CHAPTER 1: Earthamazing Dome

183 24 13
                                    

Tila pumutok ang sentido ko sa makailang ulit na pag tunog ng bagay na nasa aking tabi.

Kaya nagtaklob ako ng unan upang di maistorbo sa aking pagkakatulog.

Muli na namang tumunog ang bagay na ito.

Ahhhh! Nakakainis na talaga! Bakit ba ayaw tumigil ng cellp---wait.. "Yung cellphone ko!"

Biglang nagising ang diwa ko at dali daling hinanap ang phone ko. Aishh~ kainis naman oh, nakalimutan ko. Anong oras na b---"ANOOO??!!" Gulat akong napabalikwas sa kama at dali daling nagpunta sa closet habang sinasagot ko ang tawag sa phone ko.

"Thank God Sum sumagot karin for my 30th attempts!!! It's 53 minutes past after the hour of 8 Sum!! May balak ka pa bang sumama??!!" Galit na bulyaw nito sa kabilang linya at dinig ko rin ang reklamo ng mga kaklase ko kesyo ang kupad ko daw, kesyo malalate na kami.

"Oo na papunta na ako sandali nalang to. Wait ibababa ko na. Bye see yah!". Binaba ko na ang phone ko at inilagay sa pouch na parati kong bitbit at nagmamadaling nag-impaki ng mga kakailanganin kong gamit para sa field trip namin ngayon. Opo tama, may trip kami ngayon. Huhuhu

Gahdss ba't ba nakalimutan ko yun -_-

Agad naman akong nagpahatid sa driver namin dahil ayaw ko nang magcommute at baka malate pa ako masyado. Hindi na ako naligo pa sabak agad sa laban ng buhay. Charaught.

Exactly 9:00 am aalis na ang sasakyan namin kaya I need to hurry.

"Kuya Cardo, baka may alam kang mga shortcuts para mapabilis ang dating natin sa Morisson Academy in just a few minutes? Dun nalang po tayo dumaan please." nagpapanic kong tugon sa driver namin.

"Opo ma'am Summer meron po. Kapit lang po kayo ma'am medyo di niyo gugustuhin 'to" sagot naman ni Kuya Cardo while looking at me in the rear view.

"Summer nalang po kasi Kuya Cardo. Sinabi ko naman na po sa inyo na ayaw kong nagpapatawag ng Ma'am dahil di pa naman aki professional. At opo, sige dumaan na tayo doon." sagot ko dito

Nang walang ano-ano'y biglang pinaharorot ni Kuya Cardo ang sasakyan at dumaan kami sa makitid na iskinita na sakto lamang sa laki ng sasakyan ang space between neto. Buti nalang at walang mga taong umaaligid dahil kung hindi, nako. Mga 5 minutes din ang tinakbo namin and as in, sobrang bilis nun kaya di ko namalayang nakaabot na kami sa Morrison Academy. A shortcut indeed.

"Buti naman at nakahabol ka bruha!" singhal sakin ni Autumn

"Syempre. Eh sa medyo traffic dinadaanan namin eh." natatawa kong sambit at tumingin ng nakakaloko kay Kuya Cardo. "Salamat po. Mauna na po kami."

"Sige po." sagot niya at pumasok na sa sasakyan.

"Ok studes, tayo na't pumasok na sa sasakyan at tayo ay aalis na." saad ni teacher Melody, and aming Science Teacher at ang nag-initiate ng trip na ito for our academics.

"Yes ma'am!" excited na sagot ng lahat at tuluyan ng pumasok sa sasakyan bitbit ang kanya-kanyang bagahe.

"Umaygahdd friend I'm so excited!!" Autumn exclaimed.

"Di naman obvious noh?" bara ko sa kanya tapos sinamaan niya ako ng tingin.

"Always be reminded that you will be there for your project and not merely to have fun. Understood?" pahabol ni Mrs. Melody. hanggang ngayo, di parin ako makapaniwala na she's already 46 dahil para pa talaga siyang 45. Hahahaha dijoke. I mean para pa siyang 30. She looks amazingly young sa burgundy red niyang buhok, slim body at smooth skin.

"Yes ma'am" sagot ng lahat at nagsimula ng magkwentuhan when the engine starts to awake.

"I just can't let my excitement concealed! Ang dami kong inexpect na makikita at malelearn sa field" ayan na naman siya sa kanyang excitement.. Haysss

"Alam ko Autumn. At alam ko ring malayo layo pa ang byahe natin kaya matulog na muna tayo" sabi ko that makes her smile fades.

"Oo na Summer. Matutulog na muna ako" ipinikit na niya ang kanyang mga mata at inilagay ang earphone sa kanyang tenga habang ang kabila naman ay inilagay niya sa tenga ko.

Medyo malumanay yung kanta kaya di ko namalayang nakatulog din pala ako.

Pagmulat ko ay parang may kung anong mabigat ang nakasandal sa balikat ko at pagtingin ko ay siyang pagmulat din ni Autumn na nakatulog sa balikat ko.

"Ganda ng unan natin ah" sabi ko

"Oo nga eh. Pati ulo ko ginawa mo ding higaan. Ang sakit tuloy" sambit niya at nagtawanan kami na parang shunga.

"Alright alright students. Andito na tayo sa venue, and Earthamazing Dome na kung saan, pwede niyong makita ang kahit anong uri ng bato, either gems or minerals. And since it's already 4, kumain na muna tayo at pumanta sa rooms na pinareserved ko na at bukas na mangyayari ang totoong pag-aaral natin sa mga bato. Note that hindi lang ang school natin ang nagconduct ng ganitong endeavor kaya be friendly with the other schools ok?" pag oorient ni ma'am sa amin bago kami bumaba ng sasakyan.

"Opo ma'am, we will!" we answered in chorus.

Pagbaba namin ni Autumn ng sasakyan, we literally dropped our jaws sa pagkamangha sa place. It was completely an out of ordinary dome kahit sa labas mo palang tingnan. It's akin to a cave but made of glass but the color is similar to that of a typical caves tapos ang laki laki pa neto at ang daming tao. I can't wait to start my day inside this dome. Kyaaahhh~

BECAUSE I LOVE YOUWhere stories live. Discover now