Nakaupo lang ako sa may gilid ng kama ni Joshua habang tinitignan siyang malungkot at tahimik na lumalaro ng toy cars niya sa may sahig.
"Uhmm...joshua. Bakit ka malungkot?" Tanong ko dito.
Nagaalala naman itong tumingin sakin at humigit ng hininga. "I don't like him ate..." Malumanay na sabi nito.
"Well, Don't worry baby joshua. Ganyan din ang nasaisip ko. Hindi ko rin siya gusto. But don't worry little dude, magugustuhan rin natin siya. Hindi pa naman kasi natin gaanong kakilala ang tao kaya ganyan tayo sakaniya." Sabay ngiti ko at ginulo ang buhok nito.
Ngumiti naman ito. "Okay ate." Saad nito at nagpatuloy na sa pag lalaro ng mga laruan niya ng may ngiti sa labi.
Ganyan ang gusto ko eh...
Gusto kong palaging masaya ang aking maliit na kapatid. Ayaw ko siyang maging malungkot. Mahal ko ang aking maliit na kapatid. Hinding hindi ko siya iiwan. I promised dad that I would protect and stay by his side what ever happens.
Napahiga ako sa kama ng aking kapatid at napatingin sa kisame.
Hindi ko aakalain na magkakaasawa ulit ang aking ina pagkatapos ng lahat ng trahedyang nangyari.
Pero masaya ako...masaya ako dahil kay mama dahil dahil doon sa Eric na iyon, naging masaya ulit si mama.
Sana lang talaga hindi na masaktan ulit si mama. Masyado ng nasaktan si mama dahil kay papa.
Si papa kasi...he is already dead because of a car crash. Dahil sa trahedyang iyon, hindi napigilan ni mamang sisihin ang sarili niya and she was wishing that she hope she was the one who died.
One week si mamang hindi lumabas ng kwarto noon. Pero noong dumating sa buhay niya si Eric, naging makulay ulit ang mundo ni mama.
"Ate..." Tawag sakin ni Joshua na nakapout.
"Hmm?"
"Gutom na ako..." Sabay hawak nito sa tyan niya.
Napatingin ako sa wall clock at napagtantuang 7:26 P.M. na pala ng gabi at hindi pa kami kumakain.
"Tara na. Baka may inuluto satin si mama..." Sabay hawak ko sa kamay nito.
Lumabas kami ng kwarto niya at naglakad.
Nagtaka ako dahil madilim ang paligid at ni isang ilaw ay wala akong makita.
"Mama?" Tawag ko kay mama habang nag lalakad kami.
Walang kasagutan mula kay mama ang aming narinig ngunit, isang mababasagin na bagay ang nahulog mula sa ibaba.
Napayakap sakin ng wala sa oras ang aking kapatid habang ako ay kinakabahan.
I don't know...hindi ko alam kung bakit ako kinakabahan.
"A-Ate...natatakot ako..." Bulong sakin ni Joshua.
"Shh...pumunta ka muna ng kwarto mo. Titignan ko lang kung sino ang nasa baba..." Utos ko dito.
"Ayaw ko ate. Gusto ko sumama sayo..." Mangiyak ngiyak na sabi nito at mas hinigpitan ang pagkakayakap sakin.
"Okay. Basta wag kang lalayo ah..." Saad ko. Tumango naman ito.
Maingat kaming naglakad dito sa 2nd floor papuntang hagdan. Ang buwan lang ang nagdisilbing liwanag upang makakita kaming dalawa.
"M-Mama?" Nauutal kong sabi ng nakarating kami ng sala habang linilibot ang aking paningin.
Sa isang gilid ng sala ay nakakita akong isang imaheng lahat itim at nakatalikod ito mula saamin. Puro itim ang suot nito at mas matangkad ito kesa saakin.
Kinilbit ko si Joshua at itinuro ang imaheng nakatalikod mula sa gilid ng sala.
"Ha? Bakit ate?" Takang tanong ni Joshua.
"Nakikita m-mo...ba yon?" Tanong ko at muling itinuro ang imaheng itim.
"Ha? Nasaan ate? Hindi ko makita..."
Napalunok ako ng unti unti itong humarap sakin.
BINABASA MO ANG
The Ghosts
HorrorHighest Ranked Achieved: #80 in Horror If you are in a situation like hell, tell me...where would you go?