Page 3

517 34 5
                                    

“Ipagpasa Diyos na lang natin ang lahat, wala na tayong magagawa pa sa isang pag-kawala na hindi maipaliwanag ang tunay na dahilan.”

Halos lahat ng barkada nila nakalimutan na ang masalimuot na pang-yayaring iyon, tanging si Anna lang ang hindi pa talaga matanggap ang nang-yari.

Sakay ng jeep si Miguel nang tumunog ang kanyang cellphone.

1 Message Received.

Binuksan niya ang mensahe na galing sa isang unknown sender.

            “Ang tunay na kaibigan, hindi nang-iiwan. Lagi silang nadyan sa tuwing kailangan mo ang kanilang tulong. Laging umaagapay, masasandalan, at maaasahan. Isa ka bang tunay na kaibigan? Kung oo ang sagot mo ipasa mo ito sa isang matalik na kaibigan mo sa loob ng  cuarenta y ocho oras. Kung mabigo ka mamamatay ka pag-katapos ng tatlong araw.”

            “Tsk, Tsk, Tsk, chain message na naman. Bakit ba madaming taong naniniwala sa ganito.”

Hindi na pinansin ni Miguel ang mensahe na natanggap nya at nilagay na lang ang cellphone nya sa kanyang bag.

Pag-kababa nya ng jeep nakita nya si Alex na nag-lalaro ng billiards sa may kanyo malapit sa bahay nila.

            “Pare, laro naman tayo ngayon.” Aya ni Alex kay Miguel.

            “Sige pare, medyo matagal na din akong hindi nakapag-billiards eh."

Habang nag-lalaro sila tumunog na naman ang kanyang cellphone. Tinignan nya kung sino ang nag-padala ng mensahe.

            “Ito na naman?” Sabi ni Miguel.

            “Bakit pare ano ba yan?” Tanong ni Alex.

            “Mayroon kasing nag-padala sa akin ng chain message, galing sa unknown sender kapag hindi ko daw pinasa sa isang kaibigan sa loob ng dalawang araw, mamamatay daw ako sa ikatlong araw pagkatapos ng palugit. Kalokohan diba?”

            “Hahaha, hayaan mo pare makikipag kape na lang ako sa lamay mo after five days.”

            “Sira ka talaga Alex.”

Nagkatawanan na lang silang dalawa.

Pag-katapos mag-laro ng billiards umuwi na si Miguel sa kanilang bahay.

Kinagabihan nanaginip na naman si Anna, humihingi ng tulong sa kanya si Josh.

            “Wag po, wag nyo syang kunin. WAG!!!” Napasigaw na si Anna kaya nagising ang kanyang ina.

            “Anna anak, nananaginip ka na naman.”

Chain Message (Short Story)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang