Chapter 5 - Everest's Past

6.9K 337 125
                                    

Grabe isang taon bago ko balikan ulit ito huhu sorry talaga soulistas!

Kwento ko reason kung bakit natakot na ko magsulat neto.

Remember in Lost Soul (Book 1), black lady yung multo na ginamit ko don? Well a few months ago, may nakita yung cousin ko na black lady din sa kwarto ko and it really freaks me out kasi feeling ko talaga hindi lang coincidence yun. Naniniwala ako sa kanya kasi nakakakita talaga yun. Even yung little cousin ko rin may tinuturo sa kwarto namin dati sabay tumatawa. DUWAG AKO KAYA IMAGINE HOW SCARED I WAS?? HAHAHA.

Thanks for understanding everyone! Ipupush ko na talaga matapos ito this year. 2 years na inabot neto, wala pa din sa kalagitnaan. I love this story kaya I'll really do my best to finish this as soon as I can.

Enjoy reading!

---------------------------------------


Chapter 5 – Everest's past


October 23, 2016

Davao City

4:06 pm


Months have passed since Zean and Hannah's last encounter.

Hindi na sila nagkita pa muli at halos nakalimutan na nila ang isa't-isa.


"Sasama ka bang magsimba?" Tanong ni Mark kay Zean habang naglalakad sila palabas ng subdivision. Nagkaroon kasi ng reunion ang batch nila kaya nagkasama-sama uli sila.


"Nah" Simpleng sagot nito.


Hindi ako nakakapasok sa mga simbahan. As a soul hunter, we're forbidden to enter the Holy Church. I never knew why but I've always wanted to get inside. Hindi naman kasi talaga ako totally evil. Sadyang naging ganito lang ako dahil matigas ang ulo ko noon.


When I was still human, my name wasn't Zean.

It was Everest Concejero.

And I was a rebel back then.


*****Flashback*****


"Ginabi ka na naman!" Sigaw ng nanay niya sa kanya pagpasok na pagpasok nito sa loob ng bahay. "Anong oras na?!"


"Wala ba kayong orasan? Bakit ako tinatanong mo?" Pabalang na sagot niya.

"BASTOS KA TALAGA! Kapal din ng mukha mong sumagot sagot!"

"Tinatanong niyo ko tas magagalit kayo pag sumagot ako. Ano ba talagang gusto niyo?!" Sigaw niya.


"TARANTADO KA!" Sinampal siya ng nanay niya kaya napayuko si Everest. "UWI BA YAN NG BABAE? BAKIT NGAYON KA LANG? NAKIPAGINUMAN KA NA NAMAN SIGURO SA MGA WALANG KWENTANG TROPA MO! WALA KA NA BA TALAGANG BALAK SA BUHAY MO? HINDI KA NA NGA NAKAGRADUATE, PATI BA NAMAN PAGKUHA NG TRABAHO MO, KINATATAMARAN MO?"


Padabog niyang binagsak ang kanyang bag sa sahig at tinignan ng masama ang kanyang nanay.


"Pwede ba, wag kang plastik! Wag kang umakto na parang may malasakit ka sakin! Di ba ang importante lang naman sayo ay yung kabit mong pinalit mo kay papa?"

Dark Soul (Soul Series Book 2)Where stories live. Discover now