Chapter 10

182 3 2
                                    

"Iha okay ka lang ba?"tanong ng isang may edad na lalake sa walang malay na si tiff.


"Hayy naku ang mga kabataan talaga"yan nalang ang nasabi niya at agad niyang ipinakarga ang

dilag sa mga tauhan niya.

"Ano pong gagawin dito sir?Paano na po ang paghahanap natin"tanong ng isang tauhan niya pero napakamot nalang ang matanda at lumilinga sa paligid madilim na ang paligid tanda na nagabihan na sila sa isang taong matagal na nilang hinahanap.

"Ipagpaliban muna natin ang paghahanap dalhin niyo yan sa sasakyan at ihahatid natin siya sa malapit na hospital"sagot niya

"Sanay maayos ka lang diyan"yan nalang ang nasabi niya bago pumasok sa sasakyan nila na dala-dala pa rin ang pighati at bigat ng damdamin para sa nawawalang anak.


Tiff's Pov.

Dahan-dahang lumakad ang dalawang naka bihis na babae patungo sa entablado.


"Ma,where is my boyfriend"tanong ng bata sa kanyang ina.Napangiti ang babae sa tanong ng kanyang anak dahil sa murang edad pa lamang ay may iniibig na ito.


"Nandiyan lang siguro sila ng pamilya niya"

"Ok."masiglang sabi ng bata.

"Ladies and Gentlemen may i have your attention today is the most important day and special day of my precious loving child may i introduce the Mafia heir your next Queen Krystal Velasquez!!"nagpalakpakan ang lahat ng tao na animoy hangang hanga sa sinabi ng lalake.Pagkatapos nooy nagsimula na ang handaan at ang piging kaso sa hindi lubos na inaasahan may inihandang pasabog pala ang mga taong may malaking galit sa pamilyang Wilson.Na ang magdadala ng malaking bangungot at trahedya.


Bigla nalang sumabog ang paligid at nag sitakbuhan at nagsisigawan ang lahat ng tao.

'Ano ba ang connection ko sa mga taong ito bakit pa palagi nalang itong panaginip na to ang gumugulo sa isip ko.' tanong ko sa sarili

But wait bakit nandito sa panaginip ko sila mama at papa?pero bakit nakikita ko ang sama ng tingin ni papa sa lalake na kaninay nagsalita.Nakita ko kung paano gumuhit ng mala demonyong ngiti sa mukha ni papa ng makita niya ang batang kasama ang isang batang lalake bigla nalang hinila ni papa ang batang babae at isinilid sa sasakyan kulay itim.Narinig ko ang sigaw ng lalakeng siguroy ama ng bata na ngayoy galit-na galit.


Bigla nalang sumakit ng sumakit ang ulo ko.

Nagising ako sa panaginip na yon at bakit basang -basa ang mukha ko asan ako?bakit kulay puti ang paligid .Patay na ba ako?Ipinikit ko ang mata ko pilit na inalala ang nangyari sakin kanina kaso ibat-ibang imahe ng mga mukha ang lumabas sa isip ko

"ARAAAAAYYYY!!"napapadaing na ako sa sakit.I felt numb.

Ngunit imbis na maalala ang nangyari kanina

NGAYON. alam ko na kung sino ako at bakit nagkaganito ako.I remember everything including all those things na ginawa sa akin ng fake parents ko.

"Maam gising na pala kayo humiga muna kayo"sabi ng isang nurse

"Ahmm..Miss paano ako nakarating dito?"

"Ah.hinatid po kayo ng isang hindi gaanong matanda na lalake ayyyy..akala ko po tatay mo po yon"

His Bed WarmerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon