Kabanata 2

9 1 0
                                    

Hellviana High

"Ang tagal namang magising niyan!" Dinig kong sabi ng lalaki. Idinilat ko ang aking mata para malaman kong nasan ako.

"Ayan gising na!" Sabi ng isang lalaki.

"Mabuti naman." Sabi ng lalaki. "Hoy labas!" Sigaw niya sinunod ko ito lumabas ako at nakita ang napakadaming tao at mga sports car! Anong ginagawa ko dito. Aamba na sana akong patayin ang mga lalaking kumuha saakin nang makita ko ang baril na nakaipit sa pantalon nito. Fuck!

Tahimik lang ako ng makitang may paparating na isang grupong papalapit saamin.

"Oh! The Helions are here." Maangas na sabi nang lalaki. Pinasadahan ko ang tinutukoy nilang Helions. Apat sila puro lalaki nakatingin sila sakin.

"Ano na naman ba to Black Devils?" Sabi ng lalaki sa Helions. Ano ba to? Don't tell me Gangster sila? Natawa ako sa naisip kong yun.

"Pag nanalo kami papatayin ko itong babae tsaka amin ang isang milyon." Ako papatayin? Hm, mauuna muna kayo bago niyo ako mapatay. "At pag natalo kami sainyo na to at sa inyo din ang isang milyon." Ani ng lalaking leader ata ng grupong Black Devils. Natawa ang Helions.

"Seriously? Yang babaing yan doughlas?" Matalim kong tiningnan ang lalaki hintayin mong makalapit ako para mabali yang mga buto mo.

"Oh you're here!" Ani nung Doughlas. Pinasadahan ko ang lalaking papalapit. Wait? Siya yung kanina sa CR ng bar! Tiningnan niya ako pagkatapos ay bumaling kay Doughlas.

"Siya na ba yun?" Ngumisi si Doughlas.

"Yup! Beautiful right?" Aniya at hinaplos ang aking braso. Napakuyom ako ng kamay.

Teka bakit ko ba ginagawa to? Pwede ko naman silang patayin ngayon na eh! Yung baril? Kaya kong agawin sa kanyan yun at iputok sa ulo niya. Pero anong ginawa ko? Wala...

"Okay game, pag nanalo ako sakin siya pag natalo kayo, bahala na kayo kahit pag samantalaha niyo yan." Aniya. Uminit ang ulo ko konting tiis nalang Sun baka mapatay mo siya ng wala aa oras!

"Isakay niyo siya, para naman matikman niyo ang habang hindi pa kami nananalo." Ani ni Doughlas at tinulak ako patungo sa Helions.

"Pasok." Sabi nung lalaking nasa Bar. Tamad kong sinunod ang kanyang sinabi. Ganon din ang ginawa niya, nag hiyawan ang mga manonood nang patunugin ni Doughlas ang makina ng kanyang sasakyan.

Nang pumutok na ang baril ay nag simula nang tumakbo ang sasakyan sobrang lakas nito pero hindi ako natakot.

"Bakit kasama mo si Doughlas, alam mo bang delikado siya." Sabi niya pero hindi ko siya nilingon.

"Hindi ko akalaing pumayag kang pustahan ka niya?

"Bakit hindi ka man lang natatakot? Alam kong mananalo ako pero hindi ka ba natatakot na patayin ni Doughlas?" Never pa akong natakot simula nang mawala si mommy! Hindi parin ako sumagot. Pinikit ko ang aking mata.

"And the winner is Calvin of Helions!" Nagising ako sa hiyawan ng mga tao tapos na ang karera, Nasa loob parin ako ng sasakyan,

Oh nanalo ka nga! Nakita ko ang susi ng kanyang sasakyan at ngumisi ng nakakaloko, tinted tong sasakyan kaya hindi nila ako nakikita. Lumipat ako sa driver seat at agad na pinaharurot kanyang Bmw bumusina pa ako bago umalis! Tiningnan ko ang mga mukha nila sa rearview mirror napanganga silang lahat.

Pinark ko sa loob ng bahay ang sasakyan, nung una ay nagulat aming security guard ko dahil sa dala kong sasakyan.

"Bago young lady?" Tanong ng guard.

Je hebt het einde van de gepubliceerde delen bereikt.

⏰ Laatst bijgewerkt: Jan 11, 2018 ⏰

Voeg dit verhaal toe aan je bibliotheek om op de hoogte gebracht te worden van nieuwe delen!

That Nerd Is A GangsterWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu