Chapter 6 {Gymnasium}

2.8K 83 1
                                    

Chapter 6: Gymnasium

~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~

-HONEY'S POV-

"Alam niyo bang hindi talaga patas ang buhay?"- napatingin kaming tatlo kay Cristal na nagsalita.

"Ba't mo biglang nasabi?"- tanong naman ni Shannen sa kanya.

"Kasi noong unang panahon sa bansa ko. Tinatrato ng mga nobleman ang kanyang mga tagapagsilbi na parang isang hayop. Ay mali.. Tratong hayop talaga ang ginagawa nila sa mga alila."- pagkekwento niya. Taga Korea yang si Cristal Lee sa Joseon.

"Ah.. Oo nga. Napapanood ko ang ganyang pangyayari sa mga Koreanovela."- sabi ko sabay kain ng chips.

"Oh bakit mo nga biglang nasabi? Para lang may topic?"-  tinig ni Mesha na busy sa paglalaptop.

"Oo.. Ganon na nga.."- sagot nito habang nakatulala sa mesa. "..Siguro..."- patuloy pa niya.

Pakiramdam ko may iniisip siya kaya niya nasabi ang tungkol sa bagay na yon.

*KABLOG..!

Bumukas ang pintuan ng aming silid tambayan at pumasok si Marie na bumubulosok ang ilong habang papalapit samin.

Mukhang alam ko na kung ano ang ikinainit ng botche niya.

Ke'aga-aga maiingayan na naman kami dahil sa kanya.

"Alam niyo na ba ang balita?"- tanong niya agad habang seryosong nakatingin samin.

"Umm.. Hindi. Ano yon, Marie?"- tanong ni Mesha.

"Yong hampaslupang babae, nawala!"- pasigaw niyang sabi habang sila Cristal, Mesha at Shannen ay napatayo dahil sa pagkagulat habang ako naman ay prente paring naka-upo.

"Talaga?"- kunwaring tanong ko.

"Oo! Grrrr..!! Paniguradong may nagpatakas sa kanya sa silda!"- aniya.

"Huh? Seryoso ka ba?"- tanong ni Shannen.

"Sino naman ang magtatangkang magpatakas sa kanya? Mukhang wala naman siyang kakilala rito?"- sabi naman ni Cristal.

"Baka pinaihi lang yong babae 'tapos babalik din agad kapag natapos ng mag banyo."- suhestiyon ko.

Ewan ko lang kung maniwala sila sa kasinungalingan ko. Hahaha..! ^.^

"Imposible! Kahit na maihi o matae pa 'yong hampaslupang yon hindi siya maaaring lumabas sa kulungan!"- puno talaga ng galit ang mga salita ni Marie.

"Edi hanapin mo kung saan siya nagpunta 'tapos hanapin mo na rin kung sino ang nagpatakas sa kanya para hindi ka na magalit dyan."- ani Mesha.

"Huh! I will surely do that kahit hindi mo pa sabihin."- sinipatan niya kami habang tumalikod na siya at naglakad palabas.

"Tignan mo nga naman 'tong mangkukulam na si Marie. Balak pa yata tayong kulamin."- sambit ni Cristal.

Sandali kaming natahimik 'tapos mayat-maya ay nagtawanan kami. Natawa kami dahil sa sinabi ni Cristal.

Para naman talagang mangkukulam si Marie kapag tumitig.

* * * *

~Six Days Later~

"Arghhh..!! Bwes*t! Hanggang ngayon hindi ko pa rin nahahanap ang babaeng yon!"- singhal na naman ni Marie.

"Pati ang taong nagpatakas sa kanya hindi ko mahagilap! Bwes*t talaga!"- sabi pa niya.

Haisstt.. Makalagay nga ng ear piece para hindi ko na siya marinig.

Diabolic Academy {Watty's 2018}Where stories live. Discover now