Chapter 2

90 0 0
                                    

Terrence's POV

"TERRENCE MENDEZ NA ANAK NI JUANITO AT JACINTA MENDEZ BUMANGON KA NA DIYAN AT MAGSAING!!!"

Hmmmm... parang ang ganda ng  boses ni nanay ah parang kay ariana gran---

" TERRENCE BUMANGON KANA NASUSUNOG NA ANG APOYY!!"

WATDAPAK??!! Ano daw?!

"Gising na po ako nayyyy! Ano kabanaman?! Hindi kaya nasusunog ang apoy!" Badtrip naman eh ang sarap pa naman ng tulog ko! Haist bweset!

" tseh wag kanag sumagot m mo na diyan nagugutom na ako!" Si mader talaga ang aga aga ang takaw!

"Oo na po mader babangon na ang gwapo niyong anak!" Nakangisi kong sabi sakanya

"Abat?! Gwapo?!!" Bahh aangal pa ito ha

"Bakit ma ano kala niyo saken panget? Edi pangit din kayo!" HAHAHHA KALA MO MA MAKAKALUSOT KA HA

"Hindi naman anak sa ganyanan alam ko naman kasi na maganda ang lahi natin eh halika na tumayo kana jan at magsaing bilis na nagugutom na si mama mo" abaaaa biglang naging mahinahon? HAHHAAH siraulo to ah

"Tseh bahala ka diyan ma" sabi ko nalang sakanya at naglakad patungo sa cr para maghilamos at magtoothbrush pagkatapos nagsaing na rin ako at naghanda kasi unang araw ko ngayon bilang 4th year highschool!

Habang nagsisintas ako ng sapatos narinig ko naman ang nakakamatay na sigaw ni mama

"Terrence mendez late ka na naman!!" Napakamot nalang ako sa batok ko sabay tingin sa orasan 6:30 am 8:00 am pa naman ang simula ng klase ko 1 oras din ang biyahe pa st.claire university kaya may 30 minutes pa ako

"Ma may 30 minutes pa wag masyadong atat!"

"Anong sabi mo?!"

"Sabi ko pupinta ako mamaya sa dagat!" Whooo salamat naisip ako ng palusot

"At ano naman ang gagawin mo dun aber?"

"Maghahanap ng sirena malay mo maganda edi mas gaganda lahi natin" nakangisi kong sagot sakanya

"Eh kung syokoy ang makita mo?"

"Ipakikila ko siya sayo ma HAHAHHA byeeee po alis na ako mwahhh!" Tumatawa kong sabi kay mama bago lumabas ng bahay may sasabihin pa sana ito kaso nauna na siyang umalis bwehehehe

Inabangan ko si papa sa may kanto kasi magpapahatid ako sakanya tricycle driver kasi si papa si mama naman eh labandera may kuya ako panget yun kaya hindi ko na siya ipakikilala sa inyo HAHAHHAHA

Nang namataan ko na si papa kumaway ako sakanya

"Pa!"

"Oh sakay na bilis unang araw ngayon ng pasukan late ka na naman"

Haist! Hanggang dito ba naman?!

"Pa may 1 oras pa tayo sa biyahe sige na concentrate na kayo diyan isolve niyo ang bearing ng st. Claire university if ang starting point ay mula dito isolve mo na rin ang angle"

Napakurap muna si papa sandali

"Ano yun nak?"

"Wala po pa speech namin sa project yun nag papractice lang ako"

"Eh? Hindi pa nga nagsisimula ang klase project agad?"

"Hayaan niyo na pa ganyan talaga ang buhay😂"

Natahimik naman si papa at nagsimula nang magdrive, nang nasa tapat na kami ng gate ng st.claire napangisi ako bwehehe sa wakas hindi na magiging boring ang araw ko kasi marami akong mapagtritripan dito😈

"Anak! Palipasin mo muna ang isang araw bago kami iapatawag ng guidance ha!" Nakangising sabi ni papa at umalis na

ST.CLAIRE UNIVERSITY I'M GONNA ROCK YOUUUUU!!















Kiya_nnah🌹👑

Loving Mr. SeminarianWhere stories live. Discover now