FC Story 1- Walang Good sa Morning

35 1 0
                                    

"Ang Baboy mong kumain! Kapatid ba talaga kita?"

"Oo bakit? Isumbong kaya kita kay Daddy!"

"Tss. Yan lang naman panglaban mo eh! Si Daddy!"

"Wala akong pake!"

"Palibhasa Daddy's Boy!"

"Ikaw, Mama's Boy!"

"Di lang naman ako ah! Si Xandra din!"

"Wag mong siyang idamay! Wala siya dito! Tsaka Daddy's Girl siya!"

Nakakainis naman tong dalawa. Kitang may natutulog eh.. Sigawan na agad. Pero kapag nadyan sila Daddy, Patay.

Tumayo na ako dahil hindi na ako makatulog, Ang tahimik kasi eh..

Pumasok na ako sa CR ko at Nag-toothbrush at Hilamos. Sunday na pala, iksabihin.. Bukas na ang First Day of School! Whoo!

Ayan, Fresh na ako! Hay~ Sarap sa pakiramdam. Lumabas na ako at bumaba. Nakita ko naman sila nasa Dining Room.

"Good Morning!" Bati sakin ni Ipis.

"Walang Good sa Morning, Sinira niyong Dalawa." Sabi ko at umupo sa tabi ni Langaw.

"Ikaw kasi eh!" Sisi ni Ipis kay Langaw. Ayan nanaman sila. Ugh, Kakasawa.

"Ba't ako? Ikaw kaya nauna diyan. Wala akong ginagawa, nang-aaway ka." Depensa ni Langaw sa sarili niya.

"Eh sa ang Baboy mo kumain? Kung hindi lang mabait si Yaya, dati pa tayo nilayasan." Sabi ni Ipis.

"Pano nasama si Yaya dito?" Tanong ni Langaw. Sasagot sana si Ipis nang pinutol ko siya..

"Di ba kayo titigil?" Cold na sabi ko.

Tumahimik yung Dalawa at kumain ulit. Baliw talaga etong mga toh. Paano ko ba sila naging kapatid?

*Kring~! Kring~!*

Tumunog yung Telephone at sinagot naman yun ni Yaya. Siya na bahala dun. Kumuha ako ng Cereals at nilagyan ng Milk, Diet muna tayo mga Friends.

"Yes po.. Sige po.. Ba-bye po.." Rinig kong mga sabi ni Yaya at binaba niya na. Pumunta naman siya sa Harap namin.

"Nakabili na ba daw kayo ng Gamit niyo pang Bukas?" Tanong ni Yaya.

"Opo." Sagot ko at Sumubo ulit. Naramdaman kong Tumingin naman sakin yung Dalawa. "Ganun ba talaga ako kaganda para tignan niyo?" Sabi ko at Sumubo ulit. Nag-yuck naman sila. Napa-smirk ako, Taray ko ah?

"Kayo?" Tanong ni Yaya sa Dalawa. Yumuko naman sila at sabi, "Hindi pa po."

"Edi bumili na daw kayo. Baka magpabili nanaman daw kayo sa amin at ma-late kayo." Sabi ni Yaya at nag-pameywang, Naks! Taray ni Yaya! 28 palang naman siya eh..

Tumingin sakin yung Dalawa kaya Napatingin ako sa kanila, "Ano nanaman?" Tanong ko. Alam kong Hindi maganda ang mangayayare.

"Samahan mo kami!" Sabay na sabi nilang dalawa. Kapag sila lang yung magkasama, nag-aaway pero pag dating sakin, Magkasundo. Tsk!

"Ayoko nga, Bahala kayo sa buhay niyo." Walang gana kong sabi at sumubo ulit.

"Bibilhan ka namin ng kahit anong gusto mo basta wag lang House and Lot or kung ano man sobrang Expensive!" Sabi ni Ipis sabay Hawak sa Braso. "..." Ayokong Umimik. Para talaga silang mga Bata, Hindi marunong Lumabas mag-isa. Takot ma-reyp?

Susubo na sana ako pero may narinig akong salitang, "Bibilhan kita ng Ice Cream."

Tumingin ako kay Langaw at nakita ko siyang naka-smirk. Ghad, He totally knows my Weakness.

Nag-pout ako at nag, "Oo na.."

"Yes! Galing ko talaga!" Grabe naman tong lalaking toh. Pina-oo niya lang ako pero Ang laking tagumpay na para sa kanya. Tss.

"Kaya kung hindi kayo kikilos agad, Baka magbago isip ko. Kaya Magligo na kayo!" Sabi ko at agad naman sila tumaas. Napa-chuckle ako at iling. Para talagang mga Bata eh..

"Ikaw rin, Xandra. Maligo ka na." Sabi sakin ni Yaya na nagliligpit na ng Table.

"Bahala sila, Gusto nila akong isama. Edi maghintay sila. Haha!" Sabi ko at nilagay na yung Bowl ko sa Wash Area.

"Haha! Kayo talagang Tatlo kayo, di niyo kayang hindi nag-aasaran." Sabi ni Yaya. Nag-smile lang ako at tumaas na.

Binuksan ko na yung Shower Room ko sa CR at pumasok. Ayoko muna mag-Bath Tub, Katamad. Magpapa-VIP ako, bahala sila magalit. Ayaw nilang lumabas mag-isa eh..

Ako nga pala ang Reyna ng Kagandahan, De Joke. Ako lang naman si Reyna Xandra Lee. Joke lang talaga, Xandra Lee lang Pangalan ko. Wala akong lahing Unggoy or Anything. Wala rin akong Nationality na iba kundi Filipino. Sadyang maganda lang ako kaya nagmumukha akong Foreigner.

4th Year Highschool na ako. Well, Magfo-forth year pala. Dahil bukas ang Totoong 4th Year Life.

Sikat ang Company nila Dad sa buong Asia at pasok sila Sa Top 5 Biggest Company in Asia. Dahil ang Company namin ay hindi Nangungurakot, Hindi rin sila kasama sa Pork Barrel Scam o Napolist. Sadyang Magaling lang magtrabaho ang mga Magulang ko.

Yung Dalawang Lalaki, Mga Kapatid ko yun. Si Ipis, Alex Lee. Pero ang tawag namin sakanya Kuya Lex. Siya ang pinakamatanda sa aming Tatlo. Mas matanda siya sa amin ng 2 years. Kaya 2nd Year College na siya. Wala pang Girlfriend yan, Torpe kasi.

Binibigyan ko ng Advice, di naman niya ginagawa. Tss. Takot ma-reject or basted. Mayroon siyang babaeng gustong ligawan. Si Ate Maddie, Matalino siya at maganda. Pero syempre, Mas maganda ako.

Yung si Langaw naman, Si Xander Lee. Actually hindi ko lang siya kapatid kundi Twin Brother ko. Yeah, Twin. Isa pang ulit? So kagaya ko characteristics niyan. Except sa Maganda, Kung Maganda ako, Gwapo siya. Oha?

Ako nga lang babae sa buong Magpi-pinsan eh. Madaya nga eh. Puro Lalake pinsan ko. T.T

Pagkatapos kong Maligo ayun. Nagbihis malamang. Anong gusto mo? Lumabas ako ng nakahubad? Well, Baka mamangha sila sa kasexyhan ko kaya wag na.

Pagkatapos ng mga Pagpapaganda ko kahit maganda na ako. Bumaba na ako, Nakita ko sila Ready na. Naka-shades na nga eh..

"Antagal mo naman!" Sigaw ni Ipis. "Pa-VIP masyado eh.." Reklamo ni Langaw.

Binigyan ko nalang sila ng Tatahimik-kayo-or-hindi-na-ako-sasama Look. Agad naman silang tumahimik, "Good"

Lumabas na kaming Tatlo at Sumakay sa Kotse ni Ipis.

-----

Remind ko lang ah.. Hindi po ito isang Fanfiction, Isa lang po itong Fiction Book. Pero baka sa Panahon maka-decide ako kung sino ang Pwedeng Ma-imagine na taong mga gaganap dito sa Storyang ito.

Thank you!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 13, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Mr. Feeling Close [ON-HOLD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon