Chapter 21: Bipolar

3.8K 27 2
                                    

-Chapter 21: Bipolar-



Nagising ako na may kumakatok sa pinto.

*knock* *knock* 

"Baby Girl!!! Andiyan na si Paolo!"

Bigla akong napabangon sa kama ko. OMG! Sinuot ko kaagad yung eyeglasses ko na walang grado. Para di mahalata ni mom na maga yung mata ko. 

Binuksan ko na yung pinto.

Nagulat si Mom pagkakita saakin. "Oh! Bat nakapantulog ka pa?!"

"M-mom.. P-pasabi nalang kay Paolo na d-di ako papasok ngayon.. M-masakit po ulo ko eh.."

Yeah seriously. Masakit ulo ko ngayon gawa ng puyat.

"Osige nak, pahinga ka nalang muna at matulog.. ako na bahala kumausap kay Paolo.."

"Thank You po Mommy..."

sinera ko na pinto at humiga ulit sa kama ko at natulog.

Minulat ko na yung mata ko... Tiningnan ko yung oras... 10 am na pala.. Bumangon ako at medyo muntik na matumba dahil nahihilo pa ako.. 

Pumunta ako sa banyo para maghilamos at mag toothbrush.. 

Pagkatapos nun, bumaba na ako sa kitchen dahil gutom ako.. Nadatnan ko naman si Manang dun.

"Iha.. ano gusto mong kainin? Ipagluluto kita.."

"Manang, Bread lang po na may panlaman please.."

"Sure ka? Di ka kakain ng kanin?"

"Ayoko po eh.. Baka isusuka ko lang.. Bread lang po.." 

"Sige ihahanda ko na...Maayos na ba pakiramdam mo?"

"Medyo po.. Okay okay na din...Pakidala nalang po sa kwarto yung bread ha.. Dun ko nalang po yan kakainin..."

"Sige iha.." 

Umakyat na ako sa kwarto at ni ready yung dvd. 

Mag m-movie marathon nalang ako dito ng Harry Potter. Pampatanggal ng stress at boredom.

After ilang minutes dumating naman si Manang at inabot na yung kakainin ko.

"Salamat Manang.."

Her Love Story [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon