prologue

9.7K 53 63
                                    

Pagod na pagod ako dahil sobrang daming nangyari ngayong araw. Pumunta ako sa kwarto ko para mag pahinga. Humiga ako sa kama ko nang biglang nag dilim ang paligid.

"Brown out ba?"Tanong ko sa aking sarili

"Ahhhh!" Sigaw ni Anastasia. Napaka duwag talaga nung babaeng yon, kinulong ko kasi sya sa madilim na kwarto nung bata pa sya kaya ayan.. Na trauma ata hahahaha.

Bumaba ako sa hagdan para tingnan kung ayos lang ba sila. Syempre nagdala ako ng flashlight para makita ko yung dinadaanan ko. Alangan mangapa ako sa dilim diba? Ano ako tanga?. Nang makarating ako ng living room, tumambad sa akin ang nakahandusay at duguan na si Anastasia.

Hindi ito pwedeng mangyari.

"Anastasia!" Sigaw ko habang humahagulgol sa pag iyak. Kinapa ko ang pulso nya para malaman kung buhay pa ba sya.

Nung masiguro ko na buhay pa si Anastasia ay agad kong hinanap si Celyne, ang mga butler ko at sina manang para makasiguro kung ok lang ba sila. Hinanap ko sila sa buong mansion pero hindi ko sila makita. "Celyne!" Sigaw ko. Lumabas ako para tingnan kung nasa garden ba sila, at tama ako, nakita ko ang mga butler ko. Nakahandusay silang lahat at walang malay. Wala silang bahid nang dugo sa katawan nila.. Hindi sila nasaktan.

Bumalik ako sa loob ng mansion at nilibot kong muli ito pero hindi ko mahanap sina Celyne at manang. "Shit! Nasaan sila!?" Sigaw ko

Bago pa man ako makarating ng basement ay may naramdaman akong tao sa likod ko na dahilan para mapatigil ako sa pag lalakad. Hindi ako maka galaw, para akong na paralyzed. Bumilis ang pag tibok ng puso ko, hindi ko alam ang gagawin ko.

"Sorry pero kailangan kong gawin to". Pamilyar sakin ang boses na yon. Hindi ako pwedeng magkamali. Bago pa man ako makapag salita ay naramdaman ko ang maliit na karayom na unti uting tumutusok sa leeg ko. Unti uting nag blurr ang paningin ko hanggang sa hindi ko na maramdaman ang buong katawan ko.

Bakit?

Bakit mo nagawa sakin to?

"Hunter"

Mafia Queen Where stories live. Discover now