pag-ibig

73 0 0
                                    

Maagang gumising si Jacob nung araw na iyon. Naligo siya, kumain ng almusal, at nagbihis ng panglabas na damit. Paglabas niya ng bahay ay dumaan siya sa malapit na Flower Shop at nagbili ng ma bulaklak mula Roses hanggang Carnation, pagkatapos ay nagpatuloy siya sa kanyang paglalakbay. Naglakad siya hanggang nakita niya ang pamilyar na matataas na bakod. Pumasok siya at agad niyang nakita ang kanyang minamahal na nasa ilalim ng puning kahoy. Isang malungkot na ngiti ang kumawala sa kanyang mga labi. Umupo siya sa tabi ng kanyang minamahal saka ibinigay ang mga bulaklak.

"Happy Anniversary." Bulong niya.

Nagpalabas siya ng malakas na buntong-hininga, sumasakit kasi ang kanyang dib-dib. Tinitigan niya ang kanyang minamahal saka nagtanong. "Naaalala mo pa ba yung una nating pagkikita?"

Hindi siya sinagot kaya tumingin siya sa langit, ang kanyang malungkot na ngiti nandoon pa rin sa kanyang mga labi. "Ako, naalala ko pa. Bago ka pa doon sa paaralan, Recess time iyon at maraming mag-aaral ang nagsiksikan sa canteen. Dahil sa dami ng nagsiksikan, ay may nagsadyang nagtulak sa iyo. Nawalan ka ng balanse at yung dinadala mong pagkain ay natapon sa aking uniporme. Sa sobrang galit ko ay muntik kitang nabigyan ng mga pasa sa mukha."

Tumawa siya ng marahan at sinuklay niya ang kanyang buhok gamit sa kanyang kanang kamay. "Pero, sa sumunod na araw ay binigyan mo ako ng 'Sorry' letter. Nagulat ako sa ginawa mo kasi ang konti lang ng mga tao na gustong makipagbati sa akin."

Lumingon siya sa kanyang tabi, hahaplosin sana niya it pero pinigilan niya ang kanyang sarili. "At naaalala mo pa ba 'yung tinulungan mo akong maghanap ng syota? Nakakatawa talaga 'yon kasi sinampal tayo ng babae... At akalain mo, tayong dalawa yung nagkatuloyan? Akala ko, hindi kita 'type.' Pero, ikaw pala yung nagpatibok ng puso ko."

Masyado ng sumasakit ang kanyang dib-dib, pero nagpatuloy pa rin siya. "Marami akong naaalala. Yung mga araw na tumatawa at nagmamahalan tayo. Yung mga araw na nag-aaway tayo. At yung mga momento na naging isang tao tayong dalawa. Ang mga paborito kong ala-ala at yung kapiling kita at..."

Tumigil siya sa pagsasalita nung naramdaman niya na pumapatak na pala ang kanyang mga luha. Gusto niyang yakapin at halikan ang kanyang minamahal, pero alam niya na hindi niya ito magawa. Ngayon lang siya nataohan na hindi na niya makakasama pa ang kanyang minamahal. Lumingon siya sa kanyang katabi, isang puntod na may inukit na pangalan. Umiling siya, patay na talaga ang kanyang kinakausap.

"Mahal na mahal kita, Charlie. Alam kong sinabi mo na kapag mawala ka ay maghanap ako ng isang babaeng mamahalin at magbuo ng isang pamilya pero... Patawarin mo ako, Charlie. Hindi ko kayang magawa iyon. Ikaw lang palagi ang nasa isipan ko. Tila nababaliw na ako sa pag-iisip sa iyo. Marami na akong ginawa para malimutan kita," ipinakita niya ang kanyang mga braso na napupuno ng mga sugat.

"Pero kapag nakahiga na ako sa kama ay bigla ko lang maalala ang araw na iyon." Tumayo si Jacob at may kinuha sa kanyang bulsa. "Ang sabi mo ay matutulog ka, kaya pinabayaan kitang pumasok sa kuwartong mag-isa. Iyon yung pinakamalaking pagkakamaling nagawa ko."

Naramdaman niya ang bigat ng dinadala niyang bote. Umupo siya muli at inubos ang laman nito. "Patawarin mo ako, Charlie..." Bulong niya sa kanyang sarili bago ipinikit niya ang kanyang mga mata.

Kinabukasan ay may lumabas na balita sa tv tungkol sa isang lalaking natagpuang patay sa tabi ng isang puntod. Patuloy pa ang imbestigasyon, pero sabi sa mga polis na isa itong suicide case.

Fin.
---
A/N: Story time!

Heyoooo! Sorry for my Tagalog, I really suck at it since it isn't my mother tongue. Bisaya man gud ko niya ag nisunod pud tawon kay iningles man. Lmao.

This story was written back when I was still in 10th grade. It was an assignment given to us by our Filipino teacher, something that had to do with love (family, friend, lover) yadayada. I wrote the story specifically with the aim to piss her off.

See, the week before that assignment was given, (for some reason) our topic was about homosexuality and same sex relationships. She was really against the whole thing and she wasn't shy about it. She said how being gay is okay as long as you don't act on it. "It's not love, it's lust." If you're gay, and you're in a same sex relationship, it's a sin. You know, those same old stupid homophobic bullshit. Well, I fucking cried during her class because I was beyond offended by what she was saying. Tears were just flowing down my face. She didn't notice, of course, because I sat at the very back and I was stealthy about my crying but still. What she said really hurt.

So as revenge, I wrote a gay sad story. She wasn't supposed to find out it was gay right until she reads the ending. Maybe I really must have struck a cord with her because when we got our notebooks back, she said something around the lines of "just because you can write well doesn't mean you can be overly confident about it". She said it to the whole class but I felt that she was really aiming at me cuz I was the only one in class who handed her that kind of story.

As another revenge, as our last Filipino project for our 10th year, we were tasked to write a book report and my report was about Annie on my Mind which was a very sad, angst(y), beautiful story about two girls in love and how they struggle with society.

So, yeah, haha.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 13, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Pag-ibig (Love)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon