Chaotic Competition

2.5K 58 3
                                    

"Narito ang mga matatapang na kalahok mula sa apat na bahagi ng Barrio Escobar. Magpunta kaagad rito sa itaas ng entablado ang lahat ng mga manlalaro kapag nakita ninyo ang inyong pangalan," pahayag ni Kgg. Steven Estevan, ang Mayor ng aming bayan.

Ang lahat ay nakatuong mabuti sa malaking screen sa itaas kung saan makikita doon ang mga pangalan ng mga participants.

Quarter 1 Representatives
Mercury Zone - Joseilyn Salazar, 20
Venus Zone - Jerry Mariano, 23

Quarter 2 Representatives
Earth Zone - Joanna De Guzman, 18
Mars Zone - Marjomel Leonardo, 18

Quarter 3 Representatives
Jupiter Zone - Alliah Corine, 16
Saturn Zone - Kj Evangelista, 19

Quarter 4 Representatives
Uranus Zone - Elaiza Roque, 27
Neptune Zone - Glenn Dela Cruz, 23

Representatives from 2 Independent Districts
Pluto Avenue - Alyssa Galasi, 29
Sun Avenue - YuYu Mercado, 16

Pinaakyat na ang lahat ng mga manlalaro at isinuot na sa amin ang singsing na siyang palatandaan na kami'y kasali sa gaganaping treasure hunt. Kabilang ako sa mga kalahok dahil mula ako sa 'Independent District' Sun Avenue.

"Good luck to all participants," iyan ang huling salitang binitawan ni Mayor Steven bago kami lagyan ng itim na blindfold sa mata.

NANG maramdaman kong wala na'ng ingay at iba na ang temperatura ng paligid ay tinanggal ko na ang blindfold sa aking mga mata. Unti-unting luminaw ang paligid at nakita kong paalis na ang maraming helicopters na siyang sinakyan namin papunta rito. Mayamaya may lumabas na holographic video mula kay Mayor Steven.

"Ito ang location na napili ko para sa gagawin ninyong treasure hunting. Nandito kayo sa Mansana Mountain. Ang lugar kung saan naganap ang digmaan sa pagitan ng dalawang bansa - China at Japan. Dito nila naiwan ang kanilang importanteng gamit at kayamanan noong maganap ang labanan. Dito itinago ng mga Hapon ang kanilang mga yaman dahil sa takot na makuha ng taga-China ang mga iyon. Ngayon ang kauna-unahang pagkakataon na magkakaroon ng treasure hunt sa lugar na ito pero kinakailangan ninyo munang mahanap ang designated area kung saan naroon ang mga bagay na maaaring magamit ninyo sa paghahanap. Masuwerte ang mauuna dahil may surpresang naghihintay sa kanya roon. Mayro'n lamang kayong 24 na oras at magsisimula na 'yon... NGAYON!"

MATAPOS magpulasan ang aking mga kasama at magkanya-kanya ng direksiyon ay 'di ko na nakita pa ang sinuman sa kanila. Naging abala ako sa paghahanap doon sa location ng mga gagamitin namin. Nang matunton ko iyon ay nadatnan ko ang malaking tumpok ng mga sari-saring gamit. Medyo nagulo rin ang pagkakaayos niyon. Sa tingin ko'y may nauna na rito.

Ano naman kayang surpresa ang nakuha niya? At sino kaya ang swerteng participant na 'yon?

Kumuha ako ng isang backpack bag at binuksan iyon. Hindi ko naman na pala kailangan pang mag-abala sa pag-iimpake dahil may mga laman na rin iyon. Kumuha na lang ako ng extra batteries para sa flashlights at umalis na.

MAHIGIT limang oras na akong nagte-treasure hunting pero 'di pa rin nadadagdagan 'yong mga nakuha ko maliban sa tatlong gold coins na kasinlaki ng platito at isang matulis na tinidor na gawa sa tanso na nakuha ko sa hukay na ginawa ko kanina.

Nagpatuloy ako sa pagkalkal doon sa lupang kanina ko pa binubungkal at umaasang may makukuha mula roon.

Kung mayro'n lang sana akong 'treasure map', madali sana akong makakahanap. Hays.

Sa kasagsagan ng paghahanap ko sa mga tagong-yaman dito sa bundok ng Mansana ay isang nakakabinging tunog ang umalingawngaw sa buong paligid na parang microphone na itinatapat sa speaker. Sobrang tinis ng tunog at wala akong nagawa kundi takpan na lang ang tainga ko hanggang sa maglaho iyon.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 11, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Jump Scares For Wakers: Tales That Didn't Let Me SleepTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon