Chapter 44

1.3K 18 0
                                    




I woke up with a massive headache, damn! I took a bath and changed my clothes tsaka ako lumabas upang kumain ng breakfast.



Papasok na ako sa kitchen para kumuha ng milk pero nadatnan ko si Dad at Dylan na nag-uusap kaya dahan dahan akong umalis but too late, nakita na ako ni Daddy.



"Ak, Dylan's here." Dad.



I rolled my eyes and smiled at Dylan, fake smile rather. "Why'd you let him in, Daddy? I thought jerks aren't allowed in this house?" I saw Dylan sighed, ulol.



Binuksan ko ang ref namin upang kumuha ng milk, and buti naman at may nakita akong isa na hindi pa nabubuksan kaya kumuha na din ako ng glass at umalis na without saying anything.



Nasa gitna pa lang ako sa hagdan paakyat when someone grabbed me para tumigil ako paakyat. It's Dylan.



"Ano na naman ba, Dylan? Aren't you happy na nasaktan mo na ako? Ninyo? Ano pa ba ang gusto niyo?"



"Hindi ko ginustong saktan ka, Liyah. Ganun na ba kababa ang tingin mo sa'kin?" Dylan.



"Mababa na kung mababa, pero yun ang totoo! Stop pestering me, Dylan. Get lost." Binawi ko na ang kamay ko at umakyat na pero napatigil din nang magsalita si Dylan.



"I lost my bestfriend once when we were kids, Liyah... I don't want that to happen again." Dylan. C'mon Dylan, say it. "Are you really my childhood bestfriend? Are you Aki?" There.



I smiled at Dylan. "Ako man si Aki o hindi, Dylan. That doesn't change the fact na sinaktan mo ako."



"I already have an idea that you and Aki are the same pero sabihin mo naman sa'kin, Liyah o." Dylan begged.



"I don't know what you're talking about. Eto lang masasabi ko Dylan, I don't wanna marry someone who hurted me once."



"I'm sorry, Liyah. Bawiin mo ang sinabi mo, please... I, I want to marry you in the future, Aki or not kasi mahal kita, Liyah! Mahal kita bilang ikaw!" Dylan.



"Jerk, inisip mo sana ang mangyayari once na nasaktan mo ako. I'm sorry Dylan, pero please naman, ayaw na kitang makita kahit kelan! Kaya pwede ba?! Umalis ka na! Gaano ba kahirap intindihin yun? Ha?! Get lost, asshole!" Iniwan ko na si Dylan at tumakbo na ako papasok sa kwarto ko dahil babagsak na ang mga luha ko, ayaw kong makita niya akong umiiyak, fuck my life!



I looked myself in the mirror at napailing nalang ako. Nailagay ko na ang milk na dinala ko sa mini ref ko, at humiga na ako dahil parang nakipagkarera ako sa sobrang pagod, at hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako.



Nagising lang ako kasi may kumakatok at pumasok si Mommy.



"I brought you brunch." Mommy.



I smiled at her. "Thanks mom." Nagsimula na akong kumain dahil kanina pa ako nagugutom. Kinuha ni Mommy yung milk na nilagay ko sa mini ref ko at ibinigay niya sa'kin.



"Balita ko, nag-away daw kayo ni Dylan?" Mommy.



Napatigil ako sa pagkain at hinarap si Mommy. "Wala lang ho yun, may misunderstandings lang kami."



"Ak, nakikita ko namang sincere si Dylan sa'yo." I rolled my eyes. "Nope, he is inlove with someone else kaya niya ako niligawan para maipaghiganti niya ang mahal niya."



"Hindi niya ipapaalam sa lahat ng pamilya natin at kakilala na liligawan ka niya if he is inlove with someone else." Mommy.



"Yun na nga ang mas nakakatawa 'My e, akala ko he is inlove with me kasi nga diba, he announced it in public na he'll court me pero buti nalang talaga narinig ko si Dylan at yung babaeng gusto niya na hindi totoo yung pinapakita niya sa'kin!" Buti nalang talaga at hindi ako naiyak, nakakapagod din pa lang umiyak.



"No, Ak. Nakita kong sincere si Dylan sa'yo, I saw how he looked at you dahil ganun din ako tumingin si Mommy mo." Pumasok bigla si Daddy sa room ko kaya medyo nagulantang ako.



"Nakakagulat ka naman, Dad!"



"Alam kong nasaktan ka, Ak. But Dylan is also hurting." Dad said na nagpatawa sa'kin.




"Wala siyang karapatan masaktan, Dad. At siguro nga magaling lang talaga umakting si Dylan kaya napaniwala niya tayong lahat na interesado siya sa'kin."



Ininom ko ang gatas at narinig kong napabuntoghininga ang mga magulang ko.



"Mom, Dad, stop worrying about me. I'll be fine." Niyakap nila ako at sabay sabi "We will always be here for you, Ak." Niyakap ko din silang dalawa pabalik.



Umalis na sina Mommy at Daddy pagkatapos ng yakapan scene namin. Kaya heto ako ngayon, bored kaya papalit palit ako ng channel na pinapanood dahil walang magandang palabas ngayon. My phone beeped kaya kinuha ko ito at binuksan ang mensahe galing kela Ashley at Ali sa group chat naming tatlo.


"Alam kong hindi ka okay ngayon, Liyah. Palagi mo lang tatandaan na nandito lang kami palagi sa'yo." It was Ashley.

"Nasaktan ka man ngayon, Liyah, alam kong may magandang mangyari sa'yo pagkatapos, ika nga diba, There is always a rainbow after a little rain. Kaya fighting lang tayo, ate girl! Mas maganda ka pa din kesa kay Beatrice at mas mabagong, mas lamang ka dun, kaya wag ka na magdrama diyan!" Ali.



Ahhh, my bestfriends. "I'm trying to move on sa nangyari lol thanks for having my back, loves! I love you both. 💞"



Nagreply agad si Ali "Holy shi— screenshot ko to!!!!!" Napailing nalang ako at inoff ang phone ko.

—————————————————————————

Thoughts about this chapter?

The KontrabidaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon