3 of 3

18 4 0
                                    


[Author's POV]

Kung kayo ba ang nasa sitwasyon ni Adrian, anong gagawin niyo?

Will you just let go of that someone you love because she'd gone too much pain already?

Or

Will you go after her, chase her, and do everything to get her back?

Ako kasi hindi ko alam e. Mahirap naman kasing pakawalan ang taong mahal mo. Pero mahirap din namang ipagpilitan ang sarili mo kung ayaw na talaga niya.

Anyway... Since alam niyo na ang both sides ni Adrian at Claire... Ako naman ang magkwekwento.

So here it is.

- - -

"Claire, wait!"

Ilang sandali rin ang lumipas bago napagtanto ni Adrian na ipaglalaban niya ang pagmamahal niya kay Claire. Ayaw na niyang ulitin ang pagkakamaling nagawa niya noon.

Lakad- takbo ang ginagawa niya para lang maabutan si Claire. Pursigido rin kasi ang babae na matakasan siya.

"Claire, please! Forgive me. I'm sorry!" sigaw niya uli. Pinagtitinginan na sila ng mga tao.

"Stop it, Adrian!" inis na usal ni Claire. Mabilis parin ang ginagawa nitong paglalakad. Tumigil na ito sa pagtakbo kanina dahil sa pagkahapo. Hindi niya nga lang magawang tumigil sa paglalakad dahil batid niyang di siya titigilan ng binata.

Tinatahak nila ang daan papunta sa bahay ng babae. Malapit na sila ngayon doon.

Bumagal sa paglalakad si Claire. Pagod na talaga siya. Naabutan siya ni Adrian dahil doon. Hinawakan nito ang braso ni Claire.

"Claire please... pakinggan mo muna ako." he beg.

"Bitawan mo nga ako, Adrian. I hate you!" sigaw niya. Patuloy parin sa paglalakad. Nagpupumiglas si Claire mula sa hawak ni Adrian pero ayaw siyang pakawalan nito.

Inis niya itong hinarap. Halos nasa bahay na sila nila Claire.

"You can't just leave someone then come back whenever you want to. What's wrong with you? Okay na ako e. Okay na sana ako. Nagawa ko nang buuin uli ang sarili ko... Pagkatapos ngayon sinisimulan mo na naman akong wasakin? Ano bang ginawa ko sayo?"

Nagsimula na namang tumulo ang mga luha ni Claire. Pinahid iyon ni Adrian gamit ang kanyang palad. Agad namang lumayo si Claire at muling naglakad patungo sa kanilang bahay.

Ilang hakbang na lamang para maabot niya ang gate nang matigilan siya. Hindi niya napansin iyon agad dahil nanlalabo ang mga mata niya dahil sa mga luha.

I Love You, Claire... I can't live without you.

Please, come back to me...

I'm sorry for everything, Claire...

You give meaning to my life, Claire...

I hope I'm still the one...

I will never leave again... That's my biggest mistake.

Ilan lamang iyon sa mga placards na nabasa niya. Di niya alam kung mababadtrip ba siya o ano. Ang daming nakadikit na ganun sa gate nila. Dali dali siyang pumasok at nagulat siya nang makitang pati ang garden nila ay may ganoon.

Marami ring nagkalat na lobo sa paligid at may nakaset ding table sa gitna ng garden. Pumapailanlang din ang isang kanta.

I found my self dreaming in silver and gold...

MISTIFY - One Shots & Poetry CollectionWhere stories live. Discover now