chapter thirty one

116 1 0
                                    


Saffron's P.O.V

"O.M.G Saffron! Ten days nalang sportfest na." Ano naman kung sportfest na.

"Im so excited na talaga. Pinilit nga nila ako para maging muse ng department namen." Seriously? Pinilit?

Tiningnan ko sya.

"Kwento mo na. Alam kong kanina mo pa gustong ikwento kung anong nangyari" sabi ko.

"So this is what happened" at nag kwento na nga sya ng pagka haba habang kwento.

pinaalala daw kase sa kanila kanina nung prof nila na malapit na daw yung sportfest pero wala pa silang napipili na muse.

Kailangan daw nila is yung matalino, maganda at sexy para sigurado na mananalo ang department nila sa pageant.

So nag suggest daw yung nga kaklase nya kung sino sino yung mga sasali at isa sya dun sa nasuggest.

Umayaw yung iba at ang nangyare sya nalang daw yung natira dun sa mga isinuggest.

Then tinanong daw sya kung papayag daw sya na sya nalang yung ipanglaban sa department nila.

Ang daming 'sya' dun sa sinabi ko diba hahaha.

Then ayun na nga. Pumayag sya.

"Oh diba gurl. Pinilit nila ako" sabi ni Anastasia.

"Oo nga eh. Pinilit ka nga nila" sarkastikong sagot ko.

"Anyways. Sino nga pala ang ipanlalaban sa department nyo?" Tanong sakin ni Anastasia.

"Umm i don--" hindi ko na naituloy ang sasabihin ko dahil bigla akong tinawag ni manang.

"Ano po iyon?" Tanong ko kay manang.

"May bisita po kayo" what?

Nagkatinginan muna kami ni Anastasia at sabay kaming pumunta sa may pinto para tingnan kung sino yun.

"Hi Saffron!" Bati ni Hunter.

"Ano nanaman ginagawa mo dito bakla?" Ano nanaman kaya ang kailangan ng baklang to.

"Hi Hunter. Come in" rinig kong sabi ni Anastasia kaya agad akong napatingin sa kanya.

"Hehehehe" tawa ni Anastasia bago sya umalis sa tabi ko.

Sinundan ko nalang sila hanggang sa makarating kami sa living room.

Umupo agad ako sa sofa at inintay ang sasabihin ni bakla.

"Have a sit" sabi ko kay Hunter.

"Uhh Saffron eto nga pala yung mga list ng students sa university. Hinihingi mo to kanina diba? Nalimutan ko kasing ibigay sayo kanina bago umuwi" paliwanag nya.

Inabot nya sakin ang isang folder.

Chineck ko muna kung list nga ng students ang laman nito.

"Thankyou dito. You may now leave" sabi ko with hand gestures pa.

"May isa pa pala akong sasabihin." Sabi ni Hunter.

"Nasabi kase sakin kanina nung head ng department natin na hindi pa daw tayo nag-isusubmit sa kanila kung sino ang lalaban sa pageant." Sabi nya.

"Wag ka nang paligoy ligoy" sabi ko.

"Nag volunteer ako bilang escort so sasabihin ko lang sana kung pwede.." tumigil sya sa pag sasalita.

Mafia Queen Where stories live. Discover now