag nang araw sa mukha ko. Tulog pa sila tumayu na ako at pumasok sa banyo saka nagsipilyo at pumunta muna akong terrace at 'yon maganda ang tanawin dito sa village tahimik ang paligid at tanging huni lang ng mga ibon ang maririnig.

   Dahan dahan naman akong bumaba ng hagdan at lumabas nang pinto napahanga naman ako dahil antahimik ang buong kabahayan lumabas ako sa sala nila at pumunta sa likod bahay nila may rose nga  sila favorite raw ni Tito.

" Jane, ang aga mo namang magising. Ang mga kaibigan mo ba?" nanlaki ang mata ko at nakayukong humarap.


" Magandang umaga po. Tulog pa po pala si Jane ako po 'yong ka—" tumunghay ako at nakita ang mukha niya. Nagulat ako sa nakita ko
ano 'to? Siya ang ama ni Jane? Napaatras ako at napaawang ang mga labi. Kaya ba kabadong kabado ako sa t'wing papasok ako ng bahay nila?


" C-cassey." gulat niyang sambit sa aking pangalan.

" I-ikaw?" pinipigil ko ang luha ko na gustong tumulo mula sa mga mata ko umagang umaga."...ikaw ang ama ni Jane?" mahina kong tanong sa kanya kaya naman pinahid ko ang luha na naglalandas sa pisngi ko."...kapatid ko siya?" tanong ko ulit na ikinatangu niya dahilan upang  tuluyang tumulo ang mga luha ko.



" Hayaan mo akong magpaliwanag.. anak." naiiling at galit ko s'yang tiningan.


" Huwag mo akong matatawag na anak. Nagsinungalin ka kay Jane. Plinano n'yo ang lahat. Alam ba ni Tita Ash 'to? Ni..mama?" mahina kung tanong at umalis sa harap niya ng hindi ito sumagot. Umakyat ako sa kwarto at agad na kinuha ang mga gamit ko.


" Uuwe ka na?" tanong ni Alice na nakakunot noo.


" Cass, mamaya ka na." pigil naman ni Jane at lumapit sa akin.


" Umiyak ka ba? Bakit namumula ang mga mata mo?" tanong ni Alice.


" Okey ka la—" hinawakan niya ako sa balikat na kaagad kung inalis dahil bigla akong kinilabutan. Natatakot ako. Nagu-guilty.


" I'm fine. Uuwe na muna ako 'di lang kasi maganda pakiramdam ko." malamig kung tanong at lumabas ng kwarto.


" Ihahatid ka na namin." sabay hawak ni Jane sa kamay ko napatigil ako at tiningnan ang pagkakahawak niya sa kamay ko.

" Huwag mo akong hawakan." napabitaw naman ito. " H-hindi na kilangan, Jane." hindi ko mapigilang lumamig ang boses ko at kita sa mukha niya ang pagtatanung. Niyakap ko na lang siya ng mahigpit at lumayo rin. Alam ko na naguguluhan siya. " I'm sorry."



" For? Cassey, ano bang nangyayare sa'yo?"


" Cassey." tawag sa akin nang ama niyang AMA ko.


" Jane, maraming salamat." saka ako tuluyang lumabas ng bahay at dali daling umalis rinig ko ang pag tawag niya at ni Papa pero 'di na ako lumingun pa saka  tuluyan na akong nagiyak. Bakit ang lupit ng mundo sa akin? Bakit ang Unfair? Bakit  ang lakas ng hampas ng katutuhanan na anak ako sa LABAS ng papa ko?



———


Three Idiot,One Singer And Me with Bookworm Lady ( Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon