Scene 000

1.1K 42 30
                                    

"I never signed up for your drama

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

"I never signed up for your drama."

WONWOO SHOOK HIS HEAD. First rehearsal ngayon ng drama club para sa magaganap na musical play by the end of the year, and being the club's president and director, he's in charge of making sure that everything is in order. But right now, it's far from that. Unang-una, walang nakakuha ng atensyon niya sa mga nag-audition para sa female lead kaya naman hindi niya malaman ang gagawin.

As cliché as it may seem, High School Musical 3 ang gagawin ng drama club ngayon dahil ito ang gusto ng karamihan. Wonwoo was actually looking forward to direct something paranormal or thriller this year pero syempre, kailangan niya rin isaalang-alang ang gusto ng audience. Magiging collaborative event ito kasama ang music club kaya naman nakaupo sa tabi niya ang presidente ng music club na si Jihoon at mukhang kalmado lang.

Wonwoo, on the other hand, is like a ticking time bomb. Kanina pa ito iritado.

Ang mga kaibigan nila na nakaupo hindi kalayuan ay nagpipigil ng tawa sa pangunguna ni Soonyoung at Jeonghan. Masyadong seryoso kasi ang atmosphere sa loob ng auditorium and it cracks them up for some reason. Si Joshua na taga-saway nila ay natatawa na rin. Si Junhui ay nagmamasid lang sa club members samantalang si Seungcheol ay tulog na sa upuan niya. Club period naman at dahil walang ibang mapuntahang matino ang apat ay naisipan na lang nilang tumambay rin dito para makigulo.

"I don't feel anything. Ulitin mo," sabi ni Wonwoo bago ibinalik ang tingin sa stage kung saan nakatayo si Ahri, isa sa mga club members niya.

Napatingin si Jihoon kay Wonwoo at may sasabihin sana pero hindi na tinuloy. He thinks Ahri's acting is pretty great, pero hindi na lang siya nagsalita dahil sobrang seryoso nga ni Wonwoo ngayon. Sanay na silang magkakaibigan na ganito talaga lagi si Wonwoo pero iba talaga kapag drama club ang usapan. Wonwoo tends to take his role as the club's president and director seriously.

Si Ahri naman ay napabuntong hininga nang marinig na naman ang mga salitang 'yon. She's been acting the same line for about 20 minutes now. Ilang beses na rin niyang sinubukang iba-ibahin ang kaniyang acting style in attempt to please Wonwoo pero wala pa rin.

Ang mga kaibigan niyang si Somi at Nayeon na nakapwesto sa ibaba ng stage ay todo cheer pa rin sa kaniya kaya bahagya siyang napangiti. Tinignan ulit ni Ahri ang hawak niyang script kung saan may nakasulat na Gabriela Montez sa may itaas. She sighed in defeat before attempting to say her lines again.

Although hindi satisfied si Wonwoo na mapunta kay Ahri ang lead female role, out of all the girls who auditioned ay siya lang ang pinaka matino. So he settled for her. Pero ngayong nasa rehearsal na sila ay parang pinagsisisihan na niya ang desisyon na 'yon. He's not entirely sure what he's looking for though. Ang alam lang niya, hindi niya makita kay Ahri kung ano man ang hinahanap niya.

DRAMA CLUB / wonwooWhere stories live. Discover now