Sticky Notes

3.9K 94 7
                                    

Alyssa's POV

"Denden.... Dennise... Besh.. Ugh! Paano ko ba sisimulan? Mas maganda yung Den!" huminga ako ng malalim

Nandito ako sa kotse ko. Muntanga, kinakausap ang sarili. Eh, aamin na kasi ako ng feelings ko kay Denden eh. Ang bestfriend ko.

"Den, ayan mas maganda! Okay. Den, alam ko mali pero, I love you. Maha--" napatigil ako ng biglang nagring ang phone ko.

Si Denden pala tumatawag.

"Uy! Ano? Nandito na ako sa JSEC! Halika na! Dali gutom na ako!" sigaw ni Denden sa kabilang linya

"On my way na. Sige bye!" at binaba ko na

Pumunta na ako sa JSEC at dun nakita ang magandang Dennise Lazaro. Ang ganda niya parin kahit ang sama na ng tingin niya sakin. Nag-peace sign ako sakanya. Yung pinaka CUTE!

Agad agad naman akong umorder ng sandwich sa Queens at agad agad ding bumalik.

May chinecheck si Denden na mga papers ako naman kumakain pero pakuntikunti lang ang kagat ko sa sandwich ko habang tinitignan si Denden. Nag-iisip ako kung paano ako aamin sakanya.

Nilibot ko ang paningin ko sa table namin. Ayun! May sticky notes!

Kinuha ko yun at nag-sulat.

What if nahulog ako sayo? Will you catch me? 

After kong magsulat, tinignan ko muna. Pumikit ako at dinikit ko iyon sa may side niya.

Agad naman niyang nakita yun at binasa.

Ang bilis na ng tibok ng puso ko. Naku, lalabas na ata heart ko.

Nagulat siya sa nakita niya.

Ako naman kinakabahan pa rin. Kinuha niya yung sticky notes sa table at nag-sulat.

Den's POV

Chinecheck ko 'tong mga papers ko na ipapasa ko mamaya ng biglang may nagdikit ng sticky notes sa may side ko.

Galing kay Aly 'to.

What if nahulog ako sayo? Will you catch me?

Naku, anong ibig niyang sabihin? Na nahulog din ba siya sakin?

OMG! Is it real?! Is it real?! 

Alyssa Valdez, ang taong MAHAL NA MAHAL ko matagal na kaso di ko maamin, ay nahulog sakin?

Wait, kinikilig ako. Hihinga muna ako.

Kinuha ko yung sticky note at nag sulat

Sorry I can't catch you :(

>:D

Dinikit ko sa table na kaharap niya. Kinuha niya at nalungkot ang mukha. 

Ngumiti lang ako at nagsulat ulit.

Sorry I can't catch you. Nahulog na din kasi ako. 

Dinikit ko yun sa harap niya. Binasa niya at lumiwanag ang mukha niya.

"Ano tatayo na ba tayo? Oh titigan mo lang ako diyan?" ako sakanya 

Nakatitig lang kasi siya sakin eh.

"Haha. I love you, Den!"

"I love you too, Aly! Pero di pa tayo! Manligaw ka muna!"

"Hehe. You will be mine soon, Lazaro." 

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 30, 2014 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

AlyDen One Shots CollectionWhere stories live. Discover now