Prologue

16 3 0
                                    

"Will you be my girlfriend, Venice?" sabi ni Levi habang may hawak na bulaklak.

"Yes!" sabi ko habang nakangiti.  Sinagot ko lang naman ang lalaking akala ko na hindi ako lolokohin.

Akala ko lang pala ang lahat.

"Levi, sino yung kasama mo sa library nung friday? Hinihintay kita sa room kasi sabi mo susunduin mo ko."

"Wala yon! Nag-text naman ako sayo na hindi na kita masusundo ah?!" sabi niya ng pasigaw.

"Oo, nag-text ka pero sobrang late na! 3 hours ako naghintay kasi free time namin ng 2 subjects"

"Eh bakit ka pumunta ng library?! Diba sinabihan naman kita na dumeretso ka na ng uwi?!"

Sa sobrang galit at pagkapahiya ko noon, Nagwalk out ako.

(1 month later)

"Ven, diba sinabihan na kita na makipagbreak ka sa kanya? kami! sinabihan ka na namin. Kailan mo balak makinig?"
sabi ni Chael.

Tumango naman ang iba naming kaibigan habang nagsasalita si Chael.

"Isa pang punta mo dito sa bahay namin na namumugto ang mata, lilipat ulit ako sa CHS" sabi ni Chael.

(At School)

Eto nanaman ako. Pumasok habang namamaga ang mata. Hinanap agad ng namamaga kong mata ang mga kaibigan ko at nakita kong nandun sila sa
mga upuan sa may hallway. Tumakbo sila at biglang tinakpan ang mga mata ko.

"Hoy bakit? Ano meron?!"

"Bakit ka pumasok Ven? Diba namamaga mga mata mo? sabi ni Ivory na para may tinitignan at kinakabahan.

Naririnig ko ang mga tao sa paligid ko na nagsasabing,

"Diba yun ung boyfriend ng 4th year?"

"Yun yung boyfriend nung bunso ng mga Aquino diba? Grabe patay siya!"

"Si yung Venice Maree ba yun?"

"Oo, sigurado ako pag nalaman ng ibang kapatid ni Venice yun patay si Levi!"

Levi.......Levi?

"Tanggalin niyo nga tong kamay niyo!" sigaw ko ng malakas, at wala na akong narinig na bulungan na.

Tumingin ako ng deretso sa kanila, Oo, si Levi Rafael Ramos lang naman at ang junior ko sa swimming club. Ang kapatid ni Kevin Arellano, na kaibigan ni Levi. Si Kanna Arellano.

Naglakad ako at tumigil lahat ng chismisan, bulungan na naririnig ko kanina. Tumigil ako sa harap nilang dalawa.

at ngumiti.

Tinanggal ko ang couple bracelet na binigay ni Levi sakin at nilagay sa wrist ng babaeng pinalit niya sakin at nagulat ang mga tao sa sunod kong ginawa. Sinampal at tinulak ko siya ng sobrang lakas. Binigyan ko silang dalawa ng tingin at sinabing,

"Do i even need to say the clichè words? Sure, let's break up Levi. Thank you for the 5 months. But you know what? You two suit together. Isang basurang lalaki, na pinulot ng isang basurera. Arellano? Ramos?" sabi ko habang natatawa.

"You might have forgotten that i am an Aquino. I can push you off this land that you're stepping on right now. Pero wag kayong mag-alala. Hindi ako katulad ng iba kong kapatid na dedemonyohin kayo." yan ang huli kong sinabi nung araw na yun. The day before our graduation in 4th year highschool.

The OpportunistWhere stories live. Discover now