CHAPTER THREE

2.8K 60 1
                                    

HABANG NAGLALAKAD silang dalawa ni Jay sa hallway ay kapwa sila tahimik. Ni hindi tinitingnan ni Angelie ang katabi. Naiilang siya sa binata, malakas ang kabog ng dibdib niya, ngunit kasabay niyon ay tila panatag ang puso niya. Isang bagay na matagal na niyang hindi nararamdaman. And she wonders why. Ang ganoon klase ng kapanatagan ng loob ay huli niyang naramdaman noong nabubuhay pa si Chris.

Malapit na siyang makalabas ng gusali ng mapansin ni Angelie na hindi na niya kasabay si Jay. Paglingon niya ay nakita niya itong nakahinto at tila may iniisip habang nakatingin sa pader.

Tiningnan niya ang kanina pa nito tinitingnan na pader saka kunot noong lumingon siya dito. "May problema ba?" tanong niya.

Malapad na napangiti si Jay saka biglang lumingon. Bahagya siyang napaatras ng makitang malapit na malapit ang mukha nito. Sa loob lang ng ilang segundo na napatitig siya sa guwapong mukha ng binata. Nakita niya kung gaano ito lalo kaguwapo sa malapitan. Naramdaman niya ang tila paglundag ng puso niya ng salubungin ng maganda at singkit na mga mata nito ang tingin niya.

"May naalala lang ako. Halika, samahan mo ako," sagot nito.

Nasundan na lang niya ito ng tingin ng bigla itong umikot sa likod niya at saka marahan siyang tinulak pabalik sa loob. Naguguluhan man sa kinilos nito ay hindi na siya nagprotesta pa at nagpatianod na lang dito. Nagtaka siya ng dalhin siya nito sa Piano Room.

"Anong ginagawa natin dito?" nagtataka niyang tanong.

Imbes na sumagot ay binuksan lang ni Jay ang pinto at saka sumenyas ang kamay nito na pumasok siya sa loob.

"After you Miss," sa halip ay nakangiting sagot nito.

Pagpasok niya sa loob ay naupo si Jay sa harap ng piano. Tutugtog na lang ito ng bigla itong lumingon sa kanya. Umurong ito para magkaroon ng espasyo sa inuupuan nito pagkatapos ay tinapik nito iyon.

"Have a seat. Huwag kang mag-alala, harmless ako. Hindi ako naghahapunan ng tao. Relax, you're safe with me," sabi pa ni Jay.

You're safe with me. Hindi niya maintindihan kung bakit paulit-ulit na ume-echo ang katagang iyon sa kanyang isipan. Tahimik na sumunod si Angelie sa sinabi ni Jay at naupo siya sa tabi nito.

"I have a request," ani Jay.

"Ano 'yon?"

"Pagbibigyan mo ba ako?"

"Depende sa request,"

"Sing me that song now," sagot ni Jay.

"Anong kanta?" maang pa niyang tanong.

"Iyong kanta mo na Will I See You Again. I want to hear that song, live version," sabi pa nito.

"Bakit pa? Narinig mo naman na 'yon di ba?"

"Oo nga. Pero iba pa rin kapag live ko maririnig, sige na please," pakiusap pa ni Jay. Nahigit niya ang hininga ng bigla nitong hawakan ang kamay niya at saka ikulong iyon sa mga palad nito. Bigla siyang umiwas ng tingin dito ng maramdam niyang unti-unting bumibilis ang tibok ng puso niya. Mabilis niyang binawi ang kamay saka bumuntong-hininga.

"Right now?" kinabahan bigla na tanong niya.

Nakangiti pa rin na tumango ito. "Oo, as in ngayon na. Bakit? May problema ba?" nagtatakang tanong ni Jay.

Bumuntong-hininga si Angelie. Hindi naman sa ayaw niya, kaya lang kasi, iyon ang unang pagkakataon na tutugtog at kakanta siya sa harap ng isang propesyonal na singer. Isipin pa lang niya ay kinakabahan na siya, bukod doon ay hindi pa siya komportable kay Jay. Naiilang pa siya sa lakas ng dating ng binata sa kanya. May kung ano sa magandang ngiti at magandang mga mata nito na hindi niya maipaliwanag at nagbibigay sa kanya ng kakaibang pakiramdam.

Music In My Winter's HeartWhere stories live. Discover now