Kabanata 1

14 1 0
                                    

Andito ako ngayon sa coffee shop hinihintay mga friends ko. Ang tagal nila kaya pumunta muna ako ng restroom. Eh nasa baba pa yung restroom. Mamaya na nga lang pagdumating na sila.

Ako nga pala si Zia Charmaine Catalan. 15 years old. 3rd yea high school na ako. Dalawa lang kaming magkapatid at bunso ako. Hindi kami mayaman enough lang nabibigay ang mga pangangailangan namin. Ang Daddy at Mommy ko naman ay may maliit lang na business.

At ayon dumating na sila Ellie, Shaine at Cate.

"Dahil andito naman na kayo. Punta muna akong restroom. Samahan mo ko Ellie."

Pagbaba ay may nakasalubong ako. At ayon napahinto kami parehas pati si Ellie na nasa likod ko ay napahinto pati yung nakasalubong ko.

Nagkatinginan kami nung lalaki, siguro mga 3 seconds din yun tapos lumakad na ko pababa.

Sa restroom...

"Hoy inday! Ang gwapo nun ah! At may tinginan portion pa ah." kinikilig na sabi ni Ellie.

"Wala lang yun." maikling tugon ko. Kunwari hindi ako interesadong pag-usapan.

"Umamin ka. Gwapo nuh?" nang-aasar na tanong ni Ellie.

"Keri lang." bored kong sagot.

"Keri lang daw. Pero napahinto." nang-aasar pa din niyang sabi.

Sinamaan ko na lang ng tingin. Para tumahimik na. Minsan kasi kapag magkakasama kami tapos may gwapo lahat sila kinikilig na ako normal lang. Alam na nilang ganun ako.

Kanina parang iba pero dedma!

Ayon pagbalik namin sa table ay kwinento naman ni Ellie kay Shaine at Cate. Kinikilig sila para sakin.

Ako kasi no boyfriend since birth. Si Cate at Ellie ay may boyfriend ngayon. Si Shaine naman wala pero nagkaboyfriend na siya.

---------------

Ngayon ay anniversary ng charity na sinalihan namin. Magkakatabi kami nila Ellie.

Emcee: Now, we will have an intermission number. May I call on the representatives from Pampanga?

Tapos ayon may tumayong limang matatangkad na lalaki. Then nagsound check na sila. Pwede na sila magbanda. May lead guitarist, rhythm guitarist, bassist, drummer at vocalist na sila. Then nagstart na sila.

"Zia Charmaine!" exaggerated na tawag ni Ellie sa akin.

"Bakit? Kailangan talaga buong pangalan? Nahiya ka pa sama mo na din middle at last name ko." sarcastic kong tanong sa kanya.

"Tignan mo yung kumakanta. Siya yung nakita natin sa hagdanan." sabi ni Ellie. Tinignan ko naman. Oo nga. Ngayon ko siya natignan ng mas matagal in fairness gwapo nga.

"Kilala ko sila." sabi ni Cate.

"Talaga?" di makapaniwalang sabi ni Shaine.

"Oo. Yung rhythm guitarist nila ex ng ate ko. Pakilala ko kayo later." sabi ni Ellie.

Oo nga! Siya nga yun. Eh ano naman?

After ng program ay pinakilala kami ni Cate. Gwapo nga naman silang lima. Yung nakasalubong namin siya yung vocalist nila.

Si Kuya Josiah yung rhythm guitarist nila. Siya yung nagturo sa mga kapatid niya ng instruments. Si Kuya Gabriel naman yung lead guitarist nila parehas sila ni Kuya Josiah na may asawa. Si Kuya Aaron yung bassist nila. Si Jake yung drummer at si Elijah yung vocalist nila at nakasalubong namin sa coffee shop noong isang araw. Medyo masungit yung awra noong vocalist nila.

Tapos ayon nagexchange sila ng number. Hindi ako nakisali kasi di naman ako pala text na tao.

----------

After 1 month...

11:30pm

Incoming Call...

Ellie Abellana

Bakit kaya tumatawag to? Hindi ko muna sinagot kasi baka nantrip lang. Then ayon tumawag ulit kaya sinagot ko na kasi baka importante.

Pagkasagot ko nung call andaming nagsasalita. Ayon nalaman ko na conference call pala. Nasa call si Ellie, Cate, Jake at Elijah.

Ayon kwentuhan then naulit ulit yun gabi gabi. Kaso noong tumagal isa isa silang natutulog na kaya kami na lang ni Elijah yung naiiwan na nagkekwentuhan. Hanggang sa kami na lang ni Elijah yung laging magkacall then magkatext.

Umabot ng 1 year ganun pa din lagi kami magkatext. Ang pinakamatagal na days na di kami magkatext ay 2-3 days lang. Tapos ayon napag-alaman ko na magkakilala pala si Mommy ko at parents niya. May business kasi Mama niya kaya madalas si Mama niya dito sa Manila.

Umabot ng 2 to 3 years still ganun pa din kami magkatext at magkacall.

Parang ayon mafefeel mo na we like each other. Pero di kami nagkakaaminan or may aminan man pero indirect or laging pabiro. Bawal kasi ako magboyfriend hangga't 'di ako nakakagraduate. 'Yan kasi ang gusto ng parents ko. Sa loob ng 3 years lagi niyang sinasabi sakin na maghihintay siya pero laging pabiro kaya 'di ko alam if totoo or what. Sa ngayon 2nd year college na ako. 2 years pa ang aantayin niya.

Sa loob din ng 3 years there are times na pumupunta siya dito sinasamahan niya yung Mama niya para magdeliver dito ng mga paninda nila. Nagugulat na lang ako andito siya. Pero laging sandali lang 2 days lang ganun.

Madaming nagsasabi sakin na wag daw siya kasi nga hindi siya tapos ng pag-aaral at wala siyang trabaho. Tapos madami pa silang magkakapatid. Pero hindi naman yung iniisip ko. Sobrang bait, responsible, at sobrang mapagmahal sa magulang. Kaya di siya nagwowork kasi siya ang tumutulong sa Mama niya at siya naman ang tumutulong din sa Daddy niya. Grabe. 'di lang kasi nila siya kilala kung makajudge sila grabe. Ay dedma!

Love is...Where stories live. Discover now