Chapter 47 : I'm Sorry

2.9K 106 3
                                    

I dedicate this Chapter sa number 1 fan ko na si Alijah Fuertez (sister) although wala siyang Wattpad accnt :) Nakikita ko sa kanya yung sarili ko na balang araw ay magiging Author din sa Wattpad dahil katulad ko mahilig din siyang gumawa ng mga stories

;) Godbless Sis ! ;)

ZACKREY'S POV

Kalabas ng school hindi muna ko umuwi sinundan ko pa si Xandra gustong-gusto ko kasi siyang makita kahit matanaw man lang siya ayos na ko.

Hinatid siya ng sundo niya hanggang sa kanila tapos laking gulat ko ng sinalubong siya ni Jairus madalas ba si Jairus kela Xandra?

Sa totoo lang naiinis ako lalo na't mukhang masayangmasaya sila͵͵ Si Jairus ba yung naging karamay ni Xandra ngayon? Pinipigilan ko lang yung sarili ko dahil sa tingin ko ito yung dapat kahit masakit.

Hanggang sa pumasok na sila sa loob at napagdesisyunan ko na ring umalis naisipan kong dumiretso na lang sa Mall ewan ko ba mas gusto kong nililibang yung sarili ko ngayon kesa magmukmok sa bahay.

Karating sa Mall panay ang tingin nila sa akin wala akong mood para mamansin ngayon kaya pasensya na muna.. Namasyal lang ako doon hanggang sa magsara yung mall tapos umuwi na rin ako.

Papasok na sana ako ng kwarto ko ng bigla akong tinawag ni El.

"Zackrey"

Tinignan ko lang siya

"Gabi na ah saan ka na naman galing? Hindi ka sumabay magdinner sa amin ng anak mo"

"Namasyal lang"

Halata namang nagiba yung facial expression niya..

"Zackrey pwede ba umayos ka na?! Alam ko galit ka pa rin sa akin simula ng pumunta dito si Xandra pero ilang araw na ang lumipas wala pa ring nagbabago" sigaw niya

Sinamaan ko siya ng tingin..

"Kasalanan mo to El! Dahil sa iyo wala na kami ni Xandra ngayon"

"Dahil lang ba sa akin? Oh don't blame me Zackrey kasalanan ko bang bisitahin ka niya? Ikaw ang may kasalanan nadamay lang ako"

Nagtatalo na naman kami nagsisisihan kung sino talaga ang may kasalanan doon sa nangyari hay Life! Bakit kailangan mo pa kong pahirapan ng ganito?

"Walang patutunguhan ang usapan na to matutulog nako"

I was about to leave ng bigla niya akong yakapin..

"Hindi ko naman ginusto yung nangyari Zackrey what I want is only you and Joshua hindi ko intensyon na saktan si Xandra"

Napabuntong hininga ako..

"Tama na El pagod na ko magpahinga ka na rin" sabi ko at iniwan siya

Isang malungkot na gabi na naman kung saan patuloy na naaalala ko yung nangyari at yung mga masasayang panahon na magkasama kami ni Xandra. Kailangan ko ng maayos lahat ng to kailangan kong makausap si Xandra bukas na bukas I hope all things will get clear.

The Next Morning..

Sinubukan kong tawagan si Jairus dahil alam ko siya lang ang makakatulong sa akin sa ngayon siguradong laging magkasama sila ni Xandra.

"Hello"

(Kuya napatawag ka?)

"Magkasama ba kayo ni Xandra ngayon?"

(Ah mamaya magkikita kami bakit?)

"Dalin mo siya sa Coffeeshop natin"

(Maguusap kayo?)

The Unexpected Marriage [NLex Version]Where stories live. Discover now