Chapter 13: The girl

16.2K 159 44
                                    

Nathan's POV

Three months have already passed since my break up with Zoey. We never talked after that. She's been very active these past few days. I miss her. 

Nagulo ako sa pag-iisip ko nang may kumatok sa opisina ko. 

"Mr. Carenas, good morning." Pumasok siya dala ang tungkod niya at ilang mga bodyguard. "Have a seat." 

"How are you?"

"I'm doing great, thanks to you. Everything is going back to normal now. We have almost opened all our closed branches now."

"That's great, Nathan." 

"By the way sir, it's been months already. You have proven your power over my business, when could I do my part?" Tumawa siya. 

"Huwag kang mag-alala Nathan, that is the main reason why I'm here. You'll meet her this weekend already. It's going to be her 22nd birthday and I want you to be her chaperone. Tumango ako. "Wear your best suit, she's wearing a red gown so probably find something that match." 

Umalis si Mr. Carenas. Inutusan ko ang secretary ko na maghanap ng suit na babagay sa red gown. Isang araw nalang makikilala ko na siya. Sinubukan kong hanapin kong sino siya. Ang alam ko lang, ang buong pangalan niya eh Maria Victoria Carenas, 22 years old, nag-aral sa PLA, 2 years ang pagitan ng batch namin. Tinignan ko ang yearbook nila at masasabi kong mukhang mahilig siyang kumain. Hindi ko mahanap ang current photo niya at mukhang wala siyang social media account. After graduation, nag-aral siyang mag culinary sa US ng tatlong taon pero marami siyang sideline. 

'Yan lang ang alam ko at hindi pa verified information 'yan. Lahat puro galing sa mga usap-usapan ng mga empleyado. Katulad namin noon, wala kaming interes sa ginagawa ng parents namin. I guess ganoon din siya. 

Umaga ng Birthday party ay dumating ang pinabili kong suit, black ang napili nila na may detail ng red. "Salamat.", sabi ko at isinuot ang suit. Ang venue ng party ay isa sa mga mamahaling hotel sa Maynila, ang Skyline. Lahat ba naman ng pagkain dito eh nilalagyan nila ng ginto. 

"Mr. Nathan, we've been expecting you.", sabi ng mga staff pagdating ko. Kinuha ng valet parker ang susi ko at pumasok na ako sa loob. Nagbigay sila ng instructions sa akin kung ano ang gagawin ko. Maya-maya pa, pina-pwesto na ako sa baba ng hagdan, 'iyong usual na mahabang hagdan na nilalakaran para sa great reveal. Pinagtitinginan ako ng mga tao pero wala akong kilala doon. Mukhang kailangan ko pang sipagan para magkaroon ng ganito kalaking network. 

Nagsimula ang music at nag-introduce na ang emcee. Ang bilis ng tibok ng puso ko, hindi dahil sa excitement pero sa takot na pagkatapos ng gabing ito, kailangan ko na talagang kalimutan si Zoey. 

"And now, may I now introduce to everyone, the main person for tonight- Miss Maria Victoria Carenas.", nagpalakpakan ang lahat. Tinignan ko ang taas ng hagdan at nakatayo siya doon na may matamis na ngiti. Bumaba siya ng hagdan kasama nang red niyang gown na bagay na bagay sa hubog ng katawan niya. Para siyang prinsesa sa suot at tindig niya. Hindi ko namalayang nakatitig na lang ako sakanya nang tinawag ng coordinator 'yung atensyon ko para salubungin siya sa bandang dulo ng hagdan. 

Lumapit ako sakanya at nakita ko ng malapitan ang mukha niya. Pamilyar siya. Siya yung-

"Hey, loner.", sabi niya at ngumiti sa akin. Siya 'yung nakita ko sa convenience store at park noon." 

"How? What?" 

"Don't ask me, I'm shocked too. Anyway, let's just get along okay?", tumango lang ako at ginawa ang trabaho ko. Kailangan ko siyang samahan sa lahat ng kakausapin niya ngayong gabi. Nagkantahan ang lahat at nag-blow siya ng candle. 

"I Love you Nerd PART 2" (COMPLETED)Where stories live. Discover now