Earphones (Tagalog)

259 9 1
                                    

Ang lahat sa akin ay normal lamang. Ang buhay ko ay boring. I usually go to school kapag may pasok. Ni minsan ay hindi ako nakabilang sa top students. Hindi rin naman ako athletic.

I want to do some new things. Hindi lang ako makahanap ng rason at minsan nagkukulang rin ako sa gana.

Ngayon ay pangalawang beses ko nang magjog. Ayokong lumayo masyado kaya sa subdivision na lang na tinitirhan namin ako nagjog. I am the type of guy who always want to play it safe.

Suot-suot ang aking earphones ay nagpatuloy ako sa pananakbo. Tila ba, nasa labas na ako ng bahay, may sarili pa rin akong mundo. Nagulat na lang ako ng may biglang humigit sa earphones ko.

Tumingin ako sa aking likuran. Nakita ko ang isang babae. "Sorry, kaylangan ko lang ng kausap."

"Saan dito ang pinakamalapit na 7/11", ang tanong niya sa akin.

So ganito, hinigit niya ang aking earphones ng biglaan at may gana pa siyang humingi sa akin ng direksyon ng nakangiti na tila ba walang nangyari.

"Ate earphones ko muna", ang sabi ko sa kanya na para bang bibigyan ko siya ng direksyon ngunit ang totoo ay tatakbuhan ko na siya pagkabalik niya ng earphones.

Nag-isip siya sandali, "hindi mo sasabihin sa akin kung nasaan ang pinakamalapit na 7/11, nuh?" Matapos niyang banggitin ito ay mabilis siyang tumakbo dala-dala ang aking earphones.

"Ate, ang earphones ko", ang sigaw ko kay 'ate' na mukhang mas bata pa sa akin.

Pasigaw rin siyang sumagot sa akin, "sabihin mo mo muna sa akin kung nasaan ang 7/11". Apparently, she is smarter than I think she is.

Matapos ang 2 minutes and 35 seconds ay napagod na ako sa paghabol sa binibini at nagdesisyon na sabihin sa kanya kung nasaan ang pinakamalapit na 7/11.

"Pagdating mo sa pangalawang kanto ay maglakad ka pakanan, nanduon ang 7/11."

"Thank you. Gusto mong magmilk", ang sabi niya habang nakasmirk siya sakin na naghihikayat.

"Nope, gusto kong kuhanin ang earphones ko."

"Ganun, edi hindi ko pa ito ibabalik sa'yo", at tinuloy niya ang kanyang pagtakbo dala-dala ang aking earphones.

Hindi na ako atleta ngayon ngunit noong grade 6 ay runner talaga ako. Alam ko kung ang isang tao ay mabilis manakbo. Hindi ako katulad ni ate na aking kasulukayang hinahabol. Ni minsan ay hindi pa ako nakakita ng kasing bilis niya. Hingal na hingal akong nakadating sa 7/11. Inabutan ako ni ate ng milk pagkadating ko sa establisimento.

Ilang minuto na ang nakalipas mula ng higitin niya ang earphones ko pero hindi pa rin nawawala ang kanyang ngiti.

"I'm sorry, bago lang ako sa St. Joseph's subdivision. Kaylangan ko lang ng mga bagong kakilala. Ako nga pala si Joanna."

"Okay".

Humigop ako sa milk na para bang bunga ito ng lubos kong paghihirap.

"Kuya", ang sabi niya. Hindi ko siya pinansin at itinuloy ko ang pagsipsip sa sterilized na gatas.

Ilang sigundo na siyang nakapangalumbabang nakatingin sa akin na tila ba nag-oobserba. "Kuya, kapag may nagpakilala sa'yong magandang babae, dapat pakilala ka rin." Iniwasan kong tumingin ng matagal sa kanyang pagngiti.

"Wednesday, 4:30, jogging ulit tayo. Kita tayo sa parehas na lugar. Hindi dito. Kita tayo sa lugar kung saan una tayong nagmeet. Don't be late", ang sabi niya sa akin.

Ako ay napahanga. Nasabi niya ng klaro ang lahat ng iyon sa loob ng 5 seconds. Ang bilis niyang magsalita. Hindi ko man lang naalala na hindi pa niya naibabalik ang earphones ko.

Napag-iisip ko, siguro nga, I really like her. Gayun pa man, hindi ko pa ito sasabihin sa kanya, I am not confident enough.

It's been 3 weeks since una kaming magkita. Limang beses na kaming nakakapagjog ng magkasama. Madami na akong nalaman sa kanya. Hindi pa siya nagkakaroon ng sariling tuta pero mahilig siya sa chao chao. Napapatigil siya sa antig pag nakakakita siya nito. Mahilig siya sa operatic music for some reason. Gabi-gabi siya nanonood ng anime.

She is cute. She is intelligent as well. Isa siya sa mga taong masasabi mo na hindi man mayaman sa ngayon, ngunit yayaman sa hinaharap. Not only that I like her, I want to know her even more but I know that I don't deserve her.

Wednesday na ulit. 5:30 na wala pa si Joanna. She was never sick. Siguro, hindi siya nagising ng maaga. Nag-jog ako ng mag-isa. Sa sumunod na kanto ay may kaunting taong nagkakagulo. Mayroon raw nagcollapse. Lumapit ako sa kanila.

"Hindi na tumitibok ang kanyang puso", ang sabi ng isa sa mga tao.

Lumapit pa ako ng kaunti. Suddenly, ang lahat ng mga hinaharap na nakita ko kay Joanna ay unti-unting nawala.

Limang taon na ang nakalipas. Marami na akong nakilalang babae ngunit walang tulad niya. Dapat sinabi ko na kay Joanna na gusto ko siya noon pa. Ininom ko ang natitirang beer. Hindi ko namalayan na ako ay umiiyak na pala.

"Ang sakit-sakit pa rin."

Earphones (Tagalog)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora