Simula
Bakit mahirap mainlove?
Ang pag-ibig ba ay ginawa para umasa o masaktan?
Bakit ang damot ng pagkakataon sa akin?
Sa amin?
Bakit sa dinami dami ng tao sa mundo, ako pa ang napaglaruan ng tadhana?
Tadhana na gusto ko na sanang kalimutan ngunit kahit anong pilit ko ay hindi ko mapigilan.
At patuloy ko paring nililingon ang nakaraan hanggang ngayon.
Ganito ba ang sinasabing pagmamahal?
At itong pagmamahal na ito ay para sa akin ay minsan na akong umasa, nag intay at kumapit sa wala.
Kumapit sa wala namang kasigiraduhan.
Pilit ko man siyang hanapin at abutin ay wala pa rin.
Sadyang malupit lang para sa amin ang tadhana.