IPINAGPALIT AKO SA BESTFRIEND KO

33 0 0
                                    

May mga bagay talaga na nasa harapan mo na pero di mo pa napapansin,
Oo,  harap-harapan na nila akong niloloko,  pero di ko talaga lubos maisip mangyayari ito.

Ipinagpalit ako sa bestfriend ko,
Ang sakit no?  Na ang dalawang taong mahal mo ay harap-harapan ka pa lang niloloko.

Paano nga ba nagsimula ito?
Sige uumpisan ko kung paano kita nakilala.

Sa totoo lang matagal na kitang kilala,
Ay mali, matagal kana naming kilala ng bestfriend ko,
Alam niya ang lahat tungkol sayo,
Kasi nga magkaklase kayo.

Ay 'yun ang naging dahilan para magkatagpo tayo,
'Di inaasahan na ako'y iyong lapitan at tinanong ang aking pangalan,
At doon na nag-umpisa ang maganda nating pagtitinginan.

Ika'y nanligaw ng ilang buwan,
At ang matamis kong "oo" ang iyong nakamtan,
Saksi si bestfriend sa ating pagmamahalan.

Pero bakit pagnakaraan ng ilang buwan,  ay meron akong kakaibang naramdaman,
Sa tuwing lalabas tayo, bakit palagi mo sinasabi na isama si bestfriend ko?
Diba dapat may oras din tayo na tayong dalawa lang?
'Yung lahat ng oras mo ay sa akin lang.

Pero iyon ay aking pinagkawalang bahala,
Kasi nga ako'y sa iyo ay may tiwala.
Hanggang sa dumating ang panahon na kayo na lang dalawa ang lumalabas na magkasama.
Sabi niyo group project kaya kayo magkasama,
May group project ba na sa sinehan ang punta?

Paano ko nalaman?
Kasi nakita ng dalawa kong mata na sabay kayong pumasok sa sinehan.

Kinonpronta ko kayong dalawa,
At 'yun nga,  umamin nga kayong dalawa ay nagkakaunawaan na.
Ang sakit sakit mahal,  sa dinami dami ng taong pwede mong ipagpalit sa akin, bakit ang bestfriend ko pa?
Bakit si Carlo pa?

Hindi ko lubos ma-isip na papatulan mo ang bestfriend ko, ang bestfriend kong bakla,
Kasi iba ang kilos mo,  lalaking-lalaki,
'Yun pala ay lalaki din ang hanap mo.

Mahal bakit mo ginawa sa akin to?
Bakit ginawa niyo sa akin to?
Ginamit mo lang pala ako para mapalapit kay Carlo.

Habang nakahawak pala ako sa kamay mo, ay hawak mo din ang kamay niya.
Ang tanga ko, ang tanga-tanga ko, kasi di ko nahalata.

Ginamit mo lang pala ako para matakpan ang kabaklan mo.
Nakakatawa no?
Na ang boyfriend ko ay kalahi pala ng bestfriend ko.

Masakit man ang ginawa niyo, wala akong magagawa kundi tanggapin ito.
Sa ngayon masaya ako dahil ang dalawang taong mahal ko ay nagpakatotoo.

Gusto kong ipaglaban ka,
Gusto kong makita ka na mas karapat-dapat ako kaysa kanya,
Kaso baka pagnagpa-sexy at nagpaganda ako,
Imbes na balikan mo ako, ay kainggitan mo pa ako sabay sabing "sana nagkasuso din ako"

Wala na akong ipaglalaban pa kasi,  sa simula pa lang talo na,
Dahil ang kalaban ko ay bakla na.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 27, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

MY SPOKEN POETRYWhere stories live. Discover now