Chapter 3: Friends..

193 10 0
                                    

Chapter 3: Friends

"Good Morning! Aba mukhang stress ka ata ngayon aa!" Sabi ni Manong guard sakin pag pasok ko sa gate ng school.


"Morning manong." Matamlay na sagot ko naman.


Wala ako sa mood dahil wala pa akong tulog at bukod pa don, sobrang maga din ang mata ko dahil naman sa kakaiyak tapos pakiramdam ko mag kaka lagnat pa ako dahil naulanan ako kahapon.


Hanggang ngayon hindi pa din talaga napasok sa isip ko na may iba palang mahal si Brace. Ang sakit-sakit kasi parang pinapatay ako unti-unti, paulit-ulit. I know this may sound O.A but really, ganon ko siya kamahal.


Napahawak ako sa sikmura ko nung biglang tumunog yung tyan ko. Urgh! Hindi pa pala ako nakain simula kagabi gutom na din ako. 


I looked at my watch malapit ng mag 1:30 siguro naman aabot pa ako sa klase if dadaan muna ako sa cafeteria kaya naglakad na ako papunta dun.


I walked in saka pumila at bumile ng sandwich para madala ko sa room. After 10 years of waiting naka bili na din ako. I was about to go outside nung may nakita akong pamilyar na mga mukha.


It's Cloak the Introvert and Venice the Mang-aagaw. Dahan-dahan akong umupo sa isang table adjacent to them pero nilagay ko yung sandwich sa mukha ko para hindi nila ako makita. Shit! Ang talino ko talaga!


I looked at them, they were talking happily. Tss, kung makipag tawanan siya sa ibang lalaki parang walang boyfriend! Urgh! Ito namang si Introvert hindi ko alam na marunong palang ngumiti, ay mali he's not smiling he's laughing!


I can't believe it! Sobrang obvious naman na may gusto siya kay Venice hindi ko alam kung bakit hindi niya yun napansin sobrang manhid at shunga pala nung babaeng yun. 


Habang nag tatawanan sila biglang dumating si Brace saka tinakpan yung mata ni Venice nakita ko instantly yung pag-iiba sa expression ng mukha ni Cloak. From being happy to being hurt.


Tss, ayaw pa kasi pumayag maging partner ko ee, edi sana masaya na kami ngayon kasama ng mga taong mahal namin!


Maya-maya I saw Venice stand saka nag paalam kay Cloak at umalis habang ka-holding hands sila ni Brace. Urgh! Bakit ba ang PDA nila?! Hindi ba nila alam na bawal yun dito sa school?! Baka gusto nilang i-report ko sila sa DSA! 


Pag balik ng tingin ko kay Cloak nakita ko siyang naka tingin sakin, ay scratch that he's not looking he's glaring! Tss, bakit ba galit na galit sakin to! 


Inirapan niya ako saka nag simulang ayusin yung gamit niya and before pa siyang maka tayo ng maayos nandun na ako sa tabi niya saka siya hinila pabalik sa pagkaka-upo.


"Oy bakit ba galit na galit ka sakin? Echosero ka ah!" Bulong ko.


Tinanggal niya yung pag kaka hawak ko sakanya.


"What are you doing? Close ba tayo?" He asked.

The Break Up Plan..Where stories live. Discover now