SECOND KIND OF SINGLE

2.8K 67 27
                                    

"PERFECTIONIST"

 

Simula ng magkamalay ang taong ito, nakalista na ang mga bagay na gusto niya sa kanyang magiging boyfriend/girlfriend. Kapag may nakilala siya at nakitang madumi ang kuko, magkadikit ang kilay, may butas sa ngipin, o parang penguin maglakad.. WALA NA. Turn off na yun para sakanya in short MAARTE siya.. pero siya din naman salubong ang kilay.

Reason/Excuses: “Ok na sana siya eh, kaya lang gusto ko ganito gusto ko yung ganyan.”

ADVICE ♥

Pwede kang maging MATANDANG DALAGA/MATANDANG BINATA. Kasi naman sa sobra mong pagiging pihikan baka hindi mo mahanap ang taong para sayo, lahat naman tayo may standard sa pagpili pero huwag naman yung tipong mauubos mo na ang tao sa mundo hindi ka pa rin makapili ng gusto mong mahalin dahil puro ka kantsyaw kuno ganito, ganyan. Naku paalala lang UMARTE NG NAAAYON SA ITCHURA HAHA! De joke lang. Minsan kasi sa sobrang pagiging pihikan at maarte mo sa pagpili ng pagiging kapareha mo eh nawawala na yung essence ng LOVE. Tanong ko sayo bakit ang nagmamahal ba MATA? Eh ikaw, gusto mo bang mahalin ka dahil sa panlabas mong itchura lang? Hindi ko naman sinasabi na tungkol sa physical appearance lang ang pinaguusapan natin, mapa ugali, galaw o ano pa yan. Gusto ko lang ipaalala na All of us have our own flaws. Wala namang perpektong tao sa mundo di ba? Mapa normal mortal beings man yan, mapa artista o sinong pontio pilato pa yan lahat tayo may ka imperpektuhan. Minsan nga dahil sa ka imperpektuhan ng isang tao kaya nagigi siyang perpekto sa mga mata mo.

<Inspired Quote>

”I love you because you’re perfect, but then I realized that you’re not and that makes me love you more.” - Anonymous

Anong Klaseng Single Ka?Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora