Fourth

3.3K 94 11
                                    

Relaxed

Third Person's POV

"Papa!" Sigaw ni Sab mula sa kaniyang kwarto.

Dali daling tumayo si Daniel at binitawan ang cellphone na hawak.

"Love, Punta lang ako kay Sab ah? Hintay mo lang ako." He said, half smiling.

"Sige, love. I'm almost finish na rin."  She replied, from the comfort room.

Lumabas na siya at pumunta sa kwarto ni Sab na may puti at pink na kulay. May malaki pang 'SAB' na naka sabit, kasama ng mga litrato ng mga paborito niyang cartoon character.

"Yes, 'nak?" Sagot niya nang maka pasok siya sa loob ng kwarto ng kanilang bunsong anak.

Nadatnan niyang nakaupo si Sab sa kaniyang kama, yakap yakap ang kaniyang mga laruan. Sa tabi nito ang kaniyang mga manika at ang kaniyang mga stuffed toys na elephant na bigay ni Kathryn sa kaniya at Hello Kitty na nabili nila sa Japan noon.

"Ate Sky is busy. I can't find a playmate."  Malungkot na sabi nito sa kanyang ama. Binitawan niya ang mga hawak at nahiga sa kanyang kama. Nakabusangot ang kanyang mukha na halos mangiyak ngiyak na.

Daniel was so used to this. Hindi na siya nagdalawang isip pa ng kung ano ba ang dapat niyang gawin.

Tinignan niya ang wall clock at nakita niyang alas otso na rin nang gabi. Playing with her will not be the best idea dahil maya maya'y kailangan nang matulog ng mga bata.

Tumayo siya at pumasok sa loob ng walk-in closet ng anak at kinuha ang maliit na mesa nito, na regalo ng kaniyang tita Magui. Kinuha niya rin ang pink nitong comforter at bagong throw pillows na kanina lang nila binili.

Nilabas niya itong lahat, at pinwesto sa tabi ng kama ng kanya ng anak.

"Papa, what are you doing?" She innocently asked him. She sat on her bed, watching her papa, set things up.

Daniel assembled the table in front. He placed the first comforter on the floor. "This is so comfy ah." He said, looking at his daughter.

"Papa, you're so busy." She said. Daniel just smiled at her.

"Sab can you pick the pillows for me? Give it to me." Tinuro niya ang mga unan na medyo malayo sa kaniya.

Magiliw naman na bumaba si Sab sa kama para kunin ang kaniyang mga bagong unan. Masaya niya itong inaabot kay Daniel.

"So strong, my baby." He praised her. They're down to the last two.

Sab let out a big sigh, then smiled. She ran towards the bed at kinuha ang lahat ng kaniyang stuffed toys. "Please include them too, papa." Malambing niyang sabi.

"Okay." Sabi niya.

Tumayo siya para kunin ang iba pang comforter sa lapag. "Where are the ribbons we bought, Sab?" Tanong niya. Nagpabili kasi siya ng mga malalapad at makakapal na ribbon at kung ano ano pang beeds at sequence, na sabi niyang ilalagay niya sa kanyang damit.

"In my cabinet papa!" She answered.

Kimuha naman ito agad ni Daniel at ginupit para ipang tali sa comforter. Hindi alam ni Sab ang magiging reaksyon niya sa pag putol ng mga pinabili niya. Pero maya maya lamang ay namangha siya sa ginawa ni Daniel.

Agad siyang pumasok sa loob ng nakatayong comforter at nagulat nang biglang lumiwanag sa loob. Inilagay rin pala ni Daniel ang kaniyang maliit ng lampara.

Pang Habangbuhay Where stories live. Discover now