Two

17 0 0
                                    

*You make me happyyyy la la la la

Sooo happyyy*

Urgh sino ba 'to? -______- ugh kaasar naman ba't ba ang labo ng mata ko.

Pinindot ko nalang yung answer button. Istorbo naman sa pagtulog 6 palang eh 9 pa naman klase ko T____T

"Hello?" Yamot kong tanong.

"Goooood morniiiiiing Kieraaaaaa!" nakakainis na bati ni Izzy sa phone geez maaga pala klase neto ngayon kaya ako ginagambala.

"Anong problema mo? Istorbo ka sa tulog ko eh!"

"Hay nako, wala kaming prof! Sayang effort ko sa paggising ng maaga! Huhuhu mamaya pang 8 next class koooooo"

Napaupo ako sa higaan sa sobrang tining ng boses niya grabe ang sakit sa tenga

"Oh eh anong gagawin ko?! Bumalik ka nalang dito"

Oo nasa isang dorm lang kami :3

"Ayokoooo ngaaaaaaaaaa sayang sa pamasahe no! Ikaw nalang! Dali na!"

Aba ayos din 'to ah!

"Ayoko nga! Aga-aga pa eh! Madami ka namang pwedeng yayain dyan eh!"

"Bahala ka nga! Sayang kakapadala lang ni mommy ng allowance, manglilibre sana ko, kaso mukhang ayaw mo"

Ginamitan pa talaga ako ng panlilibre powers niya, loka loka talaga 'to -____-

"Hay nako, eto na eto na! Mcdo Fries ha!!!"

"Hahahahahahaha oki byeeee"

He he hehe libre yun eh sayang :p

Naligo na ko tsaka nagbihis, plain white tshirt tapos denim shorts tsaka red keds saka sinukbit ko na yung red jansport ko :p hahahahaha  o diba haha kaya masaya sa school namin eh walang dress code XD walang uniform XD

Isang sakay lang papuntang campus dun sa tinitirhan namin, saktong paglabas ko naman may jeep na agad bagong labas ata 'to isa palang yung pasahero eh.

Pag-akyat ko ng jeep saktong tumingin naman yung pasahero sakin.

Gray V-neck shirt, fitted dark pants medyo mas light parang washed?, black vans, at medyo long hair pala sya yung malakorean hair ganun, tapos nakatransparent rayban wayfarers sya. *u* the typical wattpad guy right in front of me lol

"Uy!' Bati nito sakin pagupo ko.

"Hi!" Bati ko pabalik.

Akmang magbabayad na ko ng may iabot sya kay manong driver.

"Kuya bayad po, dalawa."

"Hala, magba-"

"Pathankyou ko nalang yun sayo kahapon!"

"Eh ganun ba haha, salamat. Ang aga mo ah?"

"May 8:00 class kasi ako eh, ikaw ba?"

"Ah yung bestfriend ko kasi may 6:00 class eh wala daw silang prof kaya yun niyaya akong kumain haha"

"Anong oras pa ba class mo?" Tanong niya.

Ngayon ko lang napansin light brown pala yung mata niya *u*

"9 pa, ang sarap pa nga ng tulog ko eh"

"Haha wala ka talagang magagawa pag bestfriend yung nagyaya no?"

"Hindi din no! Libre kasi hahaha"

The Perfect Time (on-hold)Where stories live. Discover now