C-1

2 0 0
                                    

[Chapter 1]

" Losing him was blue like I'd never known. Missing him was dark grey all alone. Forgetting him was like trying to know somebody you never met. "

Aliw na aliw akong kumakanta habang umiindak pa dahil sa kanta ni Taylor Swift. Ang ini-idolo ko. Para sa akin may sense talaga lahat ng kanta ni Taylor Swift. Feeling ko tuloy ang lungkot-lungkot nong taong sumulat sa lyrics ng kantang yan. Ewan ko ba. Di ko maiwasang isipin na...

" Hoy Bellen! Namumuti ng mata ni Mrs. Immaculata sayo! " impit na sigaw ni Elenita sakin.  At oo nga.  Malapit ng lumabas yong mata ni Mrs. Immaculata. Oh well. Sanay naman na ako dyan. Ang boring niya kasing guro and guess what? Isa siyang matandang dalaga. Pero mahahalatang may kagandahan ito nong kabataan.

Iniwas naman agad ni Mrs. Immaculata yong tingin niya sakin at tinutok uli yong atensyon niya sa mga antique na bagay dito sa museo na sikat sa aming lugar. Hindi ko maintindihan kung bakit pa namin dapat pag-aralan yong mga bagay na ilang taon o dekada ng nandito sa mundo like hello? Okay na sana kung Math to dahil matatanggap ko pa kahit hindi ako magaling dun pero kung katulad nito?  Nako wag na. Nagsasayang lang tayo ng oras.

" Ano ba Elenita? Diba sabi ko 'Belle' nalang itawag mo sakin? Ang panget at ang bantot-bantot pakinggan ng 'Bellen'. " asik ko kay Elenita.  Ewan ko ba sa magulang ko. Sa dami ng pwedeng gawing pangalan sa mundo 'Bellen pa talaga yong napili. Pwede naman silang magsearch sa internet dahil uso na naman yong internet sa panahon nila. Nagmukha tuloy akong matanda pag tinatawag akong Bellen. Arggh! 

" Ako rin naman ah!  Tinatawag mo rin akong 'Elenita' kahit sinabihan na kitang 'Elen' nalang itawag mo sakin. Quits lang tayo no! " sagot niya pa. Siguro destiny na yong nagkatagpo kaming dalawa na ang panget at ang bantot-bantot ng pangalan. Pero magaganda. Haha! 

Umakyat na kami sa ikalawang palapag ng museo at tumambad sa amin ang picture ng isang pamilya. Masayang pamilya. Pagpasok mo pa lang ay agaw pansin na talaga dahil nakasabit ito sa tapat ng pinto. Pero ang nakakaiba ay kadalasan picture lang nila ang nandito sa ikalawang palapag hindi katulad dun sa baba na sari-sari ang makikita mong antique na bagay.

" Sila ang pamilyang Gregory. Si Ferdinand Gregory ay kilala sa pagiging magaling na doktor dito sa Pilipinas at sa iba pang bansa tulad nalang ng USA, England, Canada, at lalo na sa bansang Malaysia. Dahil sa pagiging positibo sa buhay ay nakamit niya ang kanyang pangarap." saad ni Mrs. Immaculata dun sa lalaking naka-upo sa kaliwang upuan na kung saan nasa tabi niya ang isang magandang babae na nakasuot ng bonggang gown at batang-bata ito sa kanyang suot at hula ko ay ang siya ang asawa ni Ferdinand Gregory. 

" Sa tabi naman niya ay ang kanyang asawa na si Leonora Gregory. Isa siyang model noong kabataan niya.  Dahil sa isang pangyayare ay nagkatagpo sila ni Ferdinand sa isang bar kung saan ibinuhos ni Leonora ang kanyang hinanakit dahil nakipag-break sa kanya ang kaniyang nobyo at sa kabilang banda naman ay nandoon din si Ferdinand Gregory dahil nagcecelebrate ng kanyang tagumpay sa pagiging doktor. Naglasing si Leonora at saktong napadaan si Ferdinand sa harapan niya at dahil sa kalasingan ay napagkamalan itong ex-boyfriend niya kaya dahil dun ay nagka-kilala sila, nagkamabutihat napalapit sa isa't-isa at nagpakasal at nabiya-yaan ng dalawang mapagmahal na anak." pagku-kwento ni Mrs. Immaculata. Napahinto naman siya saglit dahil uminom siya ng tubig kaya naman may nagtanong sa kanya na isa sa mga kaklase ko. I bet its Abby. Halatang interesado ito sa love story nila Ferdinand at Leonora.  Kung napapansin niyo mas modern yong pangalan niya kesa sa akin. Hayys.. Ako na insecure.

" Anong taon ba yan nangyare Mrs. Immaculata? " tanong nito sabay sulat sa dala-dala niyang notebook.  Modern na nga pangalan. Masipag pa sa pag-aaral. Eh ako?  Ako na insecure.

" Nangyare ito noong Setyembre taong 2017." sagot niya at napapikit pa ito na parang preskong-presko parin ito sa kanya.  Hindi naman na ako magugulat kung mahigit isang century na ang lumipas. Anong taon naba kasi ngayon? 2090?! Kahit hindi natin napapansin, ang bilis-bilis na ng panahon ngayon.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Nov 19, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Until We Meet, AgainWhere stories live. Discover now