Chapter 1

83.4K 841 17
                                    

Chapter 1

"Next next week na pala ang intramurals natin Ja! Saan mo gustong sumali?" masigla kong tanong sa kaibigan kong si Janine habang hindi pa nagsisimula ang aming klase. Matalik kong kaibigan si Janine ngunit alam kong hindi iyon ang turing niya sa akin.

Simula elementary ay kaibigan ko na siya, kahit na higit siyang maganda at matalino sa akin ay hindi ko siya kinainggitan, well iba ngayon. Naiinggit ako sa kanya kasi bestfriend niya ang lalaking gusto ko. Iminulat ako ni momy na dapat kamuhian ko ang pamilya Cueva, ang pamilya ni Nathaniel. Naging saksi ako sa insecurities ni mommy sa unang asawa ni daddy na naging dahilan kung bakit miserable ang pagsasama nila. Gustuhin ko mang magalit ay hindi ko magawa.

"I'm not into sports hindi gaya ni Vodka so probably sa booth lang ako mag stay. Ikaw?" balik-tanong sa akin ni Janine, nagkibit balikat na lamang ako at sumama nalang sa kanya sa booth.

"Sa booth nalang din. Ikaw Nathaniel?" kahit tapunan ng tingin ay hindi magawa ni Nathaniel, bata palang kami ay ramdam ko na ang panlalamig niya at pagka-irita sa akin. Ako pa nga dapat ang magalit sa kanya dahil hindi ako lumaki sa isang masayang pamilya. Presensya ko palang ay naiirita na siya hindi ko nga alam kung bakit ko pa siya sinusubukang kausapin.

"Tinatanong ka ni Nathalia if saan ka daw sa intrams." natatawang utas ni Janine sa kanya. Buti pa si Janine isang sabihan lang kumakalma na siya, ako kahit manahimik ako sa sulok ay maiinis na siya sa akin.

"Ano bang pake niya kung saan ako sa intrams? Psh." napayuko na lamang ako ng padabog niyang inilagay ang earphones sa tainga niya at hindi na ako nilingon pa. Humingi ng pasensya si Janine ngunit matamlay lamang akong ngumiti.

Aaminin ko nasa elementarya pa lamang ako ay gusto ko na si Nathaniel. Lagi kaming tampulan noon ng tukso o minsan ay napagkakamalang magkapatid. Hindi close ang parents namin ngunit nasa iisang kompanya ang daddy ko at mommy niya na mas nagiging dahilan ng malimit na away ng mga magulang ko. 

Hindi nagkulang si daddy sa pagmamahal, hindi lang makuntento si mommy sa kung ano ang naibibigay ni daddy. Galit ako kay mommy dahil sa pagiging praning niya pati tuloy kaming mga anak ay nadadamay pa.

"Nathalia? Kaklase mo daw sa isang minor subject ang anak ni Sheila?" walang emosyong tanong sa akin ni mommy habang kumakain kami ng hapunan. Para bang napakatigas ng nginunguya kong karne, nakakawalang ganang kumain kung ganito kapormal ang mga kasabay ko sa hapag kainan. Hindi maituturing pamilya ang mayroon ako. 

"Opo." tipid kong sagot sa kanya at walang ganang inilayo na ang hindi ko pa nagagalaw na pagkain. Busog na busog na ako sa lahat ng crap na mayroon ang buhay ko. Ang isipin palang na ganito ang buhay ko sa loob ng labing walong taon ay puno na ang tiyan ko.

"Huwag kang magkakamaling makipag-kaibigan roon. Naiintindihan mo ba?" umirap ako sa kawalan dahil ayokong mainis na naman kay mommy, tahimik na nagbuntong hininga si daddy at humihingi ng pang unawa ang kanyang mata sa akin. Mahal nga talaga ni daddy si mommy dahil sa kabila ng kabaliwan nito ay hindi pa rin siya nagsasawa.

"Hindi ako nakikipag-kaibigan kay Nathaniel." pino kong sagot sa kanya ng sa ganoon ay hindi na niya ako kulitin pa. Sa ganoong tono ay baka tumatak na sa isip niya ang sagot ko.

"Nagkakaintindihan pala tayo hija." maarteng sumimsim si mommy sa kanyang wine at ngumiti sa akin.

Galit na galit siya sa tuwing sinasabi ko sa kanya na insecure siya kay Tita Sheila. Kahit anong pilit niyang pagdedeny ay kita naman sa mga aksyon niya kung gaano siya naiinggit rito. Kung ano ang mayroon si Tita Sheila ay dapat mayroon siya, iisa ang suki nilang salon, iisang branded clothes ang gusto nila. Hindi nga ba't isinunod pa niya ang pangalan ko kay Nathaniel? Laking bigo ni mommy ng malaman niya na babae ang kanyang anak, aniya'y hindi patas ang laban nila ni Tita Sheila dahil lalaki ang anak nito.

Makasarili ang ina ko, tanging kabutihan lamang niya ang iniisip niya. Lumaki akong si daddy lang ang nagmamahal sa akin. Manika lamang ang turing sa akin ni mommy. Kung naiinis si Nathaniel sa buhay niya ngayon ay paano pa ako?

***

"Nathaniel?" habol ko kay Nathaniel habang mag-isa lamang siyang naglalakad sa may corridor. Himala atang hindi niya kasama si Janine ngayong araw na ito. Noon pa man ay alam ko ng gusto niya ang kaibigan ko.

"Oh?" walang gana niyang sagot sa akin habang hindi man lang ako nililingon.

"Nasaan si Janine? Hindi siya pumasok pagkatapos ng klase natin kanina?" napangiti na lamang ako ng palihim ng makita ko ang nakabusangot na mukha ni Nathaniel. Bakit ang gwapo pa rin niya kahit na gusot na ang mukha niya? Baliw na ba ako kung kinikilig ako sa itim at nanlilisik niyang mga mata. Haha. Kahit anong gusot niya sa kanyang mukha ay siya pa rin ang boys next door para sa akin.

"Malay ko? Kaibigan ka niya ah? Tss." mas lalong lumawak ang mga ngiti ko ng pabalang pa niya akong sinagot. Haha. Ganito na ba kalaki ang pagkagusto ko kay Nathaniel na kahit ismiran at sungitan pa niya ako ay kinikilig pa rin ako. Haha.

"Baka lang naman mo at isa pa 'bestfriend' ka niya diba? Mas magsasabi siy---"

"Ang daldal talaga ng mga babae!" ginulo niya ang buhok niyang katulad ng mga koreano at muli na naman akong sinamaan ng tingin. Hindi ko maiwasang ngumuso dahil sa kasungitan niya. Hindi na nga ako magsasalita ayaw naman pala sa mga madaldal.

"Hmm. Turuan mo nalang kaya ako sa lesson natin kanina? Hindi ko kasi nakuha masyado." naningkit ang mga mata niya at animo lulusawin ako sa sama ng tingin niya sa akin.

"You are annoying Nathalia Romualde." mariin at puno ng sarkasmo ang naging saad niya na mas lalong ikinagusot ng mukha ko. Pinagdikit ko ang mga dalawang daliri ko at yumuko.

"Ehem. Anong topic?" pilit kong itinago ang mga ngiti ko, halos dumikit na nga ata ang baba ko sa dibdib ko sa pagkakayuko dahil baka mainis na naman siya kapag nakita niyang kinikilig ako.

"Iyong kay Plato. Hehehe." mas lalo ko pang pinaglaruan ang mga daliri ko, padarang niyang inilabas ang notebook niya at iniabot sa akin. Ha? Nawala ang mapaglarong ngiti sa mukha ko.

"Sayo muna notes ko basta wag mo na kakausapin pa. Bye then."

"Ganyan ka ba katigas Nathaniel?" gamit ko ang linya sa paborito kong movie na One More Chance. Gusto ko nalang tapak-tapakan itong notebook ni Nathaniel sa sobrang inis. Nakakainis!

"Miss Romualde?" bati sa akin ng isang matandang lalaki na nakasuot ng corporate attire sa ayos niya ay mukha siyang si Sherlock.

"Ako nga po." nagtataka kong tanong sa matandang kaharap ko ngayon.

"Ako nga pala si Atty. Pablo Sanchez, ang family lawyer ninyo. Nagdaan na ako sa opisina ng daddy mo at nalaman ko na nasa Puerto Azul pala siya at ang mommy mo naman ay may coverage. Wala akong mapag-iiwanan ng mga papeles na dala ko ngayon dahil confidential ito. Maari bang iwan ko sa iyo ito?" kalimitang busy ang parents ko kaya naman tumango na lamang ako, baka highly confedential ang mga papeles na iyon sa kalapit na kamag-anak lamang pwedeng iwan.

"Ano pong laman niyan?" out of curiosity kong tanong sa abogado.

"Annulment papers po."

"Sila? Annulment papers?" alam kong nahihirapan na si daddy na pakisamahan si mommy pero hindi ko naman hiniling na maghiwalay sila.

to be continued...

The Virgin's First Night 7: It Takes Two To TangoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon