Chap 1 : my daily life

2 1 0
                                    

Hi I'm Anastacia Phoebe King 15 years old I'm a 3rd year highschool student at OHNS short for Ouran National Highschool...as the prologue says na-inlove ako sa bestfriend ko na kasing slow ng pagong or mas slow pa sa pagong kaya ussually pag nag se-self talk ako turtle ang tawag ko sa kanya... Ang original diba? Madaming nakakakilala kay turtle...well kung madami na sa inyo ang pito...continuing... But they never knew who he was...they just kept calling him turtle at sinasabing ang slow daw nito at bagay daw sa kanya ang nickname na binigay ko sa kanya...

"Hoy babaeng tamad! Kumopya ka na"sigaw sakin ni Qyuri

"Ano yan? For your information meron akong sagot jan 2018 na noh...nagbabago na ko"

"Eh yung sa science?" Science? pucha ano yun?

"Anong science?! Gago ka ba wala namang assignment dun ah"

"Gaga kumopya ka na! Nagbabago daw! Gio batukan mo nga toh ng isa" Gio nanaman...ikaw nga ang gusto ko!

Anyway Gio was- hindi ko naman pinagmamalaki pero madaming nagsasabing may gusto sya sa kin. But honestly I think pinagtritripan lang ako nito

Tumingin samin si Gio at nginitian ako

"Wala ka na namang assignment?"tinaasan nya ako ng kilay

"Bakit ikaw meron?!" Sigaw ko pabalik sa kanya

"W-wala" yabang nito

"Wala rin naman pala eh! Manahimik ka jan!! Patingin nga!!" Sabay hablot ng hawak na notebook ni Qyuri

Ano ba yan Qyuri pano kita mare-reach kung ganyan ka?

Binuksan ko ang bag ko at kinuha ang science notebook ko at hinukay ang ballpen sa bulsa ko nakabuklat na ang notebook ni Qyuri kaya di na ako nahirapang hanapin yung assignment nya...shit parang kinayod ng manok ang sulat nito

"Hoy ano ba toh?!" Sigaw ko kay Qyuri na nakikipag kwentuhan kila Marcus kaklase namin

"Ikaw pa may ganang magreklamo! Ikaw na nga nakopya! Ano ba yan?!" Lumapit sa kin si Qyuri at sinubukang basahin ang sulat nya

"In...ta...red?" Pucha may word bang ganun?

"Ano yun?" Nagkamot ng ulo si Qyuri

"Kopya ko lang sa google yan eh" gago

"Gags ka pala eh sulat mo yan ah!!"

"Eh di dun ka sa turtle mo kumopya!! Tutal lagi mo namang pinagmamalaking masipag sya!"  Di ba nakopya na nga!!

"Wag na nga! Ayoko na!" Naglakad papalapit samin si Gio at umupo sa tabi ko since seatmates kami

"Oh dito ka nalang kumopya" malamang sa alamang kumopya toh kay Marcus

"Wala kang tiwala sakin? Kopya ko yan kay Marcus" sabi na eh...tumawa sya ng mahina
Hinablot ko yung notebook nya...ano ba?! Mahilig akong manghablot eh...kumapara sa sulat ni Qyuri mas maganda ang sulat ni Gio-wait mas maganda? No,No,No, sadyang mas panget lang ang sulat ni Qyuri...pero mas naiintindihan ko ang sulat ni Gio

Tinuon ko ang pansin ko sa notebook ni Gio

Naramdaman ko naman ang mainit na paghinga ng isang nilalang sa may tenga ko...di ako lumingon knowing na it's Qyuri dahil sa matapang nitong pabango

"May crush ka ba dito?" Bulong nya
Nagulat naman ako sa sinabi nya pero di ko pinahalata

"Bakit nagseselos ka?" Tumawa ako ng mahina at naghintay ng response ni Qyuri pero wala akong nakuhang sagot kaya lumingon ako sa direksyon kung saan nakatayo si Qyuri kanina ngunit wala na sya dun...tumingin naman ako ngayon sa direksyon ng upuan nya

Na triple kill ako ah... Ayun pala nakikipaglandian na kay Chelsea...feeling ko tumaas ang blood pressure ko...
Seatmate ni Qyuri si Chelsea and by that na-develope ang feelings ni Chelsea para kay Qyuri...sino ba namang di maiinlove sa hinayupak natong hulog ng langit.... Malamang mababatukan nanaman ako ni Marissa pag nalaman nya mga pinagsasabi ko...Marissa is one of my closest friends magkaklase kami nung grade 2 pero di pa kami masyadong close nun nag re-unite lang kami nung freshmen kami nagkatabi kasi kami sa upuan and we ended up getting close....yung babaeng rin yon ang madalas bumatok sakin tuwing sinasabihan ko ng pogi o gwapo si Qyuri isa sya sa pitong nakakaalam kay turtle at isa rin sya sa tatlong nakakaalam (including me) kung sino ba talaga si turtle

Yes...tatlo lang kaming nakakaalam and masaya na akong tatlo lang kaming nakakaalam...if naguguluhan kayo and if your asking if the third person knowing is Qyuri, hindi sya... Kakasabi ko lang sa prologue diba? Di nya alam and I'm not on the Friend zone but I'm on the mga tanga na umaasa zone kaya nga madalas TANGA ang tawag sakin ni Marissa

Matapos ang ilang minuto...natapos ko na din ang pagkopya sa notebook ni Gio
Pinatong ko yung notebook ni Gio sa lamesa nya at umubob nalang...my precious hands, namumula nanaman sa hapit na pagkopya ko

"Girl, alam kong mahirap mag move on pero wag naman magpuyat ng sobra" tinaas ko ang ulo ko at nakita si Rea sya... Sya yung third person

"Excuse me...gawa yan ng pure kdrama specifically pure Ji Chang Wook at KPOP specifically pure Park Jimin yan" I said with a sassy voice...yan, yan ang inaatupag ko magdamag kaya wala akong assignment araw-araw😁

Is it just me? Who can relate?😝

A.R.M.Y.?

A/N : honestly ganto po talaga ako...😝😂 di ko po pinagmamalaki...just saying anyways kung mabasa mo man toh Oo ikaw! Bestfriend kong madalas akong batukan pag may sinasabi akong magandang trait ni alam mo na...Oo ikaw si Merissa...gusto mo DOTS din ang itawag ko sa kanya? Bwahaha just kidding... Okay eto na po yung chap 1 wala ng drama, alam nyo na gagawin

Mga slow pa sa slowNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ