"TAYO"

94 2 1
                                    


Isa dalawa tatlo
Pag di ka nakausap kulang ang araw ko
Apat Lima anim
Nararamdaman KO sayo'y lalong lumalalim

Alam Mo Bang para kang musika
Kasi sakin Ay nagbibigay ka ng ligaya

Hindi KO alam bakit nararamdaman ko ito
Siguro dahil napapamahal na ako sayo
Tulad nga ng sinabi KO
Hindi ako mawawala sa tabi Mo
Sana paniwalaan Mo kasi pagdating sayo seryoso ako

Kapag ikay kausap KO na, ngiti ko'y abot hanggang tenga
Ipagtatanggol kita,
Sa mundong mapanakit, ililigtas kita

Ipagbawal man ng mundo ang nararamdaman ko
Kakalabanin ko ang lahat para lang sayo
At kahit baliktarin man ng paulit- ulit ang mundo
Bahala na sila pero ikaw parin ang gusto ko

Sa dinami dami ng Tao sa mundo
Bakit sayo pa ako nakaramdam ng ganito
Hindi KO ninais na mahalin ka
Pero isang araw paggising KO Gusto na kita.

Sa tuwina nakikita kita
Damdamin ko'y di maipinta
Lumabo na lahat kahit mga Mata ko
Wag Lang lumabo yung tayo.

Salamat sa mga araw na kahit hindi pa tayo
Naging kampante ako sa piling mo
At nong Una nating pagkikita
Hindi KO akalain na magiging ganito ka kahalaga.

Nagseselos ako sa mga taong malapit sayo
Hindi dahil madamot ako pero dahil natatakot ako Baka kasi sumaya ka sa iba
At makalimutan Mo LNG paano kita napasaya

Ikaw yung lalaking pinagkatiwalaan ko
Dahil ikaw yung lalaking alam Kong hindi sasayangin ang tiwala ko
At ikaw yung lalaking nagpapasaya sa araw ko
Sa mga panahong nalulungkot at natatakot ako

Hindi man tayo magkasama
Hindi yun dahilan para ipagpalit ka
Wag mong kalimutan na sa bawat araw na wala ka
Wala akong ibang iniisip kundi makasama ka

Hindi man ako mayaman
Para bilhin ang kahapon
Pero handa kong utangin ang ngayon
Makasama lng kita buong maghapon

Maaring hindi ikaw ang unang minahal ko
Pero gusto ko
Na ikaw na ang huling hahawak ng puso ko
Dahil sa mga oras nato
Wala ng hihigit pa sayo.

-ArlkieyBlack

MY SPOKEN POETRYWhere stories live. Discover now