kabanata 3

1.3K 29 0
                                    


Para syang gripong tilay hindi nauubos ang luha sa kanyang mga mata

"Diana kaya mo yan nandito lang ako. "
Sabi ni daniel lumingon sya rito nakita ang pasa sa mukha ngayon nya lamang ito napansin

"saan mo nakuha yan "
May pagtataka sa kanyang tuno

"ah wala lang yan " nagiwas na ito nang tingin

Tinitigan nya ang lalaki ngunit nawala agad rito ang iniisip nya
Nang makarating sila sa baryo santol

"Diana! anjan na si Diana! "

"Mama wag nyo po muna syang gulohin ma hayaan natin syang magpahinga "

"pero iho dapat nyang malaman "

"ano pong dapat kong malaman? Asan po pala si mama tita?  "

"anak maupo ka muna at sasabihin ko sayo ang nangyare "

Nang makapasok sya tilay nabuhusan sya nang malamig na tubig nang makita nyang dalawang kabaong ang nasaloob nang bahay nila

"sinagot na ni mayor ang pampalibing kaya wala nang poproblemahin mula burol hanggang ilibing "

Hindi nya na naiintindihan ang matanda dahil halos mga alala nang magulang ang sumasagi sa isip nya

Mga panahong masasaya sila
Bakit sila tanong nya sa sarili

Bakit hindi na lang ako ako naman ang masamang tao bakit sila pa bakit mga magulang ko pa na walang ginawa kundi maging mabuting tao sunod sunod ang patak nang kanyang luha nang tumagal ay tila naging gripo nang sakit ang kanyang mga mata

Ito na ba ang sukli nang mga masasayang araw ko sa maling pamamaraan dyos ko bakit ganito bakit ngayon ko lang naisip na mali lahat nang ginawa ko tila walang kapaguran at hindi nauubosan ang kanyang mapupungay na mata ay lalo pang pumungay

"diana ineng nakikinig ka ba?  "

"ang sabi nang nanay mo ay kailangan mo nang matrikula kaya nang magkasakit ang iyong ama sya naman ang nagtrabaho nagtrabaho sya tagalinis nang kulongan nang baboy at sa gabi taga gawa nang uling kinausap ko na sya at sinabing magpahinga sya ngunit hindi sya nakikinig bagkus ay nung nagkaroon nang taga gawa nang bandera ay nagpresinta pa sya matinding pagttrabaho ang ginawa nang nanay mo naawa sa kanya ang ama mo kaya kahit may sakit ay nagtrabaho na din dya hindi kinaya nang katawan nang ama mo kaya nauna syang sumuko ang iyong ina naman ay inatake nang malamang namatay ang iyong ama "

Bawat katagang kanyang naririnig ay parang isang kutsilyo tumutusok sa kanyang dibdib ang palaisipan palang na habang sya ay nagpapakasaya sa maynila ang kanyang mga magulang ay hirap na hirap rito ay halos wala nang lumabas na tunog sa kanyang pag iyak dahan dahan syang lumuhod sa harap nang mga kabaong nang mga magulang

"inay itay patawarin nyo po ako hindi ko man lang nalaman na hirap na hirap kayo rito ang samasama ko ang samaaaa kooo sana ako na lang ang kinuha at hindi na kayo.  Sana ako na lang ang nahirapan hindi na kayo patawarin nyo po ako mahal na mahal ko kayo "

tuloy tuloy ang agos nang kanyang mga luha habang nakalumpasay sya

"Diana umakyat ka muna magpahinga " sumunod na sya sa binatang nakaalalay sa kanya paakyat

The Loss (COMPLETE)Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu