Chapter 2

5.1K 215 47
                                    

Before Anything else Add nyo muna ako sa FB guys habang pwede pa akong makapag accept ng Friends! search nyo lang Darkrai Nunez and follow na din ako sa twitter, ahhaha @darkrainuez, salamat and enjoy the update

Chapter 2

 

Therese’s POV

 

“Welcome Everyone, this is your captain speaking, we have just landed at London International Airport, thank you for making Philippine Airlines part of your Journey today, have a good day!”  sabi nung boses na nasa eroplano

Grabe this is it na nga, after ang napakahabang byahe eh, sa wakas nakarating narin kami sa London,*hayyyy* gumawa ako ng napakalalim na paghinga, waaaa, heto na nga, heto na nga yun, wala na talagang atrasan ito, Lord sana gabayan nyo po ako palagi

“Waaaaaaaaaaaaaa, this is it pansit, finally waaaaa, it’s been a long time since I went here” sabi ni Sam

“Ang ginaw parin dito, hahaahahha, sa Pilipinas ang init” sabi ni Angel

“The smell of London, mmmm ang saya, love it” pahayag naman ni Gail

“Guys, well bago tayo magpakasaya, might as well punta muna tayo sa Hotel natin, may naghihintay na ng sasakyan sa atin kaya let’s go na” sabi naman ni Princess

Ang saya, grrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrr, ang lamig lamig pala ngayon dito, akala ko summer na pero parang hindi pa dito, kasama namin ngayon yung dalawang officials ng school namin, syempre di naman pwedeng kami kami lang kaya ayun kasama namin sila. Sayang nga at hindi makakapunta sila inay at itay sa amin, gusto ko sana kaso ang dami pa pala nilang dapat asikasuhin sa Pilipinas kaya hindi na sila sumama, umiyak pa nga si Inay kasi ma mimiss nya daw ako, ako din naman eh ma mimiss ko din sila, kasi two weeks din akong mawawalay sa kanila.

“HOW WAS IT THERESE? AYOS KA LANG BA? HINDI KABA NAHIHILO? O PAGOD KA BA?” tanong sa akin ni Stephen

“Hindi naman, hehehehe ang ganda nga dito, nawala yung hilo ko sa ganda ng lugar na ito” sagot ko naman

“We will enjoy more of this later! HAHAHAHA PAPASYAL KITA DITO, YUNG TAYONG DALAWA LANG! Hahahaha” sabi nya

“Baliw, tara na nga” sabi ko

Para akong bata nito, ang ganda ganda kasi, ang ganda talaga, di ko maiwasang hindi tumingin sa laaht ng dadaanan namin, ang daming palasyo na gusali dito

“Kita nyo yan? Yan yung pinakasikat na Orasan sa buong mundo, yan ang Big Ben” sabi ni Princess

Grabe si Princess na talaga, eh nakapunta na sya dito ng tatlong beses eh para magshopping daw, grabe sya na. Nung tinignan ko yung Big Ben, ang ganda pala nya sa personal, ang ganda talaga, sa libro ko lang kasi nakikita yan.

Sa Queen Elizabeth Hotel kami tumuloy at ang ganda din dun, modernong moderno na hinaluan ng medieval theme, basta ang ganda.

Bale tatlo sa bawat kwarto ang pwedeng humiga at kasama ko si Sam at Princess, tapos sa harap ng kwarto namin eh kwarto nila Jade, Stephen at yung isang lalaking Official ng School, tapos sina Yuuki, Angel at Gail yung magkasama, at Si Czarina naman, yung Make Up artist namin at yung babaeng school official sa isa pang kwarto, hahaha buti nalang kasya lang sa amin yung mga kwarto.

Nung nakapasok na kami sa kanya kanya kwarto, napagkasunduan naming magpahinga na muna at may jet lag daw yung iba, buti nalang wala namang kakaiba sa pakiramdam ko, nakatulog kasi ko eh. Dumating kami sa hotel bandang alas 8:00 ng umaga, nakakatawa nga eh kasi nagulat ako at pwede palang kumain sa loob ng eroplano, dun kasi kami kumain ng agahan sa loob ng eroplano, hahahah ngayon ko lang nalaman yun. Sabi nila eh magkita kami bandang alas dos ng hapon at nang makapamasyal daw kami. Lunes nga pala ngayon at sa Miyerkules yung formal opening ng Oxford International Beauty and Brains Contest, kakakaba na nakakaexcite nga eh. Nakakatawa sila Princess at Sam kasi Parehong tulog, pagod siguro sa byehe kaya ganun.

The Ignorant No MoreWhere stories live. Discover now