Chapter 12: Jealous

29 1 0
                                    

Dedicated to @YourSinger101

******
BRI'S POV

"Draigne pwede ko na bang makuha ang prinsesa ko?" Biglang sabat ni Stephen sa usapan namin.

Ni hindi ko namalayan na dumating na pala ito sa amin.

"Steph, wag ka ngang umarteng parang totoong girlfriend mo tong si Anna!" Saad nito.

"What the fvcking hell did you just said!?, Anna!?" Tanong nito kay Aldraigne.

"That was her nickname?!" Tanong ulit nito kay Stephen bahagya naman tumango si Stephen.

Bumaling ito sa akin at tinignan ako ng masama.

"Did you tell him your damn nickname?! I'm your fvcking boyfriend Bri, and I don't even know about that thing!!" Sigaw nito sakin.

Nagulat naman ako sa inakto nito kaya't napaatras ako at napaiyak.

Nang tuluyan nang babagsak ang luha ko ay mabilis akong tumakbo papalayo sa kanya, kanila.

"BRI!!!!" Rinig kong tawag ni Stephen ngunit hindi ko na ito pinansin.

Umupo ako sa may likod ng puno at doon umiyak ng umiyak ramdam kong may tumabi sa akin pero hindi ko ito nilingon hanggang sa magsalita siya.

"Pasensya ka na kay Steph. Nabigla lang 'yon" saad niya.

"Aldraigne mabuti pa siguro wag mo muna masyado akong lapitan. Baka makasira ako sa closeness ng kapatid mo" saad ko.

"Huh? We're just friends" tugon nito.

"Ewan ko, Aldraigne, pero iba na si Stephen ngayon nagiging possessive sakin...." Paliwanag ko.

"Hmmm..." Saad nito sabay simangot.

"Tara na ihahatid na kita sa kanya" pag-aaya nito.

Inalalayan ako ni Aldraigne sa pagtayo nang sapakin ni Stephen.

Tangkang gugulpihin pa sana ni Stephen si Aldraigne pero bago pa man mangyari 'yon ay nahawakan ko ang kamay ni Stephen dahilan ng pagpigil nito sa pagsapak niya....

"TAMA NA!" Pag-awat ko.

"Aldraigne umalis ka na muna please" saad ko kay Aldraigne.

Habang umiiyak agad naman nitong umalis sa harapan namin ni Stephen.

The One That You Love (Slow-update)Where stories live. Discover now