Mag kabigan lang tayo

829 6 0
                                    

   Mga kilos at salita mo ay pinaniniwalaan ko, Binigyan ko ng kahulugan ang mga pagalala mo, At hindi ko lubos maisip na ang lahat ng yun ay ginawa mo kasi nga magkaibigan tayo.unti-unti, unti-unti akong nahulog sayo kasi araw-araw magkasama tayo, Sobrang sarap pagmasdan ang mga ngiti mo, sobrang sarap pakinggan mga tawa mo, at sobrang sarap sa pakiramdam kung ako ang dahilan nito, labis ang saya ko pag nasa akin lang ang attention mo, ngunit ako ay nagtaka, nag tanong sa aking sarili ako ba ay mahal mo?? Gaya ng pagmamahal ko sayo?? O sadyang magkaibigan lang talaga tayo??. Ako ay nag lakas loob at tinanong sayo, at labis akong nasaktan sa sagot mo "KAIBIGAN LANG ANG TINGIN KO SAYO", gumuho ang mundo ko dahil pagkatapos mong sabihin ang mga katagang yun tapos na tayo, oo nga pala walang tayo kaya tinapos mo ang pagkakaibigan natin dahil lang sa isang maling nararamdaman ko at nakalimutan kong MAGKAIBIGAN LANG PALA TAYO. Nakakamiss yung mga panahong magkasama tayo, ngiti at tawa mo ay hinahanap-hanap ko, sa gabi ako ay natutulala sa isang sulok ng kwarto ko nananabik na maibalik ang dating tayo , ang sarap umasa lasang tanga, sobrang lungkot kasi yung nakasanayan ko biglang mawawala ng parang bula na sa isang iglap di na kayo magkakilala parang hangin na dadaanan ka, sana pagkawala nayong pagmamahal ko sayo ay mmbalik ang pagkakaibigang sabay nating binuo ngunit nasira ko, sinayang ko dahil lang sa nararamdamang nabuo dito sa puso ko at hinayaan kung mabuo kahit alam kung MAGKAIBIGAN LANG TAYO. Bakit ba kasi kita minahal, kahit di mo nmn ako gusto, Bakit ba kasi ako nahulog sa isang kaibigan ko, KAIBIGAN KO LANG ,Bakit napaka tanga ko dahil sa lahat ng tao kaibigan ko pa ang minahal ko, sobrang naiinis ako kay kupido pinana niya ako kaya napamahal sa maling tao, sa taong dapat kaibigan ko lang at kaibigan lang ako, nagagalit ako sa sarili ko kasi nga nagawa kitang mundo kahit MAGKAIBIGAN LANG TAYO, at kahit kailan hinding-hindi magiging tayo kasi nga HANGANG KAIBIGAN MO LANG AKO.  

Spoken Poetry Onde histórias criam vida. Descubra agora