chapter 8

839 17 0
                                    

Kurt's POV

Iniwan ako ni sab kasama si ivy ng makabalik kami sa table

"Hello,like what I've said,I'm Ivy jade attienza,Ivan's twin sister" pagpapakilala niya at inlahad muli ang kanyang kamay 

Napatingin ako kay sab na nasa kabilang side ng table pero tinanguan niya lang ako

Tinanggap ko ang kamay niya at nag shake hands kami, pero Mukhang ayaw bitawan ng babaeng to ang kamay ko kaya nagsimula na akong mainis

Sunod ay kinuha naman nung Ivy ang pagkain sinandok ko kanina

"Is this yours?" tanong niya tapos bigla siyang sumubo kahit hindi pa ako sumasagot

Pagkatapos niyang sumubo ako naman ang pilit niyang sinusubuan

"Yuck!may laway mo na Yang spoon tapos isusubo mo sakin" iritang sagot ko tapos napatingin ako kay Sab na nakatingin saamin,halata sakanyang nag seselos na siya

Ito ba talaga ang gusto mo? ...sige,I'll go with the flow

Sab's POV

Ang gulo mang isipin na ikaw mismo yung nag pupush sa fiance mo na I- entertain yung ibang babae tapos mag seselos ka habang pinapanuod sila

Nagulat nalang ako nang biglang tanggapin ni Kurt yung pagkaing kanina pa sinusubo ni Ivy at mukhang nag eenjoy na siya kasama ni Ivy.

I felt a sudden stung on my heart dahil nagsisimula na silang maging sweet sa isa't isa
kaya pinuntahan ko nalang si Ivan sa balcony ng restaurant

Kitang kita kami nila kurt dito kaya nakaisip ako ng idea

"Ivan,gusto mo ng soft drinks?kukuha ako " tanong ko tapos nag order ng drinks sa front desk

"Kung nakakamatay lang ang titig kanina pa ako duguan dito,tignan mo naman yung fiancé mo,halos patayin na ako" biglang sabi ni Ivan na ikinagulat ko

"Alam mo na fiance ko siya?" Takang tanong ko

"I read it from one of the magazines" sagot niya tapos uminom siya ng softdrink na kinuha ko

" You want him to be jealous? ...why don't you let me help you" sabi niya Kaya nagulat ako at hindi nakapag react agad ng  lumapit siya saakin at inakbayan ako

Since nakatalikod ako sakanila Kurt hindi ko na alam Kung anong itsura ng mukha ng fiance ko ngayon dahil sa ginawa ni Ivan

"Ahh..Ivan si kurt,magagalit Yun... Hindi ko gustong pag selosin siya...lumayo ka na baka mapano ka" sabi ko at inalis ang pagkakaakbay niya

Hindi parin tumigil si Ivan dahil nagulat nalang ako ng bigla niyang inilapit Yung mukha niya saakin at sa isang iglap, nakabulagta na si Ivan sa sahig dahil sa Malakas na suntok mula kay Kurt

"Kurt! Ivan, are you OK!?" Nag aalalang tanong ko

"Don't worry,I expected that"sagot niya at ngumiti

"OMG! Babe,whats the problem? Bakit mo sinuntok ang kakambal ko? "biglang tanong ni Ivy

"Your the problem!Alam mo bang kanina pa ako naiinis sayo! Tsaka hindi babe ang pangalan ko...At itong babaeng to,siya ang fiancé ko!"  sigaw ni kurt kaya napayuko nalang ako, tinulungan naman ni ivy ang kakambal niya ng hinila ako ni Kurt palayo

"Sorry ivy and Ivan" paumanhin ko ,napatango nalang si Ivy at ngumiti naman si Ivan

Hinila ako ni kurt pabalik sa hotel at agad kaming sumakay sa elevator, nagulat nalang ako ng  isinandal niya ako sa pader ng magsara ang pinto ng elevator

"Did he kiss you!?"  tanong niya.

"Kurt --" pinutol na niya agad ang sasabihin ko

"Never mind" sagot niya at hindi na siya nagsalita, muli namang nagbukas ang elevator kaya nagulat ako ng hilahin niya nanaman ako papunta sa beach,halos madapa na ako sa bilis niyang maglakad At ang higpit pa ng pagkakahawak niya sakin

"Kurt!San ba tayo pupunta,nasasaktan na ko, hahambalusin na kita jan!" Sigaw ko pero hindi parin siya nakikinig

Nang makarating kami sa parte ng beach na kaunti lang ang tao,binilisan niya pa rin ang paglalakad pero binitawan niya na ang braso ko, tatakbo na sana ako para habulin siya ng bigla nalang niyang halikan ang babaeng nakasalubong namin

Ang sakit...sobrang sakit, bakit ka ganyan Kurt? Bulong ko sa sarili ko

"Now,siguro naman alam mo na yung feeling na ginagago!?" Galit na sigaw niya sakin at iniwan nalang akong nakatulala at gulat na gulat

"siraulo ka talaga Kurt, siraulo, Baliw! Humanda ka sakin!" inis na sigaw ko

Hindi ko nalang siya sinundan dahil pagod na din ang paa ko, ang sakit ng braso ko, at higit sa lahat... Ang sakit ng puso ko

-----******
A/N: this is an edited chapter,
Vote if you liked this part of the story
Thank you!!

Parted Ways : To Love a Gangster Book 2 (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon