Chapter 1: A

43 6 0
                                    

Note: anything inside "[ ]" is what's written on their arms, hands etc

L E I G H ' S P O V

"Bunso! Bilisan mong magbihis at malelate ka na." Tawag ni Mama sa akin mula sa kusina. Sinunod ko yung sinabi niya kahit alam kong 30 minutes pa bago magsimula ang klase at 15 minutes drive lang mula sa bahay ang layo ng school.

Lumabas na ako ng kwarto at bumaba sa sala. Naabutan ko doon si Papa na umiinim ng kape habang nanonood ng balita. "Pa, baon ko?" Tanong ko kay Papa. Tinaasan niya ako ng kilay. "Walang bless muna?" Loko niya. Close kami ni Papa kaya hindi siya strict sa akin. Kay Kuya siya strict. Like really strict.

Pabirong tumingin ako sa relo na suot ko. "Late ka na naman ata, Pa ah?" Sabi ko. Lagi kasi siya late. Ewan ko ba kung bakit pero nasawa na si Mama kakasermon sa kanya kaya pinatatoo-an niya yung braso ni Papa ng [Kapag nalate ka na naman, sa sala ka matutulog.] Tuwing nakikita ko 'yon sa braso ni Papa natatawa na lang ako.

Soulmates sina Papa at Mama. Kaya naman kapag nasa trabaho si Papa, hindi na kailangan ni Mama na magtext para lang macontact si Papa. Bale isusulat na lang ni Papa or ni Mama yung kung anumang gusto nilang sabihin sa isa't-isa sa braso nila then doon na lang din sila magrereply.

But for me, the most amazing thing about this 'soulmate' concept is that people can have free and painless tatooes. Well, my mother did. Si Papa kasi ang nagbayad at nasaktan nung nagpatatoo siya at na "photocopy" lang sa braso ni Mama.

Biglang bumukas yung front door namin at pumasok si Louella, pinsan ko. " 'Ta! 'To! Nandito na po yung pinakamaganda niyong pamangkin!" Sigaw niya sabay mano kay Papa.

"Ella, ikaw lang ang pamangkin namin na babae. Bukod na lang kung bakla si Lewis?" Biro ni Papa sa kanya kaya napalo siya ng wala sa oras ni Lou. Close din sila niyan. Si Lewis yung bunsong kapatid ni Lou.

Bumaling sa akin si Lou, "Tara na nga, Leigh." Sabi niya sa akin.

Close si Mama sa kuya niya, si Tito Louis na tatay ng abnormal kong bestfriend, kaya naman iisa lang ang subdivision na tinitirhan nila kahit na may sari-sarili na silang pamilya. Nakagawian na namin ni Lou na sabay pumasok sa school ever since Grade 1.

"Kuya! Hatid mo na kami!" Sigaw ko para bumaba na si Kuya Scyros. Simula nung mag-18 at bilhan siya ng kotse nina Mama siya na ang naging personal driver namin ni Lou. Okay lang naman kay Kuya, mas gusto pa nga niya 'yon kasi protective siya sa amin ni Lou. Pati na rin kay Ate Jeanette, soulmate niya.

Bumaba na si Kuya dala-dala yung susi ng kotse niya. Nakapambahay pa siya since mamayang hapon pa yung first class niya. College na kasi 'yang si Kuya Scy at isa siyang dakilang tamad pagdating sa pag-aaral kaya naman panghapon ang mga pinili niyang classes.

"Pa, alis na po kami." Paalam ni Kuya kay Papa. At gaya nga ng sabi ko kanina, strict si Papa kay Kuya.

"Nacheck mo na ba kung okay yung preno? Yung gas ba puno pa? Yung side mirror ng kotse mo?"

TintedWhere stories live. Discover now